8. No label

10 1 1
                                    

NO LABEL
Chapter 8

“Tubig! Tubig!”

Parang puputok ang ulo ko sa sakit pagkagising ko. My room is still blurry at parang umiikot parin ang pagtingin ko. And I can’t barely see my lamp beside my bed.

Bahala na kung sino makakarinig saakin. I need water. Para bang tuyo ang lalamunan ko at lahat ng ugat sa katawan ko.

“Oh. Ayan inumin mo. Ang tapang mo kagabing uminom ng alak tapos ngayon hindi mo kaya kumuha ng sarili mong tubig”

Boses niya palang ay alam kong ang pervert nanaman ito. Inirapan ko siya at ininom kaagad ang tubig na bigay niya.

“Lakas uminom pero hindi mo pa ata alam ang consequences ng paglalasing pero ang tapang mo maglasing”

This time pabagsak ko na ibinaba ang basong hawak ko at tinignan siya ng napakasama.

“Thank you sa tubig pero kung nandito ka lang para painitin ang ulo ko, pwede ba lumayas ka sa harapan ko dahil sobrang sakit ng ulo ko?” pasigaw na sabi ko at padabog na humiga sa kama.

Pero matigas ang mukha niya dahil narinig ko pa siyang humalakhak at umupo sa kama ko. Liningon ko siya at matalim na tinignan.

“So I got rudeness as an exchange for my kindness and patience last night huh?”

Nawala ang pagkakakunot ng noo ko sa sinabi niya.

“Anong—”

“You with your oily hands. Boses mong kumakanta na parang walang patutunguhan. Then you’ll cry—damn. You really are a pain in the ass last night” sinundan pa niya ng pagngiwi ng mukha niya na para bang disappointment talaga ako kagabi.

Totoo nga ba?

Nag-init ang mga pisngi ko kaagad just by thinking na nagwala-wala ako sa harap niya kagabi. Tangina. First time kong malasing, ni hindi ko alam kung ano ang mga kagagahan na ginawa ko. Halos ayaw ko ngang isipin kung ano.

Napapikit ako at pilit na tinatanggal sa isip ko ang mga posibilidad na katangahan ko when flashbacks started to appear in my mind.

“You now what Caleb? I am so tired of this set up!Ang gaga ko na to even settle na wala tayong label for almost a year now! Ni isang beses nagreklamo ba ako? You want to own me. You don’t want me around boys pero ikaw tangina. Kahit magdamag ka kasama ang ex mo I have to understand kasi bukod sa kaibigan mo siya, wala din naman akong karapatan to question your decisions! Tanggap ko nman na e! Ayaw mo ng label? Ayaw mo ba ng commitment? Sige! Pero bigyan mo naman ako ng assurance! Consistency! Right to be jealous, right to be possessive of you. Right to ask where you are. It’s the little things that matter to me.”

“FUCK!”

Napasigaw ako at agad-agad na tinakpan ang bunganga ko. Dri looks like he already knows what I am thinking right now at mas lalong nang-aasar ang mukha niya with matching taas-taas pa ng mga kilay niya at sumisipol pa.

“Please tell me that I didn’t say anything stupid” hawak ko sa braso niya. My cheeks are burning red right now. Para pang nawala ang hilo ko at sakit ng katawan ko sa mga naririnig ko ngayon sa utak ko.

“If cursing Caleb and telling me how brokenhearted you are and how painful your relationship status is, is not considered as stupidity, then no. You didn’t say anything stup—”

I didn’t let him finish that sentence and I started covering his mouth while I am shouting every bad words I know.

Fuck.

Knew the signs, wasn't right
I was stupid for a while
Swept away by you
And now I feel like a fool
So confused
My heart's bruised
Was I ever loved by you?

NO LABELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon