CHAPTER 2

0 0 0
                                    

CHAPTER 2 : CAFÈ

At dahil nga mag isa lang ako sa bahay ay pang isang tao lang ang niluto ko na pagkain.

Pang tanghalian at hapunan.

Natapos na akong kumain at nilinis ko na din ang pinagkainan ko.

Naupo ako sa sofa sa sala at binuksan ang TV.

Habang nanonood ako ay tumawag si Mama kaya sinagot ko agad ito.

"Ma, kamusta na po kayo?" Bungad ko kay Mama.

Tumingin ito sa akin na parang nagtataka.

"Nak, nasa bahay ka ba? Wala ka bang pasok ngayon sa trabaho?" Saad ni Mama.

"Ang totoo po nan Ma, tatawagan ko na sana kayo kaya lang tumawag kayo kasi nga po---." Saad ko.

Nahihiya akong sabihin na wala na akong trabaho. Pero alam ko naman na maiintindihan ako ni mama.

"Kasi nga ano, nak? Natanggal ka ba sa trabaho mo?" Saad ni Mama na halatang nag aalala ito.

"Hindi po Ma, nagsara na po kasi yung company namin. Na bankrupt po yung company. Kaya po kanina pagpasok po namin ay last day na po pala namin--- wala na po akong trabaho Ma, sorry po." Saad ko kay Mama. Nahihiya ako sa Mama ko.

"Nak, ano ka ba? Ayos lang. Ganyan talaga ang buhay. Ok lang yan anak, madami pang trabaho diyan. Makakahanap ka pa ng mas magandang trabaho." Saad ni Mama.

"Opo Ma. Pero Ma, may trabaho naman po ako eh. Natatandaan niyo po ba yung sinabi ko sa inyo na Cafè? Bukas na po ako mag sisimulang mag trabaho sa Cafè at kasama ko po si Anna.." Saad ko kay Mama.

"Ay oo nga pala. Pero di ba sabi mo sa susunod na buwan ka pa mag sisimula sa cafè? Bakit bukas na agad?." Saad ni Mama.

"Kasi po umalis na yung dalawang nag ta trabaho po dun sa cafè kaya kailangan na po nila ako. Tsaka kasama ko po si Anna." Saad ko.

"Buti naman kung ganun anak, at buti din na magkasama kayo ulit ni Anna sa trabaho. Pagbutihin mo anak ha?" Saad ni Mama.

Nakita ko ang mga ngiti sa mukha nito.

"Opo Ma." Saad ko ng nakangiti.

"O sya nak, magpahinga ka na dyan. Bukas uuwi na din ako. Mag iingat dyan ha? Isarado lahat ng bintana bago matulog pati ang pinto, mahirap na babae ka at mag isa ka lang dyan sa bahay." Saad ni Mama.

Hay naku ang mama ko bine-baby pa ako.

"Opo Mama. Kayo din po mag iingat dyan. Magpahinga na din po kayo." Saad ko at nag paalam na.

Pinatay na ni Mama ang video call.

Tomorrow is another day.. Sana maging maayos ang trabaho ko sa cafè kasama si Anna.

Kinabukasan..

Dinaanan ko si Anna sa bahay nila para sabay kaming pumunta sa Cafè kung saan kami mag tatrabaho.

Medyo malayo ang cafè na pagtatrabahuhan namin.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa cafè.
At pumasok na sa loob.

Naabutan namin ang may ari ng Cafè.

"Good morning po, Ma'am." Sabay naming saad ni Anna.

I CHOOSE YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon