CHAPTER 6

0 0 0
                                    

CHAPTER 6 : PRETENDING.

CHESKA'S POV.

"ANOOOOO!!" Sabay sabay na sigaw namin.

"Don't worry, Cheska babayaran kita. Imagine mo na lang na bagong trabaho mo ito." Saad ni Mr. Bang.

"Teka lang po, PDnim. Ano po bang sinasabi niyo?" Saad ni RM.

"Gusto niyo pong palabasin sa publiko ba in a relationship sila pero in real life pagpapanggap lang ang lahat?" Saad ni Jin.

"Yes. Ganon na nga, magpapanggap kayong dalawa na in a relationship sa mata ng publiko. At Cheska ito na ang magiging trabaho mo, girlfriend ka ni Taehyung sa publiko lang pero in real life walang kayo, babayaran kita ng malaking halaga, mamayang gabi magpapa press Conference ako para sa inyo. Kailangan mong pumunta Cheska at sabihin sa kanila ang relationship niyo. Deal ka ba don ha, Cheska?" Saad ni Mr. Bang

"PDNim, sigurado po ba kayo sa gagawin niyo? Pwede naman po nating bawiin ang lahat ng sinabi niyo sa media di ba?" Saad ni Jimin.

"Hindi na pwede, baka isipin nila ay pinaglalaruan lang natin sila. Isa pa, mas marami ang may gusto sa issue na ito. 90% ang sumang-ayon sa relasyon nila at 10% lang ang hindi kaya magandang pagkakataon ito para sa inyo." Saad ni Mr. Bang.

"Hindi ko po pwedeng tanggapin ang alok niyo. Magiging miserable ang buhay ko, ayokong magsinungaling sa mga tao. At ayoko din maiwan ang Mama ko mag isa sa bahay. Kaya hindi ko po pwedeng tanggapin ang alok niyo." Saad ko kay Mr. Bang.

Mag iiwan si Mama Mag isa sa bahay.

"Don't worry, habang ginagawa mo ang trabaho mong ito ay nasa mabuting kamay ang Mama mo, hindi siya pababayaan ng company." Saad ni Mr. Bang.

"Hindi ba't panloloko sa tao ang ginagawa niyo? Hindi ba't masama ang gawaing ito? Ayokong manloko ng tao." Saad ko.

At sabay labas ng Officer ni Mr. Bang.

Hindi ko pwedeng iwan ang Mama ko lalo na't umaaligid si Papa sa amin.

Lalabas na sana ako ng company na ito ng makita ko ang mga tao na may mga Camera at parang media sila.

Hinaharangan sila ng mga guard ng company na ito.

Shit paano na ako lalabas nito?

Napaupo ako sofa sa waiting area, hindi naman ako kita dito ng mga media kaya naman napahawak ako sa noo ko.

Bakit ba nangyayari sa akin ito?

Kung tatanggapin ko ang alok ni Mr. Bang, magiging maayos ang buhay ni Mama, at hindi ko na poproblemahin ang mga iniinom na gamot ni Mama.

At kung hindi ko ito tatanggapin, paanong buhay ang haharapin ko?

Hindi na ako pwedeng pumasok sa shop dahil paniguradong dudumugin ako ng ibang fans doon.

Pinag isipan ko ng mabuti ang desisyon na gagawin ko.

Tumayo ako at naglakad papunta sa Office ni Mr. Bang.

Binuksan ko ang pinto nito at naglakad papalapit sa table nito.

"Tinatanggap ko na po ang alok niyo. Pero sa isang kondisyon." Saad ko.

"Anything, ano yon?" Saad nito.

"Sisiguraduhin niyong may sapat na makakain ang Mama ko habang wala ako sa tabi niya at sisiguraduhin niyo din na nasa maayos at ligtas ang Mama ko at maalagaan ng maayos." Saad ko.

I CHOOSE YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon