******************
Note: This is UNITED version. Sorry for the typographical and grammatical errors that you may encounter.
******************Nakaupo ako ngayon dito sa may sopa habang nanonood ng palabas ni Callex na The Distend. Pang limang pelikula na niya ito. Walang araw na hindi ko sinubay-bayan ang mga pelikula niya.
Unang araw palang kasi ni Callex sa showbiz ay nagustuhan ko na siya. Hindi lang dahil sa taglay nitong ka gwapuhan. Kundi dahil na rin sa ang husay-husay niyang umarte.
Minsan nga napapaiyak nalang ako kapag pinapanood ko siya dahil mararamdaman mo talaga ang kan'yang emosyon kapag umaarte siya.
Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako habang pinapanood ko si Callex sa TV. Natauhan lang ako ng biglang may kumalabit sa akin. Pagtingin ko ay si kuya lang pala. Sinimangutan ko nalang siya dahil tiyak ako na aasarin niya lang ako.
"Aya, yang laway mo tumutulo na" sinasabi ko na nga ba aasarin niya lang talaga ako. Hindi ko nalamang pinansin si kuya sa halip ay inirapan ko nalang siya. Saka tinuon ko nalamang ang atensiyon ko sa palabas.
Nang may marinig akong tumawa sa likuran ni kuya. Pagtingin ko si Mama lang pala.
"Clark, wag munang asarin 'yang kapatid mo! Alam mo namang gustong-gusto niyan si Callex, kaya normal lang na maging gan' yan siya"
"Mama naman, eh" napa puot nalang ako. Pero sabay-sabay lang nila akong tinawanang dalawa.
"Ito ang tatandaan mo, Aya" naging seryoso naman ngayon si Mama. "Naway paghanga lang ang naramdaman mo para kay Callex. Alam mo namang mahirap lang tayo" nginitian ko na lamang si Mama.
Oo, mahirap nga lang kami. Jeepney driver lang si Papa tapos si Mama naman ay tindera lang ng isda sa palengke. Scholar lang kaming dalawa ni kuya Clark kaya kami nakapasok sa magarang eskwelahan.
Pero kahit na ganon lang ang buhay namin. Masaya at kuntento na ako dahil kompleto kami. Hanga din ako kina Mama at Papa dahil nag doble sikap talaga sila para mapalaki at mapag-aral nila kaming dalawa ni kuya Clark.
"Oo, naman Mama, sisiguraduhin kung paghanga lang tong nararamdaman ko kay Callex. Kagaya lang din ng mga fans niya na humahanga sa kan'ya"
"Talaga ba?" may panunukso at pagdududa sa tanong ni kuya.
"Bwesit, ka talaga kuya!" sabay hablot ko ng unan na nasa tabi ko saka ko itinapon sa kan'ya. Pero nakailag naman siya kaya nag habolan kami. Tumawa at umiling na lamang si Mama.
Bigla namang bumukas ang pinto kaya natigil ako sa paghabol kay kuya. Pagtingin ko ay si Papa pala ito. Agad naman akong tumakbo palapit sa kan'ya. Saka ako nag mano. Lumapit na din si kuya kay Papa at nag mano din ito sa kan'ya. Pa simple ko naman siyang kinurot sa kan'yang tagiliran. Kaya sinamaan niya ako ng tingin pero nginisihan ko lang siya.
Ginulo naman ni Papa ang buhok ko kaya napasimangot nalang ako. Kaya ngayon si kuya naman ang ngumisi sa akin. Alam kasi niyang ayaw na ayaw ko kapag ginugulo ang buhok ko.
Lumapit naman si Papa kay Mama saka niya ito hinalikan sa pisngi. Napatili nalang ako dahil kahit matanda na sila ay sweet pa din silang dalawa sa isat-isa. Lumapit naman si kuya sa akin saka niya ako inakbayan.
YOU ARE READING
Ang Babaeng NBSB (On-going)
Teen FictionMeet Aliyah Bernards a.k.a Aya. Ang Babaeng NBSB. Meron namang nanligaw sa kan'ya pero hindi niya sinasagot. Dahil sabi niya sa kan'yang pusot, isipan na nakalaan lang ang mga ito para kay Callex Javier Santos. Si Callex lang naman ay isang sikat na...