Chapter 17

47 25 0
                                    

Krizza's Pov

Nakakainis si Alli, gusto ko nga syang tulungan dito eh, pero may magagawa pa ba ako kung ganito yung plano nya?

Nag madali akong pumunta sa sasakyan ni Mid tapos lumayo na din si Alli, pero bubuksan ko na sana yung sasakyan ni Mid ng may tumabon sa bibig ko, hindi ako naka galaw o naka palag sa sobrang gulat, wala namang amoy yung panyo kaya hinarap ko sya.

"Where are you going? are you going to leave my sister behind?" tanong saakin ni kuya Mike kaya nangunot ang noo ko, dahan dahan nyang inalis ang panyo sa bibig ko kaya kinunutan ko sya ng noo.

"Im not bad as you think, go get some cop Krizza" sabi nya saakin kaya nag taka ako.

"Pero kuya Mike, hindi ko naiintindihan yung mga nangyayari kay Alli" pag dadahilan ko sa kanya.

"Im ready"


Alli's Pov

Unti unti kong minulat ang mga mata ko at tinignan kung nasaan ako, nasa isang kwarto ako, yung kwarto kung saan iniwan ni kuya si Xhien, kaagad akong tumayo at lumapit sa pintuan pero hindi ko pa ito nabubuksan ng pumasok si Daddy kaya napaatras ako, tumindig lahat ng balahibo ko dahil sa takot at pandidiri sa kanya, paano nya nasikmurang mang rape ng isang inosente habang ako nasa tyan ng asawa nya?

"Alliyah daughter we need to talk" sabi ni Daddy kaya umiling iling ako.

"No, i know what all you did and you dont have to explain everything because i know every scene of your crime!" sigaw ko sa kanya, nag bago ang expresyon ng mukha nya pero hindi ko sya mabasa.

"Alam mo ba ang ginagawa ko sa lahat ng mga nakaka alam ng sikreto ko?" tanong nya saakin at ngumisi.

"Yung bangkay sa Off Electic Party ikaw ang may gawa!" sigaw ko sa kanya.

"Excellent! matalino ka ngang bata, masyado na kasi syang lumalagpas napadpad sya dito sa balon, hindi ako sigurado kung nakita nya si Xhien pero mas mabuting manigurado" explain nya saakin kaya napa iling iling ako, isa syang demonyo!

"Yung batang nabaril doon sa harap ng stage? kaibigan nya yung pinatay ko sa may gubat mukhang alam na nya yung sikreto namin ng kuya mo" kwento nya saakin kaya nag flashback ito sa isip ko.

"Pero nabaril ka, tinamaan ka!" sigaw ko sa kanya kaya ngumiti sya.

"Minsan kailangan mo masaktan, masugatan para hindi ka paghinalaan, akala ko ba matalino ka?" tanong nya saakin kaya sinamaan ko sya ny tingin.

"Matalino ako, pero kung demonyo naman ang kaharap ko kahit si Isaac Newtoon pa ang iharap sayo, pandidirihan ka!" sigaw ko sa kanya kaya tinutukan nya ako ng baril.

"You can kill me?" tanong ko sa kanya.

"I can kill my own daughter, Alliyah! kaya kung ako sayo makinig kang mabuti saakin, wala kang pag sasabihan, saating tatlo lang ito" sabi nya saakin kaya tumango tango ako.

"Brilliant! but im more brilliant than you!" sigaw nya kaya nanlaki ang mata ko ng ikasa nya ang baril.

"Dad wag!" sigaw ni kuya Mike, sobra akong kinakabahan, hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng lakas ng loob para sigaw sigawan si daddy ngayon, kahit pa daddy ko ito kayang kaya nya akong saktan kaya may dahilan ako para matakot.

"Mike, anong pinag usapan natin?" tanong sa kanya ni Daddy.

"Dad, hindi mag sasalita si Alli babantayan ko sya" sabi sa kanya ni kuya Mike kaya napa lunok ako, gusto kong hindi kabahan, gusto kong kumbinsihin si Daddy na hindi ako mag sasalita, na mananahimik ako pero talagang kinakain ako ng takot.

"Dad" pag kumbinsi ni kuya dito pero biglang pumasok sa isip ko si Mid.

"S-Si Mid anong ginawa nyo sa kanya?!" tanong ko sa kanilang dalawa kaya nabaling ang atensyon nila saakin.

"Ano bang ginagawa sa mga nakaka alam ng sikreto ko?" tanong ni Dad kaya sunod sunod na tumulo yung luha ko, bigla akong nakaramdam ng pang hihilo kaya napa upo ako sa kama, kaagad naman lumapit si kuya at inalo ako.

"Anong problema?" tanong nya saakin kaya umiling iling ako, i dont trust them, hindi ako buntis pero kanina pa talaga ako nahihilo, im tired and i want to get out of here, i need a break.

"May tumunog na seren sa labas kaya nag katinginan kami" kinabahan naman ako, letse! pwede bang kahit sa isang movie o scene pwedeng manahimik ang seren ng pulis? ano nag papatakas sila ng huhulihin nila?

"Sinong tumawag ng pulis? ikaw ba!" galit na sigaw ni Dad at tinutukan ako ng baril kaya tumayo si kuya at pinakalma si Daddy.

"Dad stop, i know a way out, let go!" sabi ni Kuya at hinila ako, sumama na lang ako sa kanila dahil natatakot na din ako, binitawan ako ni kuya dahil kumuha sya ng cellphone, kinapa ko yung bulsa ko pero wala nga pala akong cellphone nalaglag.

"Hmm" pag pupumiglas ko ng may tumakip sa bibig ko at hinila ako palayo kila kuya.

Krizza's Pov

"Manong pulis, nandyan yung dalawa kong kaibigan, may killer sa loob ng bahay na yan hulihin nyo!" sigaw ko doon sa pulis kaya tinanguan lang ako nito.

"Ma'am, dito lang po kayo masyadong delikado sa loob" sabi ng pulis, letse! dalawang killer nga diba? Killer! tapos tatlong kotse lang ng pulis tapos tag aapat ang laman? bale 12 lang sila.

Nanatili lang ako dito sa may sasakyan ng pulis at nakaka rinig ako sa loob ng barilan.

"Hoy Krizza lintek hindi ka sumasagot sa tawag namin!" napalingon ako sa sumigaw kaya lumiwanag ang mukha ko ng makita si Calron at Jasmine, kaagad akong lumapit sa kanila at tinampa si Calron.

"Para saan yun?" tanong nya saakin kaya nginitian ko sya sabay irap.

"Anong nangyayari sa loob? nasaan si Mid at Alli?" tanong saakin ni Jasmine.

"Hindi ko din alam pero base sa alam ko, yung babaeng nag papakita kay Alli nirape ng tatay nya pati kuya nya" kwento ko sa kanila.

"Nagawa nila kuya Mike yun?" tanong ni Jasmine.

"Pero bakit nag kakagulo sa loob?" tanong ni Calron saakin.

"Hindi ba obvious? malamang tinutugis na si kuya Mike pati yung daddy ni Alli" sabi ko sa kanila.

"Si Mid at Alli nasa loob baka mapahamak sila!" sabi ni Jasmine sabay takbo papasok.

"Hoy pangit!" sigaw ni Calron dito at hinabol kaya napa irap ako at sumunod, third wheel nanaman ang Krizza nyo.

The Red Bold Blood Blood [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon