Chapter 5

158 10 0
                                    

"BAKIT ka tumatawa?"
nakangusong tanong ko

"ikaw eh"
tawa pa din niya

"eh bakit? dapat ba talaga groupings kapag iiyak?"
nagpupunas sipon na saad ko

tumawa naman siya tsaka pinunasan yung mukha ko ng towel niya

"ayoko ng 24hours Mm"
saad niya

"huh?"
kunot-noong tanong ko

"i want you to be my girlfriend for real"

kinagat ko naman yung pang-ibabang labi ko dahil sa sinabi niya

"bakit?"

ngumuso naman siya tsaka isiniksik yung mukha niya sa leeg ko

"try lang natin mm please? kapag naramdaman kong hindi nagwowork yung relasyon natin, promise palalayain na kita"

bumilis naman yung tibok ng puso ko
kaya bahagya ko siyang itinulak para ilayo sa'kin

baka kasi marinig niya yung pintig ng puso ko, nakakahiya!

"hmnn, sige! pumapayag ako"

umaliwalas naman yung mukha niya tsaka ako hinila sa kung saan

"saan ba tayo pupunta?"

"sa tambayan"
excited na saad niya

"HOY hoy, anong date ngayon?"
tanong niya kaagad kela chloe

"september 13, bakit?"

ngumisi naman siya tsaka ipinakita sa kanila kung paano siya umakbay sa'kin tsaka humalik sa noo ko

naglakihan naman yung mga mata nila tsaka pumalakpak

"owemjiiii, congrats"
saad ni alexa

siniko ko naman si monmon kaya napabitaw kaagad siya

"huwag niyokong badtripin lalo ha"
reklamo ko tsaka yumuko sa lamesa

"ano bang nangyari? umiyak ka ba?"
tanong ni chloe

tumingin naman ako kay chloe tsaka ngumuso

ikinuwento ko sa kanila yung nangyari kanina sa room
pati na din yung nangyari sa pagitan namin ni jessa

"KAMI bahala sa'yo"
nakangising saad ni frayna

para namang may sariling mundo si alexa kaya tulala pa din

"miss mo na papa mo?"
saad ko

tumango naman siya kaya natahimik kaming lahat

"nahihiya na'ko sa inyo, sa pamilya ni yna, gusto kong magtrabaho"
saad niya

"pero alexa! nag-aaral ka"
saad ni ck

"mag-aaral ako sa araw, tapos sa gabi magtatrabaho ako"

"saan ka naman magtatrabaho? alexa grade12 palang tayo, graduating, running for valedictorian ka pa. Baka mapabayaan mo"
saad ko

nakakapanghinayang kasi, baka mapabayaan niya yung sarili niya

"pero mm, kailangan ko"
saad niya

"kakausapin ko si daddy para sa'yo"

"huwag na mm, nasa spain daddy mo, huwag na natin guluhin"

"sa 7/eleven kanalang, mas safe, tsaka mabibisita kita"
saad ni kevin

"may kakilala ka ba doon?"
tanong ni chloe

"yeah, janitor dun yung anak ng yaya namin"
saad nito

nagkasundo naman kami na sa
7/eleven si alexa magtatrabaho sa gabi
Tumutol si Yna noong una pero wala na din siyang nagawa dahil desidido na si Alexa

"HALIKA nga dito"

"bakit ba kasi ate"

"itinapon ko na mga damit panlalaki mo"

nanlaki naman yung mata ko tsaka nagtatakbo papasok sa kwarto ko

wala na yung mga damit ko
pero may mga bago
puro damit pang babae

"ate, hindi ako marunong magsuot ng ganito"

"bakit? kaya nga pag-aaralan mo diba?"

tumango naman ako tsaka naalala yung sinabi ko kay jessa kanina sa school

"wednesday bukas right? makakapagcivilian ka"

every wednesday and friday kasi
nakacivilian lang kami

monday and tuesday type A uniform kami which is above the knee palda then fitted blouse

thursday naman type B yung p.e namin

"SIYA ba talaga yan?"

hindi ko nalang pinansin yung bulungan ng mga schoolmate ko tsaka dumiretso sa tambayan namin

may 30minutes pa bago magsimula yung klase

"woah, 'yan yung binili namin"
nakangiting saad ni ck

"sabi nga ni ate, kayo daw nagshopping nito"

"oo teh, kitang-kita pagka-slim ng katawan mo"

namula naman yung pisngi ko sa sinabi nila

"ganda ng bebe ko ah"
ngisi ni sean

"hoy anong bebe? Loves ko 'yan"
nakangusong saad ni monmon tsaka ako inilayo kay sean

"selos ka tol?"

"don't tol tol me ha"
napipikong saad ni monmon

"nasaan pala si jboy?"
tanong ko

"nandun sa parents ni yna, si jake naman nasa kuya ni yna"

Tumawag naman si ate lorrain
kaya lumayo muna ako sa squad

"hello ate?"

"dun ako sa bahay nila crismar tutulog ha? magovernight muna kayo sa bahay nila frayna"
saad niya tsaka pinatay yung tawag

aba napakabastos nun ah
kapag siya naman pinapatayan ng tawag galit na galit tsss...

"TALAGA? owemjiii, sige magpapaalam na'ko kay mommy tsaka daddy"
excited na saad ni frayna

"kasama ba kami?"

"hindi, asa ka"
saad ko kela sean

ngumuso naman silang apat na lalaki kaya nagtawanan kami

naghiwa-hiwalay naman na kaagad kami para pumunta sa room 10minutes before the class

"MAS maganda pa sa'yo si Maxine"
pang-aasar ng mga lalaki sa babaeng nasa labas kung sino man yun

"uyy? woah, babaeng-babae kana"
nakangiting saad ni ashirt

"salamat"
ngiti ko

"ahh, si Reggiela pala"

"hi?"
bati ko sa kaibigan ni ashirt

may naghagis naman ng libro sa may paanan ko kaya tinignan ko

"ang kapal naman ng mukha mong tapatan yung kasikatan at kagandahan ko sa campus"
sigaw ni jessa

tumayo naman ako tsaka humarap sa kaniya

"hindi kita tinatapatan"
saad ko

ngumisi naman siya tsaka nagpameywang

"nilagpasan na kasi kita"
ngisi ko

nagsalubong naman yung kilay niya tsaka akmang sasampalin ako

sinalag naman ni jerson yung kamay niya kaya nagtaka din ako

"huwag mong idadampi ang kamay mo sa kahit anong parte ng katawan niya"
saad nito tsaka kinaladkad ang kapatid sa labas

bakit ang weird ng magkapatid na yun?

______________________________________

I Lied That I Don't Love You (campus series#2)Where stories live. Discover now