Ang ganda ng panaginip ko ngayon. Nagsama lang naman kami ni Callex sa isang romantic place. Nagtapat daw siya sa akin na gusto niya rin ako. Kaya ang saya-saya ko dahil girlfriend na niya ako at boyfriend ko na siya.
Maglalapat na sana ang labi naming dalawa ng bigla nalang sumingit si kuya.
"Aya, gising na, oy! Ano bang nginuso-nguso mo diyan? Bumangon kana! Ayo kung ma late tayo!" kaya naman napabalikwas ako ng bangon.
"Kuya naman, eh. Kahit kaylan ka talaga panira ka ng moment, eh, noh?" pagmamaktol ko.
"Ano bang pinagsasabi mo diyan?"
"Wala! Lumabas kana mag bibihis lang ako" kaya naman lumabas na nga siya.
Takte, naman oh! Ang don na sana, eh. Maglalapat na sana ang labi namin ni Callex tapos bigla pang dumating ang asungot kung kuya.
Ginawa ko nalang ang sinabi ni kuya naligo lang ako saka nag bihis ng school uniform. Baka bulyawan pa ako non kapag na late kaming dalawa. Nagiging dragon pa naman 'yon kapag na li-late siya.
Ayaw niya daw kasing may ma missed na subject. Oh, diba? Napakasipag! Samantalang ako happy go lucky lang!
Pagpunta ko sa hapag si kuya lang ang ng doon. Maaga na naman siguro umalis si Papa at Mama. Minsan lang talaga namin silang makasama ni kuya kapag umagahan. Kaya as usual kami lang dalawa ni kuya ang kakain.
"Good morning, kuya!"
"Good morning, sis! Bilisan munang kumain diyan dahil patapos na rin ako" tumango nalang ako saka na nagsimulang kumain.
Nilakad lang namin ni kuya Clark ang papuntang school. Malapit lang kasi ang bahay namin sa school kaya kayang-kaya lang lakarin. Mabuti na rin ito para hindi na namin kailangang gumastos para sa pamasahe.
Limang minutong paglalakad sa wakas ay nangdito na kami sa gate ng school. Hindi pa man kami tuluyang nakakapasok sa loob ay maririnig muna ang tiliian ng mga estudyante sa loob.
Hindi ko pa pala nasasabi sa inyo na isa din palang heartthrob si kuya Clark dito sa school. Wala nga lang kaibigan.
Iwan ko ba dito kay kuya Clark forever alone nalang siguro siya. Tinatanong ko naman siya kung bakit wala siyang kaibigan dito sa school ang sinasagot lang naman niya sa akin ay hindi daw siya makakapag-focus sa pag-aaral niya kapag may kaibigan siya. Oh! Diba? Napaka bait na estudyante talaga!
Kaya minsan ako lang ang kasama ni kuya. Minsan naman kapag busy siya sa mga paper works. Ay sumasama nalang ako sa mga kaibigan ko.
Pumasok na nga kami sa loob at bumungad agad samin ang tiliian ng mga babae habang isinisigaw ang pangalan ni kuya Clark.
"Clark, ang gwapo mo talaga!"
"Sagotin muna ako Clark!"
"kyahh.. Ang gwapo mo talaga"
"How to be you po?"
"Sana ako nalang si Aya, para kahit papano makasama pa rin kita"
Kaya naman natigilan ako. Wow! Ah! Hindi ko lubos akalain na meron palang gaya niya na gustong maging ako. Pero sorry, nalang sa kanya dahil hinding-hindi 'yon mangyayari.
Marami pa akong naririnig para na nga akong mabibingi dahil sa mga sigawan at tilian nila. Samantalang ito namang asungot kung kapatid para namang walang naririnig. Napaka snob, purket madaming mga babae ang nagkakandarapa sa kan'ya.
Hindi naman cold si kuya Clark ganito lang talaga siya kapag may naririnig siyang mga sigawan ng mga babae tungkol sa kan'ya. Hindi niya lang pinapansin dahil ang gusto lang daw ng mga ito ay makuha ang atensiyon niya. Well tama naman talaga siya! Atensiyon lang naman ang habol nila kay kuya.
YOU ARE READING
Ang Babaeng NBSB (On-going)
Fiksi RemajaMeet Aliyah Bernards a.k.a Aya. Ang Babaeng NBSB. Meron namang nanligaw sa kan'ya pero hindi niya sinasagot. Dahil sabi niya sa kan'yang pusot, isipan na nakalaan lang ang mga ito para kay Callex Javier Santos. Si Callex lang naman ay isang sikat na...