Chapter 7

76 48 0
                                    

Alli's Pov

"F*ck nag kakagulo" sabi ni Billy at dali daling umakyat ng stage at kumuha ng mic kaya sumunod kami.

"Everyone please calm down!" sigaw nya kaya napakagat labi ako at bumaba para pumunta ng back stage, wala ng tao rito kaya lumapit ako sa lamesa para kuhain lahat ng listahan na kasali sa Off Electric Party, hindi kami pwedeng mag kaproblema dahil kami ang mananagot dito.

Saktong kuha ko sa listahan ay namatay lahat ng ilaw kaya bigla akong kinabahan, kinuha ko ang phone ko sa bulsa para maging flashlight ko.

"Alli!?" rinig kong tawag ni Mid kasabay ng pagkakagulo ng buong tao sa party kaya umakyat na ako sa stage at tumabi sa kanila.

"Paano yan? Napaka dami natin" nag aalalang wika ko.

"Hindi ko na din alam kung ano bang uunahin ko" sabi ni Calron at napasabunot sa sariling buhok.

"Nasaan ba kasi ang kuya mo?" tanong saakin ni Krizza kaya mabilis akong umiling, alam kong kailangan namin sila ngayon pero natatakot ako kay kuya at dad sa hindi ko alam.

"Guys pumasok muna kayo sa tent at pansamamtalang tinitigil ang activity ngayon" sigaw ni Billy dahil wala na kaming mic, may mga flashlight naman ang lahat kaya kanya kanyang balik kung saan nakalagay ang tent.

"Anong gagawin natin?" tanong ni Jasmine.

"Sa likod na tayo mag usap usap" sabi ni Mid kaya mabilis kaming tumungo sa likuran at pumasok sa mother tent.

"Anong uunahin natin?" tanong kaagad ni Dawn.

"Ilaw?" tanong ko sa kanila.

"Sandali nga, paano ba namatay ang ilaw?" tanong ni Jasmine.

"Oo nga kung de battery naman lahat tapos sabay sabay pa?" nag tatakhang tanong ni Dawn.

"I connect natin sa sasakyan yung main light na nasa stage" suggestion ni Calron.

"Sino ang mag hohost?" tanong ni Jasmine.

"Ako na" sabi ni Billy.

"Sino mag aasikaso doon sa b-bangkay?" tanong ni Jasmine.

"Sige ganito, Billy ikaw muna ang bahala sa mga kasali sa party, Calron at Krizza kasama kana Jasmine tumawag kayo ng pulis para doon sa bangkay" suggestion ni Mid.

"Eh ako?" tanong ni Dawn.

"Saakin ka sumama" sabi ni Billy.

"Tama bang mag hiwa hiwalay tayo?" tanong ko sa kanila.

"Pero sino ang mag checheck kung may nawawala ba?" tanong ko sa kanila at pinakita ang listahan.

"Si Jasmine at Dawn na lang" sabi ni Calron kaya sumang ayon ang lahat.

"Kami ng bahala sa ilaw" sabi ko at hinila na si Mid palapit saakin.

"Tawag tawag na lang ha" kinakabahang saad ni Jasmine kaya hinila ko na si Mid papunta sa sasakyan.

"Sandali nga Alli" sabi nya at hinila ako pabalik kaya binitiwan ko ang kanyang kamay.

"Ano bang problema natin?" tanong nya saakin kaya kinunutan ko sya ng noo.

"Ito! Itong party?" sarcastic na tanong ko sa kanya kaya kinunutan nya ako ng noo.

"Alli paano natin maaayos itong party kung pati tayo may problema?" mahinahon na saad nya, eh ano nga bang problema?

"Eh ano nga ba!?" tanong ko sa kanya.

"Ang cold mo, hindi mo ako tinitignan sa mata may nagawa ba ako? may nasabi ba ako?" tanong nya saakin kaya sinamaan ko sya ng tingin.

The Red Bold Blood Blood [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon