Chapter 13

58 30 0
                                    

Mid's Pov

I don't know what happened pero pag bukas na pag bukas ni Alli ng pintuan ay bigla syang nawala, hindi ko alam pero parang nililigaw kami.

"Its just an illusion" i whispered at sana marinig ni Alli para hindi sya matakot, i know that she is scared but i believe that she can do it.

Bumuntong hininga ako para sana pumasok sa loob pero kaagad din akong nag tago dito sa likod ng malaking halaman dahil may dumating na sasakyan.

Nang makita kong si tito ito ay nabuhayan ako ng loob at kaagad na umalis sa pinag tataguan ko at lumapit sa kanya, kasama nya din si kuya Mike at nagulat pa sila ng makita nila ako sa bahay na ito.

"Anong ginagawa mo dito?" nag tatakhang tanong ni kuya Mike saakin kaya nakaramdam ako ng kaba, pamilya ito ni Alli kaya hindi dapat ako matakot sa kanila.

"Nawawala po kasi si Alli kaya hinahanap ko" sabi ko na lang sa kanila kaya nag katinginan naman sila, mukhang nag aalinlangan pa sila saakin pero tinanguan din ako ni kuya Mike.

"Saan mo ba iniwan at bakit nandito kayo?" tanong nya saakin, hindi ko alam ang isasagot ko dahil hindi ko naman alam kung paniniwalaan nila ako, but atleast i need to try.

"Si Billy, namatay sya dahil doon sa babaeng ng papakita kay Alli" sabi ko kay kuya Mike kaya nag katinginan sila ni tito.

"Naniniwala ako sayo, matagal ng ganyan yan, halika sumama ka saamin at hahanapin natin si Alli" sabi ni tito kaya nag taka ako, matagal na nyang alam?

"Dad anong gagawin mo?" tanong ni kuya Mike dito kaya nag taka ako, tinignan nya ako na parang sinasabi nya na huwag ako sumama kay tito kaya mas lalo akong kinabahan sa kanilang dalawa.

"Mike, check mo muna yung sasakyan" utos nito kay kuya Mike, tinignan lang ako nito pero sinunod nya rin ang utos ng kanyang ama.

"Tayo na Mid, hanapin na natin si Alliyah" sabi ni tito kaya tumango na lang ako at sumunod sa kanya, daddy ito ni Alli safe ako dito, bumuntong hininga ako at mas kinumbinsi ko pa ang sarili ko na safe ako kay tito dahil i feel not safe.

"Huwag kang matakot" bulong ni tito kaya bumuntong hininga ulit ako at sumunod sa kanya, sumusunod ako sa kanya papasok na parang pamilyar na pamilyar na sya sa loob ng bahay na ito, sa bandang gilid ay nakita ko ang picture, picture nya at picture no tita kasama si kuya Mike kaya nangunot ang noo ko, imbes na mag tanong ako ay hindi ko na lang pinansin.

Paano ako tatakas kay tito? dapat bang hindi na lang ako nag pakita sa kanya?

Kakaisip ko ay hindi ko namalayan na nasa likod bahay na pala kami kaya inikot ko ang tingin ko.

"Alam mo na ang tungkol kay Xhien?" tanong nya saakin kaya nangunot ang noo ko.

"Alam mo na din ang tungkol sa babaeng nag papakita sa anak ko" sabi nya saakin, nanlaki ang mata ko ng bumunot sya ng baril sa bewang nya.

"Sayang ka Mid, pwedeng pwede mo na sanang pakasalan ang anak ko" sabi nya at kinasa ang baril kaya napa atras ako.

"T-Tito wala naman akong alam sa sinasabi mo eh, hinahanap ko lang si Alli" pinilit kong alisin sa boses ko ang kaba para hindi nya ako mahalata, hinarap nya ako na inosenteng inosente ang mukha kaya biglang yatang huminto ng ilang segundo ang tibok ng puso ko.

Huwag mo akong babarilin!

Huwag mo akong babarilin!

Mag mumulto ako!

"Tsk, tsk, tsk, Midnight Lux Alphore, sayang ka!" sigaw nya at tinutok saakin ang baril kaya automatic na napataas ang kamay ko at napapikit.

"T-Tito pwede ka pa naman mag bago eh tutulungan ka namin" parang batang saad ko dito pero nanatiling nakapikit ang mata ko at naka taas ang kamay.

"Paano mo mabubuhay ang matagal ng patay!?" sigaw nya kaya nag mulat ang mga mata ko at tinignan sya.

"Tsaka ayos lang, ayos na eh kaya huwag ka ng makialam!" sigaw nya ulit saakin.

"Lahat ng makakaalam dapat mamatay" sabi nya at tinutok saakin yung baril kaya umiling iling ako.

"Tito huwag, mananahimik ako hindi ako mag sasalita!" sabi ko sa kanya pero hindi ko masalubong ang tingin nya, Alli nasaan ka ba kailangan mo malaman lahat ito, kailangan mabuhay ako para lumabas ang katotohanan.

"Katulad ni Xhien, dito ka din sa balon na ito ililibing" sabi nya bago iputok ang baril.

Jasmine's pov

"Agh i can't contact Krizza!" inis na sabi ko kay Calron, kanina pa ako paikot ikot dito sa labas ng hospital dahil hindi pa lumalabas ang doktor.

"Pwede bang umupo ka muna ako ang nahihilo saiyo" reklamo saakin ni Calron, tss bakit ba kapag may umiikot ikot sa harap mo required ba na dapat ikaw yung mahilo? duhh.

"And why her parents is not here pa!" sigaw ko dito kaya natampal nya ang noo nya.

"At bakit ba ikaw ang kasama ko dito hindi si Krizza?" tanong nito saakin kaya inirapan ko ito.

"Hello duhh!" sigaw ko dito kaya inismiran ako nito.

"Officer!" parehas kaming napalingon ni Calron sa may sumigaw, halos dumikdik ako sa kanya dahil natatakot ako sa pulis.

"Oh no what we will do what what no no my ghad going to do" tarantang saad ko, sinamaan ko ng tingin si Calron ng takpan nya ang bibig ko.

"Will you shut up first?" pabulong na tanong nya saakin.

"Eh ano bang gagawin natin, paano kapag nakita tayo nyang pangit na yan, ghad ayaw kong makulong ikaw na lang" mahabang sabi ko dito, parang nauubos na ang pasensya saakin ni Calron at mukhang ayaw na talaga nya akong kasama.

"Pinag sisisihan mo bang ako ang kasama mo? then fine i'll switch with Krizza" pairap na sabi ko dito kaya sinamaan nya ako ng tingin.

"What?" i ask.

"Look" sabi nya at hinawakan ang ulo ko at pinalingon sa dalawang pulis na tinitignan kami.

"I told you to shut up right?" naiinis na saad nito pero inirapan ko lang sya.

"Mister Brent and Miss Oxford!" sigaw ni Mister officer kaya nag katinginan kami ni Calron.

"You go left and i'll go right!" sigaw nya at tinulak ako.

"What!? Calron wait!" i murmured, hinabol sya ni mister officer at tinignan naman ako nang batang pulis kaya nag cross arms ako.

"What now? you're going to chase me? as if you can!" sigaw ko dito at nag madali akong tumakbo, bakit ba inasar ko pa sya, o ghad o ghad were im going to hide na kasi im scared kasi!

The Red Bold Blood Blood [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon