2. No label

22 3 0
                                    

NO LABEL
Chapter 2

“Olivia daw! May naghahanap sayo”

Napatigil ako sa pagtitipa sa keyboard noong tinawag ako ni Alec, treasurer ng SSG (Supreme Student Government.)

“Sino daw?” abala ako sa monitor na halos hindi ko na liningon si Alec kung nasaan man siya. Basta narinig ko na ang sinabi niyang may naghahanap saakin.

 Almost everyone inside the room is super busy, hindi lang kasi accountancy department ang hawak ng SSG kundi buong mga Departments ng University.

“Jodes—” hindi na natapos ni Alec ang pagbanggit ng pangalan noong narinig kong may tumakbo na papalapit saakin.

“As your concerned friend, I brought you lasagna and drinks. Here’s the spoon”

I forgot how busy I am the moment I smelled the cheesy lasagna from Greenwich. Napangiti ako agad kay Jodi. Wow! Sa sobrang busy ko ngayon ko lang narealize na hindi pa pala ako kumakain since breakfast.

“Oh my god, Olivia! Ang haggard mo na, sis! Look at those eyebags. Cheekbone mo labas na labas na. Puro trabaho nalang ba hanggang ngayon?” OA niyang tanong na medyo pinatahimik ko pa dahil sumama ang tingin sakanya ng mga kasama ko dito sa loob ng office ng CSG.

Lahat kami ngayon dito ay gutom, kulang ang tulog, lutang, at madami pang kailangang gawin.

“Wala kang karapatang laitin ako, Jodi dahil kasalanan mo kung bakit ako naelect na secretary ng SSG! Never ko pinangarap to shuta ka” irap ko sakanya sabas subo ng malalaki sa lasagna na dinala niya. Gosh. I am famished!

At ang gaga, napahawak pa sa bunganga niya para ilessen ang ingay ng tawa niya.

“Ang ganda kasi ng sulat mo, girl! Sayang naman pag di maexpose. And at the same time, exposure mo din yun! Hindi ko naman hahayaang maging boring ang college life mo no.”

“Wow. Hindi nga boring, ginawa mo namang disaster! Look at me right now! Ikalimang araw na tong pagdudusa! Maghapon ako nagsusulat, nagpriprint, naglalakad at nagpapasign ng mga lecheng documents about funds and schedules para sa Neophytes Day ng mga departments”

Hindi ko mapigilan magrant. Kasi grabe, simula noong Thursday morning dito na ako natulog sa SSG office kasama mga officers. Monday na ngayon at ngayon ang last na araw na tatapusin namin ang mga kailangang tapusin. And gosh! Now that I am almost finished, mas nararamdaman ko na ang pagod ko the past days.

1 week from now magsisimula na kasi ang Neophytes Day ng University. Syempre hindi pwedeng magsabay-sabay ang schedule ng paggamit ng school gymnasium kaya in-appoint ang SSG to be in-charge sa paglakad ng schedules and funding ng per department. Imagine that struggle we have to deal with!

“Okay lang yan. At least you survived! Last day na today! Cheer up, Madam Secretary” she mocked.

Sinuklian ko nalang siya ng irap habang ngumunguya.

“Oh! I almost forgot! Low batt ba yang phone mo?”

Shoot! Ngayon ko lang maalala na may dala akong phone. Since Thursday di ko na hinawakan phone ko. Agad-agad ko hinalungkat ang bag ko at halos mahulog ako sa upuan upon seeing the numbers of missed calls and messages from Caleb and from Jodi.

Binalingan ko siya ng tingin na ngayon ay nag-aantay ng sagot ko.

“Nakasilent” that’s the only word that came out from my mouth kasi I am worried. Mag-aapat na araw ko na hindi inupdate si Caleb. I totally forgot about him!

“Shit! Lagot ako kay Caleb. Naka-249 missed calls siya at sabog na din messages ko”

Napahawak ako sa noo ko dahil sumasabay pa ang sakit ng ulo ko because of not having a good sleep these past nights. I am just super duper tired.

NO LABELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon