CHAPTER 1 : WORST DAY EVER.
CHESKA POV.
"Ano ba yan Cheska? Simpleng trabaho hindi mo magawa?" Saad ng Manager ko.
"Pasensya na po Sir, ayan lang po kasi talaga ang kaya ng budget natin sa ngayon." Saad ko dito.
"Kahit na! Alam mo palang yan lang ang budget natin hindi mo pa inayos ang trabaho mo. Late ka na nga, palpak ka pa sa trabaho mo. Ayusin mo ulit yan at kailangan after lunch ay nasa akin na ang mga yan. Naiintindihan mo ba?" Saad nito na tila galit na.
"Pero Sir-- Masusunod po." Saad ko dito na may halong lungkot.
"Makakaalis ka na." Saad nito.
Lumabas na ako ng office ng Manager ko at bumalik sa aking working place.
Padabog akong umupo sa swivel chair ko at padabog na nilapag sa table ko ang isang green envelope at napasandal ako sa aking upuan habang nakahawak sa noo ko.
"Anong nangyari?" Saad sa akin ni anna na workmate na bestfriend ko na katabi ko lang ang table.
"Bwiset kasi eh. Ang liit ng budget na binigay niya tapos nag e-expect siya ng maganda. Ayan na nga yung pinaka maganda na pasok sa budget." Saad ko habang ginagalaw galaw ko ang upuan ko.
"Patingin nga ako." Saad nito kaya binigay ko sa kanya ang envelope.
"Wow... maganda naman siya ah? Bakit ayaw niyang tanggapin? Tsaka hindi naman masama ang product na ito, mas mukha pa nga itong mamahalin kesa sa example na binigay niya sayo." Saad ni Anna."Ewan ko ba dun. Dapat siya na lang naghanap ng mas mura na product." Saad ko sa inis.
"Hay naku Cheska, siguro hanapan mo siya ng medyo katulad ng product na example niya baka sakaling yun ang piliin niya or i-submit mo parehas para makita niya kung ano ang mas maganda." Saad ni Anna.
Hmmm? Tama si Anna.
"Sige. Binigyan mo ako ng magandang ideya. Ok, gagawin ko na." Saad ko at napa smirk naman ako.
Lumapit ako sa computer ko at naghanap ng product na sinasabi sa akin ng Manager ko.
Makalipas ang ilang oras ang natapos ko na ito.
Binigay ko na ito sa Boss ko na manager ko.
Tama nga si Anna, mas pinili niya ang katulad ng example na binigay siya sa akin last week.
Hay nako. Napaka low quality ng taste nitong Manager namin.
7:00 pm na ng gabi at sabay kami ni Anna lumabas ng company.
Habang naglalakad kami papunta sa sakayan ng mga jeep ay nag uusap kami.
"Ches, alam mo ba sobrang adik na adik kami sa BTS?" Saad nito.
Ano daw?
"Huh? BT-- Ano?" Saad ko dahil ngayon ko lang narinig ang sinabi niya.
"Ang bingi mo naman. Sabi ko Adik na adik kami sa BTS." Saad nito.
"BTS? Gamot ba yon? Hoy! Wag mong sabihing nag aadik ka? Naku naku, Anna tigilan mo na yan." Saad ko dito.
Tumawa naman ito ng malakas.
"Gaga. Ang tanga mo naman HAHAHAH-- Hindi siya droga, isa siya boygroup na sikat na sikat ngayon sa social media lalo na sa buong mundo." Saad nito habang natawa.
BINABASA MO ANG
I CHOOSE YOU
RomanceIsang istory ng isang simpleng babae na biglang naging isang miserable ang buhay ng isang lalaki. Nang makilala niya ang lalaking ito ay sobrang daming nagbago sa buhay niya pati na rin sa buhay nito. Si Cheska Dela Peña, ang isang simpleng babae, m...