Chapter 1

204 56 2
                                    

Alliyah's pov

"Ma'am gising na po" mahumanay na saad ng katulong na naka toka saakin, minsan ang sarap na rin nyang ilagay sa tabing table ko eh gagawin ko nalang alarm clock.

Bumangon na ako at naligo pagkatapos ay dumaretso na ako sa kusina para mag umagahan.

Sa kalagitnaan ng pagkain ko ay biglang tumawag si Mid kaya tinitigan ko ito, at dahil kumakain ako pinaring ko muna ng limang besses bago ko sinagot.

"Goodmorning mahal kong shunga!" bungad nya kaya medyo nilayo ko sa tainga ko ang phone ko, ang aga naman ng buraot na ito.

"Goodmorning mo mukga mo epal ka!" sigaw ko tsaka pinatay ang call, nakita ko naman na tumingin saakin lahat ng kasambahay kaya nanahinik ako at pinag patuloy ko na ang aking pagkain.

"Goodmorning bunso!" nakangiting bati saakin ni kuya at kumuha sya ng pagkain nya.

"Kuya pasaan ka?" tanong ko dahil naka bihis sya at mukhang mag jojogging.

"Ah kasi exercise is life" sabi nya kaya natawa ako.

"Pero papasok ka ng office diba?" tanong ko sa kanya kaya napakamot sya sa ulo.

"Oo, mag jojogging ako papuntang office, bawal ba?" tanong nya kaya umirap ako.

"Wait up, sasama ako" sabi ko sabay takbo papunta sa kwarto ko, pagdating ko sa kwarto ay kaagad akong nag bihis ng pang jogging at tinali ang buhok ko pero pag harap ko sa salamin ay naka uniform ako kaya napa atras ako, nag sitayuan ang balahibo ko ng makita ko ang sarili ko na naka suot ng hindi pamilyar na uniporme.

"Alli! bilisan mo!" sigaw ni kuya kaya napatingin ako sa pinto pero kaagad ko rin binalik ang paningin ko sa salamin, napa iling iling nalang ako ng makita ang sarili ko na naka pang jogging na ulit, kinuha ko ang earphones ko at tumingin muli sa salamin.

Imagination ko lang ba yun? O sadyang namamalikmata lang ako? o baka naman kung ano ano na yung naiisip ko?

"Alli!" sigaw nanaman ni kuya kaya lumabas na ako ng kwarto ko at sinara ang pintuan.

"Kuya kasi aga aga eh!" reklamo ko sa kanya kaya pinitik nya ang noo ko at sabay na kaming lumabas ng bahay at nag jogging, for me my kuya is perfect, 25 years old na sya at walang shota, sana all diba, at ako naman 20 years old, business add ang kinuha ko dahil ako ang sunod na tatapak na vice president ng kompanya, bongga diba hahaha.

"Hindi yata kayo mag kasama ni Mid ngayon?" tanong nya saakin, Midnight Lux Alphore is my 3 years boyfriend, grade 9 pa lang ako kilala ko na talaga sya and he is my bestfriend before.

"Duh kuya pupunta akong office diba?" pa irap na saad ko at nag pasak ng earphones sa tainga ko, mayaman kami pero simple lang ako mamuhay, marami rin akong mga kaibigan at sobrang mapili ako kapag dating sa kaibigan, ayaw ko ng kinakaibigan ako dahil sa pera, and bakasyon ngayon walang pasok kaya ang saya saya ng buhay ko.

After 30 minutes nandito na kami sa compony at lahat ng tao na madadaanan namin ay bumati saamin ng goodmorning kaya binati ko din sila pabalik, nasa harapan na kami ng elevator ng may lumapit na lalaki kay kuya at para itong nag mamadali at sobrang balisa nya.

"Tol ano na, may babae nanaman na nagpakita sa ba____

"Ano ba, sa taas na natin pag usapan" narinig ko ang mahina nilang pinag uusapan tapos tumingin saakin si kuya pero ako syempre kunwari walang narinig at nag cellphone nalang, ng makarating kami sa taas ay dumaretso ako sa office na naka laan para saakin, pag kaupo ko ay nangalumbaba ako at inisip ang pinag usapan nung lalaki at ni kuya, sinong babae ang tinutukoy nila?

"Hija, kumain kana?" masayang tanong ni mom saakin kaya ngumiti ako at tumayo tapos yumakap sa kanya.

"Opo mom, ikaw po?" tanong ko sa kanya at inaya syang umupo.

The Red Bold Blood Blood [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon