CHAPTER 3

0 0 0
                                    

Chapter 3 : Ikaw na naman?

CHESKA'S POV.

Ano suwerte sa kindat ng V na yun? Tsk.

Kahit kailan talaga itong si Anna sobrang baliw na baliw sa Bangtan ba yon?

Lumipas pa ang ilang oras ay nag lunch break na kami ni Anna at napag isipan namin na kumain sa isang restaurant na katapat lang namin.

Pumunta si Anna sa counter para umorder ng kakainin namin habang ako naghahanap ng mauupuan namin.

At nakakita na nga ako ng mauupuan namin kaya naupo na ako.

Napansin ako ang isang long table na nasa harapan ko.

May mga lalaki na naka hoodie at mga naka sunglasses katulad ni V kuno ang pormahan nila.

Hmmm?

Wait-- kasama nila si V?

Wag mong sabihing?

Hindi pwede ito.

Nakakahiya baka pag nalaman ni Anna na BTS ang nasa kabilang table baka magwala ang gagang yun.

Maya maya pa ay dumating na si Anna dala ang pagkain na inorder niya.

Habang nakain kami ay kinakausap ko siya at tinatanong ng kung ano ano para lang hindi niya mapansin ang mga nag uusap sa likod na kung saan nandun ang mga idol niya.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na kaming kumain at hinila ko na si Anna palabas ng restaurant.

"Ano ba? Madaling madali ka? Eh may 40 minutes pa tayong break." Saad nito habang naglalakad kami pabalik ng shop.

"Ah--eh akala ko kasi late na tayo eh." Palusot ko dito.

"Oo nga pala.. napansin mo ba yung nasa katabi nating table? Parang mga celebrity sila kasi yung mga pormahan nila pang celebrity eh. Pansin mo ba?" Saad nito. Sabi na eh nakita niya yung mga yun, buti na lang hindi niya nakilala kung sino sino yung mga yun.

"Ah-- hindi ko napansin eh." Saad ko dito kahit na napansin ko naman talaga at nakilala ko.

Nakarating na kami ng Cafè at inayos na ulit ang mga dapat naming gawin.

Wala pang masyadong costumer dahil lunch time pa naman.

Makalipas ang ilang oras ay wala pa ring mga costumers na narating hanggang sa may isang lalake ang lumapit sa akin sa counter habang nasa likod ko si Anna.

"Hi." Saad nito.

"Good afternoon po, sir.." Saad ko ng nakangiti.

"Anong time ang closing niyo?" Saad nito.

" 7:30 in the evening po." Saad ko.

"Perfect." Saad nito.

"Uhm-- bakit po sir?" Saad ko. Medyo kinabahan ako sa lalaking ito.

"Gusto ko sanang i-close niyo na itong cafè niyo." Saad nito. Napataas ang kilay ko.

"Po? Bakit po?" Saad ko.

"I mean pwede ba naming gamitin ang cafè niyo hanggang closing time dahil may meeting lang kami, kung pwede lang naman." Saad ng lalaki.

"Ah..-- bakit dito po sa cafè namin?" Saad ko.

"Gusto niyo bang maubos lahat ng tinda niyong cupcake and bread?" Saad nito.

"Opo, pero--." Saad ko pero naputol ito.

I CHOOSE YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon