CHAPTER 4 :
Nasa cafè na kami ni Anna.
Nag aayos ng mga upuan at table.
Si Anna ang nagpupunas ng sahig at ako namang sa mga table.
"Alam mo ito na ata ang pinakamasayang trabaho ang nagawa ko." Saad ni Anna.
"Dahil sa trabaho na ito dito mo nakita ng malapitan ang idol mo, ganon ba?" Saad ko dito habang pinupunasan ang mga lamesa.
"Mismo, kaya nga sobrang saya ko eh. Feeling ko close ko na agad sila yiiiiieee." Saad nito sabay kilig pa.
Nabaliw na naman siya.
"Feeling mo lang yun.. back to work na, tama na ang pag de-delusion mo dyan." Saad ko dito.
Nasa counter na ako, nagsimula ng dumating ang mga costumers kaya busy na kami ni Anna ngayon.
Habang nagpupunas ako ng counter dahil sa mga natatapon na coffee ay nagsalita si Anna.
"Pansin mo? Ang daming costumers ngayon kesa nung first day natin dito. At pansin ko din puro order ng BTS ang order nila at puro teenagers pa ang nabili." Saad nito.
Maganda nga yung madaming costumers para matapos agad ang trabaho.
Pero hindi ko napansin yun dahil busy nga ako.
"Hay naku- walang ibig sabihin yon." Saad ko.
"Anong wala.. tignan mo ito." Saad ni Anna at pinakita niya sa akin ang phone niya. "Hindi ba cafè natin yan? At guess what? Si Jimin ang nagpost sa Instagram nila." Saad ni Anna.
"Tama na nga yan. Back to work na." Saad ko.
"Napaka negatron mo talaga. Ang saya kaya tignan mo, naubos na yung cupcake natin na nakapost sa Instagram nila." Saad nito.
Hindi na ako umimik pa.
Grabe pala ang fans ng BTS. Lahat na lang ultimong pati kinain ng idol nila kakainin din nila.
Never pa kasi ako nakaranas ng ganyan eh kaya hindi ako relate.
Nakaupo na lang kami ni Anna dahil pagabi na at wala na ding mga costumer.
Sobrang daming costumer kanina at ubos din lahat ng cupcakes at mga inumin namin.
Matutuwa si boss nito.
At speaking of..
Napatayo kaming dalawa ni Anna ng biglang dumating si Mrs. Lim.
"Sige lang maupo lang kayo, alam ko naman na pagod na pagod kayo." Saad ni Mrs. Lim.
Nakaupo din siya sa amin ni Anna.
"Simula ng nagbukas ang shop ko na ito never pa ako nakaranas na maubusan ng tinda. Tanging kayo lang dalawa ang nakagawa nito." Saad ni Mrs. Lim.
"Wala po yun sa amin. Trabaho po namin ito." Saad ko.
"Well, nabalitaan ko na nag pareserve ang BTS dito kahapon?" Saad ni Mrs. Lim.
Lagot.
"Ah-eh opo Mrs. Lim. Pasensya na po kayo kung hindi po namin napagbigay alam muna sa inyo yung nangyari kahapon sobrang--." Saad ko.
"Sus, wala yon. Kahit sino pwede magpa reserve dito. At dahil ginawa niyo yun naging sikat ang cafè natin." Saad ni Mrs. Lim na nakangiti at parang excited pa.
BINABASA MO ANG
I CHOOSE YOU
RomanceIsang istory ng isang simpleng babae na biglang naging isang miserable ang buhay ng isang lalaki. Nang makilala niya ang lalaking ito ay sobrang daming nagbago sa buhay niya pati na rin sa buhay nito. Si Cheska Dela Peña, ang isang simpleng babae, m...