Chapter 8

80 35 1
                                    

Alli's pov

Wang wang at ilaw ng sasakyan ng mga pulis ang nakita ko, ang sabi ay aksidenteng namatay ang biktima dahil gumulong ito, hindi pantay ang lupa roon at posibleng nadulas lang daw ito, pero hindi ko pa nakikita ang kanyang mukha.

"Ayos ka lang ba talaga?" tanong saakin ni Mid so i held his hands.

"I'm seeing things, Mid" seryosong saad ko rito kaya umupo sya sa tabi ko at pinasandal nya ako sa balikat nya.

"I believe you Alli" sabi nya saakin kaya bumuntong hininga ako.

"Pero hindi mo sya nakikita" reklamo ko rito.

"I know, pero nararamdaman ko yung takot mo, so from now on, hindi na ako aalis sa tabi ko" sabi nya sabay kiss sa forehead ko.

"Mga toks!" sigaw ni Billy at sabay sabay silang lumapit saamin ni Mid.

"Ayos kana Alli?" tanong ni Calron saakin at tinabihan naman ako ni Jasmine.

"Huwag nyo ngang inaano si Alli lalo lang mastress sainyo yan eh" biro ni Krizza kaya napa ngiti ako.

"Diba napa ngiti ko wala kayong bilib saakin eh" pilyong saad nito kaya nag tawanan kami.

"Eh paano pala yung nabaril?" tanong ko sa kanila.

"Inaasikaso na ng pulis, ipagpaubaya na natin sa mga nakaka tanda saatin yun" sabi ni Dawn kaya tumango tango ako.

"Guys!" sabay sabay kaming lumingingon ng biglang sumigaw si kuya at inakbayan naman nya ang mga lalaki.

"Sis wala na bang kahina hinala saakin?" tanong nya saakin kaya nginitian ko lang sya, the party is now over but why do i feel like it is just starting?

"Mabuti pa siguro ay umuwi na tayo" suggestion ni Dawn kaya nag sitanguan kami at kanya kanyang sakay sa sasakyan.

"Samahan ulit kita matulog?" tanong nya saakin.

"Eh saan ka pa ba dadaretso disoras ng gabi mambubulabog ka sainyo?" tanong ko sa kanya kaya natawa naman si Mid at nagsimula naman syang mag drive, bakit ko ba nararamdaman ito? bakit feeling ko ayaw ko pang umalis? bakit feeling ko hindi pa sapat yung mga nalalaman ko, hindi pa dulo ang nalalaman ko.

"Ayos ka lang ba? mukha kang pagod pero mas papagudin kita mamaya" sabi nya saakin sabay wink kaya naman ay inirapan ko sya at dumungaw na lang sa bintana, nag iisip ako eh sabay babanat kadiri talaga ang tukmol na ito kahit kailan.

"Pero Alli ha, seryoso hindi ka ba nagugutom?" tanong nya saakin habang naka pout pero naka focus sa daan, naka hawak din sya sa tyan nya.

"Ahh gutom awts gege" pabirong saad ko kaya sinamaan nya ako ng tingin pero binaliwala ko nalang at hinintay na maka rating kami sa bahay.

Nang makarating kami ni Mid sa bahay ay saktong dating din ni Dad at ni kuya.

"Nag txt saakin sila Calron naka uwi na daw sila" pag bibigay alam saakin ni Mid at cellphone ko naman ang tumunog.

"Naka uwi na din sila Krizza" sabi ki at nireplyan si Krizza ng naka uwi na din kami.

"Hindi na ako kakain, pagod na ako eh good night" sabi ni Dad at nag kiss sa noo ko, tinapik naman nya si kuya at Mid.

"Ikaw kuya?" tanong ko sa kanya.

"Hindi na at sobrang napagod din ako, kayo na lang muna ni Mid" sabi ni Kuya at nag kiss din sa noo ko tapos tinapik nya si Mid, ng maiwan kami ni Mid ay inirapan ko sya at dumaretso ako ng kusina.

"Tulog na yata ang mga kasambahay" sabi ni Mid at tinignan ako.

"Malamang" masungit na saad ko kaya natawa sya.

The Red Bold Blood Blood [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon