Nagising ako sa pag-ring ng telepono."Hello?" mahinang sabi ko.
"Angelo... makinig ka, saglit lang 'to dahil long distance ang tawag ko. Pag lumaki 'to baka magtanong si Lolo. Nakapag-enroll ka na ba?" agad na bungad ng Kuya ko.
"Opo. Long distance, saan ka ba ngayon Kuya?"
"Sinama ako bigla ni Lolo at Lola sa States, mga 3 weeks din daw kami dito, kaya baka mahirapan akong kumontak sayo palagi." pagpapatuloy nito.
"Ahh.." sang-ayon ko na lang.
"Anyway, natanggap mo ba yung pinadala kong pera sa account mo?" tanong nito.
"Ah... ikaw pala yung nagpasok nun." napangiti kong sabi.
"Bakit? May inaasahan ka bang sugar-daddy na magpapadala sa iyo ng pera?" panunukso nito.
"Wala." inis kong sabi dito.
"Sige, gamitin mo muna yang pera mo para makahanap ka ng apartment na matutuluyan malapit sa school niyo. Patulong ka na lang sa mga kaibigan mo." utos nito. Halatang nagmamadali.
"Sige Kuya, ngayon din hanap kami."
"Good. Sige, alagaan mo muna sarili mo ha? Wag kang pumasok sa gulo. Alalahanin mo." paalala nito.
"Sige po Kuya. Thank you."
"Sige, ingat."
Napangiti ako kahit na ibinaba na niya ang telepono.
Niyakap ako ni Rod.
"Sino yun?" bati nito sa akin.
"Kuya ko."
"Ano'ng sabi?" umupo ito sa tabi ko at umakbay. Humilig ako sa balikat niya.
Hinalikan ako nito sa ulo.
Sumimangot ako sa ginawa niya.
Ngumiti naman siya.
Nagising si James. Binawi agad ni Rod ang braso niya sa pagkakaakbay.
"Ang aga niyo a. Ano'ng meron?" bati nito.
"Tumawag si Kuya, nasa States daw siya for 3 weeks e. Pinapahanap ako ng apartment." sabi ko.
"Wag na, dun ka na lang sa bahay." agad na sagot ni Rod.
Ngumiti ako. Inisip ko agad kung anong maaari naming gawin kapag nagkasama na naman kami.
"O kaya sa amin." si James.
"Tol, wag ka nang mang-agaw... nauna ako e." sabay-sundot ni Rod sa ilong ni James.
Natawa ako.
"Oo nga naman. Siyempre sa asawa ka muna bago kuya." sabi ni James.
"Dun ka tumama tol." sundot uli ni Rod sa ilong ni James.
"Aba! Ano'ng asawa? Maya-maya e maniwala si Rod. E di pa naman kami." sabi ko.
Nagkunwaring nalungkot ito.
"Ayan, lagot ka Angelo. Nalungkot na ang die-hard manliligaw mo." panunukso ni James.
Hinalikan ko sa pisngi si Rod. Ngumiti ito.
"Hay naku. Eto na naman ang dalawang ito." sabi ni James. "Gawin niyo yan pag wala ako."
"Rod, ano ka ba? Gusto ko rin namang tumira sa inyo. Kaso baka pag tumira ako dun, ako naman ang matira mo." biro ko dito.
"Ayaw mo nun?" nakangising sabi nito.
"Ahem... guys... andito pa ako o? Pwede?" si James.
Tawanan kaming dalawa ni Rod.
YOU ARE READING
My Elementary Series - Volume 2
RomanceThis is the continuation of the adventures of our lead character Angelo who at a young age has tried to understand himself along with the struggles of life itself... while trying to survive each day in his life. His colorful life in what the society...