CHAPTER 5 : WHY NAMAN IKAW?
CHESKA'S POV.
Kaya pala ang dami niyang bodyguard dahil siya si........
"Taehyung?" Salitang lumabas sa bibig ko.
"Nakilala mo pa pala ako." Saad nito na nakangisi.
"Ah-- sorry talaga sa nangyari kaninang umaga. Hindi ko naman talagang sinasadya na mangyari yun eh, isa pa nagmamadali akong pumasok sa trabaho ko kaya hindi kita napansin. Sorry kung nasira ko Laptop mo." Saad ko dito.
"Ok lang, pero di ba sabi mo ipagagawa mo naman ang Laptop ko?" Saad nito.
Ay oo nga pala nasabi ko yun kanina.
"Ah-- Oo naman." Saad ko dito ng nakangiti pero sa totoo lang kinakabahan ako dahil mukhang mamahalin talaga ang Laptop na ito.
"Good. Kaya hindi ako nag aalala ngayon." Saad nito. Naka cross arm lang siya habang nakatingin sa akin.
"S-sige. Ganto na lang, kukunin ko na yung Laptop mo ngayon tapos bukas na bukas ipagagawa ko na siya kasi gabi na ngayon kaya sarado na yung mall. Bigyan mo lang ako ng 1 week na palugit." Saad ko dito.
Ngumiti ito at inilagay nito ang kanyang kamay sa table.
"1 week? Masyadong matagal yon. I need my Laptop, 5 days pwede na sa akin." Saad nito.
5 days? Kaya ba yun?
"5 d-days? S-sige. Pero sa ngayon kailangan ko ng umuwi, gabi na din kasi baka nag aalala na ang Mama ko." Saad ko dito.
"Ok. Let's go." Saad nito at sabay tayo.
"H-ha? Saan kayo pupunta?" Saad ko kaya tumayo na rin ako.
"Ihahatid na kita. Tutal sabi mo gabi na at baka nag aalala na ang Mama mo." Saad nito.
"Naku, kaya ko ng umuwi mag isa. Salamat na lang." Saad ko dito.
"No. Delikado na ang panahon ngayon. Dala mo pa ang Laptop ko baka mamaya eh makuha pa yan sayo. Isa pa, mahirap ng sumakay ngayon dahil gabi na." Saad nito.
"Pero--- ." Saad ko pero bigla akong hinila ni Taehyung palabas ng restaurant.
At isinakay ako sa black na parang Van. Ang laki kasi ng loob ng sasakyan na ito.
Pang celebrity talaga siya.
Habang nasa biyahe kami ay tahimik lang akong nakatingin sa bintana.
Tahimik lang kami buong biyahe.
Maya maya pa ay nakarating na kami sa bahay namin.
Nagtataka ako dahil alam nila ang address ng bahay ko.
Paano?
Bubuksan ko na sana yung pinto ng sasakyan ng hawak ni Taehyung ang kamay ko kaya Napatingin ako sa kanya.
"Good night." Saad nito.
Kaya naman nag yumuko lang ako sa kanya.
Lumabas na ako ng sasakyan pero bago ko ito isara ay nagpasalamat muna ako.
"Ah-- salamat pala sa paghatid." Saad ko.
Ngumiti lang ito. Kaya naman sinara ko na yung pinto ng sasakyan at umalis na sila.
BINABASA MO ANG
I CHOOSE YOU
RomanceIsang istory ng isang simpleng babae na biglang naging isang miserable ang buhay ng isang lalaki. Nang makilala niya ang lalaking ito ay sobrang daming nagbago sa buhay niya pati na rin sa buhay nito. Si Cheska Dela Peña, ang isang simpleng babae, m...