14. No Label

29 2 1
                                    

NO LABEL
Chapter 14

“E kung ako sis, the best plan would be to sort things out with him. Sa true lang ha, hoy! Nakikinig ka ba?”

Automatic na tinignan ko si Jodi sa mata. I am in her room dahil wala na si Pete kaya allowed na ako dito. She saw that I am bothered with my thoughts kaya she suggested to have a “girls night” kaya eto kami ngayon sa room niya kumakain ng junk foods at umiinom ng red wine.

She’s sitting on her PC gaming chair habang nakataas ang isang paa at ngumunguya ng gummies. Ako naman nakahiga sa kama niya at nakayakap sa customized pillow na may mukha ni Pete.

Para kasing bolster kaya comfortable yakapin. Noong una awkward para saakin kasi naka-pout na Pete ang kaharap ko pero nasanay na ako. Si Jodi nga hindi naiilang na yakap-yakap ko mukha ng jowa niya e. HAHAHA

“Pota Oli ano bang iniisip mo at parang cannot be reach ka kahit kaharap kita? Ha? Pag broken, bingi na din?”

“Sorry na. My thoughts are overlapping. So where were we?” I shooed all the extra thoughts at talagang nagfocus sa mukha niya. Baka mapikon e.

“So eto nga. Sabi ko mas better na pag-usapan niyo. Kasi sa true lang sis ha, alam naman nating dalawa na HIGHKEY ayoko jan kay Caleb talaga. Yeah he’s hot and all pero he’s a waving red flag sis. Siya talaga yung literal na red flag. Yung naglalakad siyang heartbreak ganon.”

“Sis ang dami mo ng sinabing definition, 'di mo pa sinasabi yung tinutumbok mong point” irap ko sakanya dahil ayan nanaman siya sa galit niya kay Caleb at walang katapusang unpleasant definitions of him.

“Ay sorry. Madami na pala yun? Parang 1 out of 100 palang yung nasabi ko.” Tawa niya saka sinipa ang paa ko.

“So yun nga, kahit naman ayaw ko doon I highly suggest na it’s better to talk about it you know. Sabi mo nga base sa explanation ni Gab the enabler e parang kawawa nga si Caleb doon part tapos things kinda get out of hand kasi you said a lot of stuff too pero happy ako for you sa part na yun kasi finally di ba? You’re starting to have the courage to say what’s on your mind. Hindi yung Oli na laging nasa loob ng shell. Yung Oli na kikimkimin lahat sa loob tapos ikaw yung pupuntahan lahat ng pain kasi syempre you don’t let it all out. Pero syempre hindi naman na tayo bata na pag nagtampuhan ‘hindi na mag-uusap. Fix it. Talk about it. Sa mas malumanay na paraan. Kasi pag galit ang isa sainyo, wala talagang mangyayari. Trust me. Been there”

Napatulala ako sa ceiling habang pinapakinggan si Jodi. She’s right. I know all those things right from the start pero iba talaga ang impact pag sinabi pa ulit sayo ng ibang tao. It sinks deeper.

That’s one fact about humans. We know the answers to all our questions already but we still want it to hear from other people. Maybe because it serves as the pushing force? The pushing force to do things we know we should do in the first place but we're afraid to do? I don’t know.

“But—I don’t know how to. Ayoko namang ako maunang mag reach out kasi I don’t want to invalidate my feelings and how I reacted too. I just want him to know that I can’t be understanding all the time. Na gusto ko din namang may right ako when it comes to him. Na hindi naman ako yung Oli na tuta na okay lang lahat”

“I know right! Tama yan girl! Very bright ka jan! Agree ako sa thoughts mong yan pero hindi din ako agree konti sa una mong sinabi na ayaw mo magreach out. E ate nagreach out naman na yung tao sayo pero tinulak mo siya, kaya reaching out once naman won’t injure you. Give and take lang naman ang relationship”

Napahinga ako ng malalim dahil tama nanaman siya. Oo. Give and take kaya ako na then? So turn ko na din talaga?

“Pero sige huwag na pala. Wala naman kayong specific relationship. Tsaka na pag binigyan ka na niya ng label”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

NO LABELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon