9. No label

11 1 0
                                    

NO LABEL
Chapter 9

Nagmamadali akong tumakbo palabas ng elevator. Tinawanan pa ako ni Kuya Heb, ang night shift na housekeeper dito sa condo dahil nahulog ko pa ang purse ko sa sobrang aligaga akong tumakbo palabas.

"Aga pa be ah? Hindi ka pa naman siguro late ano? Kaka-alas sais palang" tawa niya at panandaliang tumingin sa relo niya.

"May maaga po kasi kaming meeting sa school. Mauna na po ako. Mag-iingat ka pag-uwi, Kuya!"

Kinaway ko nalang ang kamay ko habang tumatakbo palabas ng building. Isa ako sa konting porsyento lang dito sa mundo na ayaw na ayaw kong ma-late. Pakiramdam ko kapag mali-late ako ay sira na ang buong araw ko. As much as possible, darating ako 20 minutes before the call time. May pagka-OC din kasi talaga ako minsan pero sinusubukan ko namang tanggalin kasi pangit din maging perfectionist sa lahat ng bagay.

Diretso lang ang tingin ko dahil plinaplano ko na kung paano ang pagkakasunod-sunod ng lakad ko at biglang may malakas na bumusina sa tabi ko kaya for the second time, naihagis ko nanaman ang purse ko.

"Ano ba!" asik ko sabay pulot sa purse ko.

Liningon ko ang kasalukuyang binababang car window pero napasinghap ako noong makitang si Caleb ang nagmamaneho nito.

Naka-university uniform siya. White polo with their Architecture ID lace na combination of royal blue & light blue. Umabot pa sa ilong ko ang signature scent niya na sobrang kinababaliwan ko.

Ano ba, Olivia! Galit ka! Bukod sa hindi ka inupdate, hindi nasagot mga tawag mo, nakita mo pang nagcelebrate lang siya at nag-enjoy kasama ang ex niya. Parang awa mo na self, magtira ka ng konting respeto sa feelings mo.

Hindi ka mamahalin ng tama ng kagwapuhan na iyan. Huwag ka papatalo sa karismang yan at sa bango niyang yan.

"Good morning. Buti nalang maaga ako pumunta if I am a minute late baka hindi na kita naabutan."

He leaned forward and kissed my forehead. At etong mga bulate ko sa tiyan umo-oppose sa laman ng utak ko.

"Uhm-" I can't find the right words to say. Paano ba magsalita na galit? E hinalikan lang ang noo ko parang tinangay na rin laman ng utak ko.

"Hop in. Akin na yan"

He pinched my cheeks before getting my bag. Sumunod siya sa likod ko at pinagbuksan ako ng pintuan.

After closing the door tumakbo na siya papunta sa driver's seat. He put my bag at the back and quickly glanced at me.

Puyat ang mga mata niya. Pero hindi man lang binawasan ng konting eyebags niya ang kapogian niya.

God! How to slap my own mind? Para naman magising.

"Are you hungry? Sinundo kita kasi gusto ko kumain ng breakfast kasama ka"

Tumingin siya saakin saglit habang seryosong hawak ang steering wheel.

"Ok-I mean I can't" napapikit akong lumingon sa bintana ko para hindi niya makita ang naiinis na reaksyon ko para sa sarili ko.

Ano ka ba, Olivia! Just give him a damn lesson not to treat you like a shit sometimes pwede ba?

"Why? Baby, look at me"

Hinawakan niya ang braso ko at pinaharap sakanya dahil naisaktong naka-red ang traffic lights. Syempre ako tong marupok at malambot, napaharap agad ako sakanya sa simpleng haplos niya lang.

Am I this touch deprived? Lord God!

Napakagat ako ng labi dahil natutunaw ako sa seryosong mukha niya. I'm mad but that can't change my view right now. E ang gwapo e!

NO LABELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon