4. No label

14 1 1
                                    

NO LABEL
Chapter 4

Nagising ako dahil sa malakas na tili ni Jodi sa sala na sinabayan din ng malakas na music. I checked the time at shet. Napasarap ata ang tulog ko masyado dahil 2:35 PM na.

Maaga nagising si Caleb, mga 7AM kasi may biglaan daw silang meeting with their Prof. Busy busy na din sila na mga Architecture students dahil sunod-sunod na mga requirements nila.

Caleb knows how sleepyhead I am kaya he just woke me up para magpaalam. Narinig ko pang naligo muna siya at humalimuyak sa buong room ko ang body spray niya. Kahit half-open lang mga mata ko kaninang kiniss niya ako para magpaalam e halos gusto ko siya hatakin pabalik dahil sa itsura niya.

He is wearing a black fitted jeans and paired it with a white sweatshirt. His hair is still wet and his watch complimented his looks. Kagigising ko yun pero girl sobrang blessed na ang mata ko.

Napangiti pa ako pagkaalis niya kasi shet di ba? Katabi ko natulog yung gwapong nilalang na yun?

Swerte mo, self! Ganon!

Daming naglalaway doon tapos nakayakap lang siya saakin magdamag. Hello bitches! Hahaha.

Para akong tanga na tatawa-tawa habang nagsusuklay palabas sa room ko para icheck kung ano ang tinitili tili ni Jodi at bakit napakalakas ng music.

Hindi ko kaagad nakita kung ano yung ganap dahil ang sumalubong sakin e ang likod ni Jodi habang pumapalakpak at sumasabay sa music. I saw Pete at the sofa too, just laughing because of his girlfriend's reaction.

Sinundan ko ng tingin ang tinitignan nilang dalawa only to find out 4 guys dancing. Hip-hop ang genre ng sayaw nila and I would be lying if I’d say that they don’t look hot.

Is it just me? Attracted ako sa mga magagaling sumayaw! Yung tipong di ko pa nakikita ang mga mukha nila ay ang gwapo na nila base sa galaw ng katawan nila.

“Who are they?” kinalabit ko si Jodi at agad niya naman ako tinignan.

“Finally! Gising ka na girl. Masyado ka naman atang pinagod ni Caleb at hapon ka na nagising. Keri mo pa maglakad, sis?” tanong niya. Buti nalang malakas yung music at hindi nila narinig ang mga malisyosang tanong niya.

Inirapan ko siya saka pinanlakihan ng mata.

“Napakadumi mong mag-isip! Gawain mo siguro kaya ganyan ka mag-isip” sumbat ko din sakanya.

“Truuuue! Understood naman na yun, Oli! Syempre ilang days lang bebe time namin kaya dapat sulitin. Ganon! Actually medyo ngawit parin legs ko kakabukaka magdamag—ouch!”

Tinapik ko yung bunganga niya dahil hindi na kaya ng tenga ko ang kahalayan niya.

“Sama ng bunganga mo! Hindi ako interesado sa sex life mo, pwede ba?”

“Sabagay! Kami kasi ni Pete may label kaya keri lang mag-sex pero syempre kayo hindi. Hindi nga ready si Caleb bigyan ka ng label, baby pa kaya?”

Inirapan ko siya uli tsaka tinuon nalang yung tingin ko sa mga sumasayaw. Medyo masakit lang yung sinabi ni Jodi, tho sanay na ako na harsh talaga siya when it comes to Caleb pero medyo below the belt kasi yung nasabi niya.

Kinalabit niya ako at tanging “hmm” lang ang isinagot ko.

“Huy sorry ha. Alam mo naman tong bunganga ko may pagkataklesa ako. Forgive me, Oli pleaseee. I knew that was offending.”

Inihilig niya ang ulo niya sa braso ko kaya ako napatawa.

“Sanay na ako sa bunganga mo. Pero honestly that statement hurt me. I know that could be the truth pero sometimes you have to consider the feelings of others too, okay?” explain ko sakanya.

NO LABELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon