Chapter 5

80 46 0
                                    

Alli's pov

"Guys are you ready!?" pasigaw na tanong ni kuya habang tumatalon talon pa kaya nag hiyawan ang mga tao, lahat ng gamit namin dito ay puro de battery.

"I love you Mike!" rinig na rinig ang sigaw ng isang babae kaya nag hiyawan ang mga tao.

"Yo i love you too, so let us call on Miss Alliyah and Midnight for their opening song" nag palakpakan naman ang nga tao, lumabas na kami ni Mid ng mag kasama at may hawak syang gitara.

Nag simulang mag strum ng gitara si Mid kaya nag hiyawan ang mga tao.

'Suspended in the air
I hear myself breathing
Hanging by a thread
My heart is barely beating'

"Alli notice!" hiyaw ng isang babae kaya muling nag tawanan ang manunuod, grabe ang tinis ng kanyang bosses mas malakas pa sa mic na kapit ko.

'I haven't fallen yet
But I feel it comin'
Tell me would it be too much to ask
If you break it to me gently'

Isang babae ang nakikita ko habang kumakanta ako, hindi malinaw ang mukha nya pero malinaw na malinaw na sya ang babaeng nag papakita saakin palagi.

'And I'm waking the next day
WIthout you beside me
And you hold on to the day
Tomorrow will just be a memory'

She's smilling at parang proud na proud sya sa ginagawa ko, sino sya?

'That I would look back at all of this
And wonder why I stayed in here
Just to watch you disappear'

Hanggang sa mawala ang mga ngiti sa kanyang mga mata, hanggang sa matanggal ang kanyang mga damit at napuno sya ng dugo kaya napaatras ako at nabitawan ko ang mic.

"Alli?" tanong ni Mid at kaagad akong hinawakan.

"Hi Hello!" singit ni kuya kaya kaagad akong hinila ni Mid sa back stage.

"Gusto nyo ba akong kumanta?" rinig kong tanong ni kuya at hindi ko na narinig pa ang iba nitong sinabi kasi nag unahan na ang mga luha ko sa pag tulo.

"Alli ayos ka lang?" nag aalalang tanong ni Krizza saakin pero hindi ako makasagot at nanatili akong nakatungo.

"Alli nag aalala na kami saiyo ano bang nangyayari?" tanong ni Jasmine at pinaupo naman ako ni Dawn.

"Pwede bang mag usap muna kami?" tanong ni Mid sa kanila.

"Alli may problema ba? look, pwede mo akong pag sabihan o pag kwentuhan, pwede mong sabihin saakin ang mga nararamdaman mo" pag aalo nya saakin at pinunasan nya ang luha ko kaya bumuntong hininga ako.

"Mid, nakita ko ulit sya, y-yung ba___

"Alliyah!" galit na sigaw ni kuya.

"Mid pwede mag uusap muna kami ng kapatid ko?" inis na tanong nito kay Mid.

"Pero hindi naman tamang pagalitan mo sya nga___

"Ano bang pakialam mo kapatid ko yan!" lalo lang tumulo ang luha ko ng marinig kong sumisigaw na si kuya.

"Mid" tawag ni Billy kay Mid.

"Jasmine at Dawn kayo muna ang mag host" kaagad naman sumunod ang dalawa kong kaibigan dahil hindi na rin sila mapalagay.

"Hindi purke kapatid mo sya pwede mong gawin lahat sa kanya" malumanay na saad ni Mid kaya nag punas ako ng luha at tumayo, hinawakan ko si Mid sa balikat nya at nginitian.

"Mag uusap muna kami ng kuya" nakangiting sabi ko kaya bumuntong hininga sya at hinalikan ang noo ko bago tuluyang umalis.

"Alliyah ano bang nangyayari saiyo?" malumanay na tanong nito saakin at hinawakan ang kamay ko.

The Red Bold Blood Blood [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon