“Nand’yan si Rock Star,” bulong na lang sa ‘kin ni Charisse. “Two o’clock, tingin, dali!”
“Aling ‘two o’clock’? Iyo o sa ‘kin?”
“Malamang, sa ‘kin.”
Tumalima ako. Nagkunwari akong tumingin sa may entrance ng cafeteria – kunwari may inaabangan na friend – pero ‘yung mata ko ay nakatuon kay Rock Star. Ilang table lang pala ang distansya niya sa amin, at kumakain siya ng pork steak saka salad. Samantalang, may nakaupo namang babaeng namukhaan ko sa harap niya.
“Nahuli ka ba niyang nakatitig sa kanya?” bulong ulit sa akin ni Charisse.
“Ewan ko pero mukhang hindi naman.”
“Kasabay niyang kumakain si Sandra, ‘yung sa Client Services,” sabi niya ulit, kunwari’y hindi rin siya nakatingin. Magaling siya sa ganyan, sa totoo lang. “Sila kaya?”
Actually, hindi naman talaga Rock Star ang pangalan nu’ng lalaki kung hindi Lucas Haresco. Officemate namin siya, at assistant manager siya ng Wealth Management team hanggang sa twenty-second floor. Pareho kami ng tingin sa kanya ni Charisse – malakas ang dating niya – pero hindi namin pa siya kaibigan.
Dahil crush namin siya, hindi namin mapigilan ni Charisse na magsikuhan tuwing malapit lang siya. Pinupuri rin namin ang suot niya, at minsa’y pinagchi-chismisan din ‘yung mga babaeng nakikita naming kasama niya. Wala, eh, crush talaga namin siya.
Lahat naman ay may ganyan, hindi ba?
Kaya naging code name ni Lucas ang Rock Star ay dahil mukha siyang lalaking pinilit lang magsuot ng pam-professional na attire – crisp shirt at tie – para lang kumita ng pera, pero kapag siya’y nag-time-out na sa trabaho, hala, iyon, mukha nang rock star! Lagi kasi siyang malinis at mabango pero ‘yung buhok niya ay medyo magulo kaya ganoon ang impression namin sa kanya.
Ganito talaga ang bonding namin ni Charisse – pag-usapan ‘yung mga pogi sa department namin – at na-miss ko ito kasi hindi na namin ito masyadong nagagawa ever since naging kami ni Don. Kaya medyo nakahinga ako nang maluwag lalo pa, hindi ko na maintindihan ang takbo ng utak ng boyfriend ko.
“Bakit nga ba hindi pa kayo nag-uusap ni Rock Star, Ellie?” tanong sa akin ni Charisse. “Dapat ginawa na natin ito noon pang may chance tayo. Baka natulungan pa kita.”
Kung tutuusin, masasabi kong acquaintance naman na kami ni Lucas dahil minsan ay nagngingitian kami kapag nagkakasalubong. Naalala ko nga noong first week ko sa trabaho – bale Biyernes iyon, casual day – bumili ako ng sandwich sa canteen. Nakapila siya sa likod ko at tinanong niya ako kung ano ang bibilhin ko.
“Salmon and cream cheese,” sabi ko naman.
“Masarap ba iyon?”
“Kung tama ang pagkakagawa nila, oo.”
Hindi siya nakasuot ng tie noon, at medyo lawit ang tattoo niya sa sleeves ng damit niya. Ano kaya ‘yung tattoo niya? Naisip ko pa pero nahiya akong itanong.
Hindi ko na alam kung paano ako magsisimula ulit ng conversation with him after nang event na iyon kaya sa tuwing magkakasalubong kami, nagngingitian lang kami.
Noong ngang nabalitaan kong nagyo-yosi siya, kamuntikan ko nang maging ugali ‘yung silayan siya sa may smoking area. Kamuntikan lang naman.
Bakit nga ba hindi ko siya kinakausap? Dahil iyon sa mga naririnig kong tsismis tungkol sa kanya. Higit kong nakilala si Lucas dahil sa mga naririnig kong tsismis sa kanya at hindi ko yata ma-imagine ang sarili kong kasama ang mga tulad niyang nasa limelight yata. Noon ngang nabalitang may girlfriend na siya, ang dami na ka agad na-insecure doon sa babae. Noong nag-break sila, ang bilis ding naging updated ng karamihan. Noon namang dumating ang balitang nanganak ang ex ni Lucas, naawa ako sa kanya.
“Tingin mo ba?” sabi ko kay Charisse. Napaikot pa nga ako ng mga mata. “He’s out of my league kaya. May anak siya tapos lagi pa niyang kasama si Sandra o kaya’y ibang girl na maganda tuwing nagla-lunch siya. Nakakahiya kaya lumapit. Paano ko rin ipapaliwanag kay Mama ‘yung mga tattoo niya? Tapos, remember, hindi siya naniniwala sa Diyos, so paano ang church wedding namin? Lastly, aba, naninigarilyo kaya siya.”
“I think, hindi na siya naninigarilyo.”
“Ha? Paano mo nalaman?” By the way, naninigarilyo rin si Charisse.
Nagkibit-balikat siya. “Hindi ko na siya nakikita, e. Remember his routine? Bili ng kape sa Starbucks tapos magyoyosi sa labas, ganoon. Lately, hindi ko na siya nakikitang nagkakape. Diretso sakay lang ng elevator, imbis na magyosi.”
“Since when?”
“Matagal-tagal na rin.” Tinitigan niya ako. “Medyo nagbago na ba ang impression mo sa kanya?”
“No. Marami pa rin rason. Tapos, remember, he’s out of my league.”
“Ay, naku. Mas maganda ka naman kaya kay Sandra. Problema mo nga lang ‘yung sa Research. Dyosa ‘yun.”
Bumungisngis kami. “Saka nakalimutan mo na bang may boyfriend ako?”
“Bakit? Bawal makipagkaibigan kapag may syota?”
Nagbiro si Charisse na hihiramin daw niya ang lighter ni Lucas para sindihan ang stick niya next time na makita niya itong nagyoyosi. Tapos, small talk raw bago ako pupunta sa coffee shop just to say hello. Mga ideya nga naman niya, oh?
Actually, maraming beses na niya itong pinagplanuhan noong hindi pa kami nagde-date ni Don. Ewan ko ba kung may kahulugan ito… at bakit nga ba kasi masyado niya kaming pinaglalapit ni Lucas?
Ay, teka nga. Ano na nga ulit ang rason kung bakit niya ito ginagawa?
Kung tutuusin, ilang taon ko pa lang kilala si Charisse pero napansin ko ang kakayahan niyang mang-impluwensya ng tao. She’s a natural leader, ‘ika nga nila. Masiyahin din siya pero hindi naman carefree na tipong masyado siyang impulsive. Pinag-iisipan naman niya lahat ng gagawin niya.
“Teka, bakit nga ba gusto mong maging close kami ni Rockstar ulit?” tanong ko sa kanya. “Pinaglalayo mo ba kami ni Don or what?”
“Ha? Hindi, ah?” sabi niya, medyo defensive ang tono. “I mean… ano… ewan.”
“What do you mean na hindi mo alam?”
“Ano kasi…” Bumuntong hininga siya. “Well, most likely naman malalaman mo rin ito. Ano kasi, nabalitaan ko na nakipag-basketball yata si Don noong Sabado. Wait, basketball nga ba? Ewan. Basta, iyon ang nabalitaan ko.”
Sabado? ‘Di ba iyon ‘yung araw ng Tagaytay trip namin dapat? Nanginig ang kamay ko dahil sa halo-halong emotion na naramdaman ko. Pinatong ko iyon sa kandungan ko para hindi makita ni Charisse.
Alam ko na ang katwiran ni Don – pumayag ka naman, ‘di ba? Saka biglaan naman ito. – at perfect reasoning iyon. But still, pinili pa rin niyang i-postpone ‘yung gala namin. Hindi ito patas!
Nakakairita lang na hindi siya nangangaliwa dahil paniguradong nasampal ko na siya sa galit sabay break-up. Kaso, hindi. Pinili lang niyang makipag-bonding muna sa mga kaibigan niya. Parang hindi kami; parang hindi niya alam na may girlfriend siya.
Sa inis, binaling ko na lang ulit ang tingin ko kay Lucas. Sakto namang tumayo siya. Nang mapansin niya ako, nginitian niya ako.
Hay, buti na lang ang gwapo ng ngiti ni Lucas. Nawala agad ang inis ko.
BINABASA MO ANG
Fairy Tale Fail (TAGLISH, translated by you!)
ChickLitI've asked Wattpad friends to volunteer to do a chapter-by-chapter translation of my English-language chick lit novel Fairy Tale Fail. Let's see how it turns out! Some chapters are still available! If you're interested in volunteering to translate...