Nang wala si Tita Anna ay nasa sala lang kami ni Jan na nanunuod ng TV.Niyakap ako nito at nilaro ang buhok ko.
"Gel..." malambing na tanong nito.
"Yes mahal ko?" sabay titig ko sa mukha nito.
"Ammm... okay ka lang ba talaga dito?" malungkot ang mga mata niya.
"Oo naman. Bakit ka naman nagtatanong ng mga ganyan?"
"Kasi, marami kang iniwan dahil sa akin. Iniwan mo yung mga kasama mo sa bahay nina Kuya Paolo para makasama kita. Siguro may mga naging kaibigan ka rin dun." paliwanag nito.
"Okay lang yun. Mas importante ka sa akin, besides mas nauna at mas matagal kitang nakilala at nakasama." sabay yakap ko rin dito.
"E paano ang mga naging kaibigan mo ngayon sa school niyo. Isang taon mo rin silang nakasama. Di mo ba sila mamimiss?" tanong uli nito.
"Mamimiss siyempre pero ganun naman sa school di ba? May umaalis, may dumarating. Kagaya nung sa elementary tayo. Sino pa ba sa mga kaklase natin dun ang mga nakakausap natin? Di ba wala? E mas matagal nga rin nating kasama yun e. Pero apektado ba tayo na wala sila?"
Umiling-iling ito.
"Wala talaga akong panalo kahit kelan sa'yo." napangiti ito.
"Ayaw mo na sa'kin? Ganun?" biro ko dito.
"Baliw. Di mangyayari iyon." sabay halik nito sa noo ko.
"Bakit nga ba kasi ganyan ang mga tanong mo?"
"E kasi po... alam mo naman na iniisip rin kita. Ayokong mag-sacrifice ka ng buong buhay mo dahil lang sa akin." sabi nito.
"Sacrifice? Kelan pa nagkaroon ng sacrifice dito? Para namang ayaw na ayaw ko na makasama ka." biro ko na lang.
"Di naman sa ganun. Pero wala bang ibang pwede kang gawin maliban sa pag-alaga sa maysakit na gaya ko?"
"Meron. Pero wala akong ibang choice kundi alagaan ka at makasama ka."
"Walang choice?" kumunot ang noo nito.
"Ano ka ba? Hindi iyon ang ibig kong sabihin. What I mean is, wala akong dapat pagpilian pa. Maliwanag sa akin na ikaw ang pinakamahalaga para sa akin. Wala akong ibang gustong gawin kundi ang makasama ka sa araw-araw." sabi ko uli.
Ngumiti siya.
Niyakap ko ulit siya ng mahigpit.
"Jan, you are my life now. I wouldn't be happy without you. Kaya wag mong isipin na ginagawa ko'to at nagsasakripisyo ako dahil at para sa iyo. Dahil kung masaya ka dahil andito ako, mas masaya ako na andito ako ngayon sa tabi mo."
"Salamat ha?"
At pinagpatuloy namin ang panunuod ng TV.
-----------------------------------
Sumunod na araw ay dumating na ang tutor namin. Elena ang name niya, pero Teacher Len daw ang itawag namin sa kanya. Medyo matanda na ito at sa unang tingin pa lang namin ni Jan ay nagkaisa kami na ayaw namin sa kanya.
Agad namin itong sinabi kay Tita Anna at sumang-ayon naman siya sa akin. Hindi sa ayaw niya ng istriktong guro pero ayaw naman niya na ganun klaseng teacher ang magtuturo sa amin lalo na sa kalagayan ni Jan.
Naka-tatlong tutor pa ang dumating sa bahay hanggang sa sumang-ayon kaming lahat kay Teacher Noly. Norlita ang totoong pangalan niya pero ayaw niya daw yun dahil mukhang matanda. E hindi pa naman siya ganun katanda. Nagtuturo siya sa isang private high school malapit sa Molo Plaza kaya pinapasundo na lang siya nina Tita Anna sa driver.
YOU ARE READING
My Elementary Series - Volume 2
RomanceThis is the continuation of the adventures of our lead character Angelo who at a young age has tried to understand himself along with the struggles of life itself... while trying to survive each day in his life. His colorful life in what the society...