Chapter 5:

146 16 5
                                    

Pinag-isipan kung mabuti kung tatanggapin ko ba ang offer ni Callex o hindi. Pero sabi nga nila once in a lifetime lang ito mangyari so grab the opportunity. Kaya tinanggap ko nalang ang offer niya. Sinabihan ko na din sina Mama at Papa about dito. Okay, lang naman daw sa kanila basta wag ko lang daw pabayaan ang pag-aaral ko.

Nung una tumutol pa si kuya pero wala din siyang magawa at pumayag na rin. Sinabihan ko kasi siya na magkakaroon din naman ako ng sahod sa pagiging personal assistant ko. At para na rin hindi na ako masyadong umasa kina Mama at Papa. Nangako din ako kay kuya na pag nagka-sahod na ako bibilhin ko 'yong matagal na niyang pinapangarap na libro. Saka sinabi ko naman sa kanila na pansamantala lang naman ito. Pagbumalik na' yong totoong personal assistant ni Callex galing bakasyon ay aalis din naman ako.

Tinanong ko naman si Callex kung hindi ba maaapektuhan ang pag-aaral ko. Sinabi naman niyang hindi raw. Saka, sino ba naman ako para tanggihan siya? Ang isang Callex Javier Santos ay hindi dapat tinatanggihan. Para kasi siyang isang mamahaling bagay na mahirap tanggihan para lang hindi ito masira o mabasag.

Saka ito na siguro ang paraan ni tadhana para matupad ko ang mga hinihiling ko sa kan'ya. Na sana manlang makasama ko si Callex ito na marahil ang sagot niya sa akin. Kaya hindi ko talaga sasayangin ang pagkakataon na ito. Gusto ko rin kasing malaman kung ano si Callex sa harap at likod nang camera.

Nagsabi din sina Abby sa akin na si Callex daw 'yong transferee kilig na kilig pa sila nung sinabi nila sa akin' yon. Sayang daw at umalis ako agad. Pero sinabihan ko naman sila na nagkita na kami ni Callex sa school at inaya pa akong maging personal assistant nito. Kaya ayon ipagdadasal daw nila na hindi na bumalik 'yong totoong personal assistant ni Callex para ako na daw ang maging forever personal assistant nito. Mga gaga talaga! Tinawanan ko nalang sila.

Naghanda na ako ngayon sabado kasi ngayon at wala kaming pasok. May taping din si Callex sa The Distened kaya ito ang first time ko bilang personal assistant niya. Ipapasundo nalang daw niya ako sa driver niya kaya tenext ko nalang sa kan'ya ang address nang bahay namin.

Hinanda ko nalang ang kaylangan kong dalhin kagaya ng mga damit. Naligo nalang din ako saka nagbihis. Nang masiguro kung okay na ang lahat ay lumabas na ako sa kwarto ko.

Naabutan ko pa si Papa sa may sala habang nag ka-kape at nagbabasa ng diyaryo. Kunot noo naman akong tinignan ni Papa.

"Bakit bihis na bihis ka naman ata ngayon, Aya? Diba sabado ngayon?" sabay simsim ni Papa sa kape nito.

"Papa, nakalimutan niyo na ba? Diba ngayon ang unang araw ko sa trabaho!" sabay upo ko sa upuan.

"Oo, nga pala! Pasensiya kana anak, makakalimutin na yata ang Papa mo!" tinawanan nalang namin pareho.

"Si kuya at Mama po pala?" tanong ko kay Papa. Nagtimpla nalang din ako ng kape may pandisal din naman na nakahanda.

"Ang kuya mo nasa kwarto pa mukhang tulog pa yata. Ang Mama mo naman nasa labas nag wawalis" napatango-tango nalang ako. Saka na ako nagsimulang kumain. Inaya ko pa si Papa nang pandisal pero tumanggi siya kanina pa daw kasi siya kumain. Ibinalik nalang ulit ni Papa ang atensiyon niya sa pagbabasa nang diyaryo.

Pumasok naman si Mama at sinabi nga niya sa akin na nang dito na daw ang sundo ko. Mabuti nalang at tapos na akong kumain. Nagpaalam nalang ako sa kanila. Sinabihan ko din sila na ipagpaalam nalang nila ako kay kuya dahil hanggang ngayon ay hindi pa din talaga siya gumigising. Na puyat siguro 'yon kaka-aral ka gabi.

Binalinan lang nila ako na mag-iingat daw ako. At kung anu-ano pa. Para namang akong pupunta nang ibang bansa kung makabilin silang dalawa sa akin. Eh, uuwi din naman ako mamaya pagkatapos nang taping.

Ang Babaeng NBSB (On-going) Where stories live. Discover now