My Sophomore Series... (Chapter 15, When All Else Fails)

1.7K 90 13
                                    


"Gel... Gel..." rinig kong gising sa akin ni Tita Anna.

Pupungas-pungas ako nang makita ko ito.

"Tita... Ano'ng oras na po?" tanong ko.

"Alas-siyete na. Saan si Jan?"

Luminga-linga ako.

"Di pa pala bumabalik." sabi ko.

"Di ka pa ba tinatawagan?"

"Di po e. Nakatulog ako. Pero alam ko po kung nasaan siya."

Natuwa ang mata ni Tita Anna.

"Naku salamat naman. Saan?"

Tiningnan ko muna si Tita Anna sa mukha. Iniisip ko kung kilala din niya ang lalaking iyon. Iniisip ko rin kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi.

Pero nanaig ang inis ko.

Tumayo ako at pumunta sa computer. Binuksan ito. Binuksan ang Yahoo Messenger ni Jan.

Nilingon si Tita Anna. Pinakita ko sa kanya ang message history ni Jan at ang usapan namin kanina ng foreigner.

"Oh God!" bulalas ni Tita Anna.

Napaupo ito. Parang takot na takot at concerned.

Nilapitan ko ito.

"Tita Anna. Kilala niyo po ba siya?" tanong ko.

Hinawakan ako nito sa mukha.

"Gelo... sorry sa ginawa ng anak ko. Pero mas concerned ako ngayon sa kanya."

"Bakit po Tita?"

"Iyang lalaking nakausap mo kanina at kinita niya. Iyan yung isa sa mga kaibigan niya sa Amsterdam."

"Amsterdam? Saan po yun?"

"Sa Europe. Nung nagbakasyon kami doon nang dalawang buwan, yun yung time na may sakit na siya. Nagbakasyon kami para mailayo siya sa lugar kung saan siya nahawa noon."

"Tapos po?"

"Well, palagi din siyang lumalabas. Nahuli namin siya nung sinundan namin siya. Dahil nag-alala kami. Pumupunta pala siya sa tinatawag nilang positive club."

"Ano po yun?"

"Positive club. Sa unang dinig namin e akala mo magandang grupo. Yun pala kaya sila tinawag na positive club dahil lahat ng miyembro nila e mga homosexuals na positive na sa HIV at iba pang STD." pagpapaliwanag ni Tita Anna.

Kumunot ang noo ko.

"Hindi lang basta-bastang club yun." pagpapatuloy ni Tita Anna. "Grupo sila nang may mga HIV at STD na kaya ayun, okay lang sa kanila ang makipagsex sa grupo nila dahil di sila magkakahawaan. Iyang lalaking iyan, naalala ko, isa yan sa mga kasama niya sa grupong iyon."

Tumigil si Tita Anna at tiningnan lang ako.

"Inilayo namin agad siya nang malaman namin ang tungkol sa mga ginagawa niya at pagsali sa club na yun. Agad kaming umalis doon. Galit na galit siya dahil di naman daw siya dapat katakutan dahil pare-pareho lang silang may sakit. Iyon nga lang ang sabi ng mga doctor, kahit may STD siya ay pwede pang lumala iyon dahil mas dumadami ang mga virus sa katawan niya."

Hinampas ni Tita Anna ang kama.

"I don't know when or how they were able to communicate uli. Ang tigas-tigas ng ulo niyang si Jan. Inilayo na nga namin dun e siya pa ang nagdala nito dito. God!!!" napapasigaw na si Tita Anna.

Kinuha niya ang telepono at tinawagan si Tito Edward. Wala pang isang oras ay dumating na si Tito Edward, may kasamang mga pulis.

Kumunot ang noo ko. Isinakay na kaming lahat sa van.

My Elementary Series - Volume 2Where stories live. Discover now