Chapter 6 - Translated by pilosopotasya

527 9 0
                                    

Obsession na sigurong matatawag ang pagpa-plano ko ng bakasyon. Masasabi kong ito siguro ang pinaka libangan ko, well, pwera sa panonood ng pelikula o TV.

Ang unang bakasyon ko (kasama ang kapatid kong si Rita) sa Hong Kong ang nagsimula ng lahat. Exciting kasi para sa akin ang magpunta sa airport, o kaya ang magpunta sa lugar na hindi ako pamilyar. Kasi alam kong may aasahan ako sa pagbabakasyon.

Sayang lang dahil hindi ko kaya ang panay pag-alis. Tulad ng sinabi ni Don, malayo ako sa posisyon para magkaroon ng sweldong magbibigay sa akin ng pribilehiyo para magbakasyon palagi. Pakiramdam ko rin wala akong oras, pero ang totoo, siguro naghihintay lang ako ng makakasama. Taong sasama at magsasaya sa isang kakaibang ‘paglalakbay’.

Pero nawalan ako ng excuse para hindi umalis dahil boss ko na ang nag-utos sa akin. Kaya naman sa wakas, lahat ng ‘notes’ tungkol sa Bangkok ay nagamit ko na. Thank God sa Internet, at sa mga taong pakiramdam nila ay kailangan i-review ang lahat ng hotel, tourist trap, at airline, dahil lahat ng notes ko ay galing web research lahat.

Ang pagpunta sa Bangkok ang unang beses na umalis ako mag-isa. Wala akong kaibigan na nakatira roon (hindi tulad sa HK o Singapore), kaya naman gumawa ako ng “survival list” na may nakasulat na emergency phone numbers, “please,” “thank you” at “help” sa salitang Thai, at iba pang tips na makakatulong sa akin. Nakakuha ako ng isang cheap hotel room sa Pratunam, nag-plano ng DIY tour na may kinalaman sa pag-iikot sa train system o pagrenta ng tuktuk, at tinago ang pocket money sa tatlong magkakaibang pitaka.

Masaya na rin akong hindi ko kasama si Don. Kapag kasi sumasama siya sa akin, parang wala lang siya – parang wala akong kasama. Go with the flow. Madalas, tinatanong ko pa siya kung gusto niyang magpunta kung saan, kumain, mag-mall, at sa pagsha-shopping ko. Madalas din niyang kwestyunin kung kailangan ko ba talaga ng bag, ng sapatos, ng belt at kung anu-ano pang mahawakan ko.

Sa ideal world ko, sasama sa akin ang boyfriend ko at magugustuhan niya ang bakasyon, pero ang pagpunta ko sa Bangkok mag-isa ang nagbigay sa akin ng idea na masaya rin pala ang mag-isa. Alam ko kasing hindi ko makikita si Don – o kahit sino na kilala niya – kahit saan, kahit maglakad ako buong araw o gabi.

Siguro nga tama si Don. Nagbago ako kaunti nang maging kami. Hindi ako nag-aayang umalis dahil sa gusto ko siyang makasama. Iniisip ko kasi na dapat may gawin kami na magkasama – na dapat ay hindi naman masyadong issue.

Si Ellie “The Free Spirit” ang babaeng nagustuhan niya, ang taong pinipilit niyang i-compare kay Ellie “The Girlfriend”, at dahil sa malayo kami sa isa't isa, binabalik ko na ang Ellie na 'yon.

Sa susunod, makikita niya ulit ako – tulad ng dati – at maalala niya ako. Siguro, hindi naman magtatagal ang lahat ng 'to. Makakapaghintay ako.

***

Hindi ko namalayan, mabilis pala ang paglipas ng isang taon.

Masakit ang unang tatlong buwan ng break-up, pero sa mga sumunod na buwan, ang bilis ng lahat. Matapos ng Bangkok trip ko, pinanganak ni Ate Gladys ang pamangkin kong si Dylan kaya ang mga sumunod na buwan ko ay ang pagtutok sa pagngiti, pag-ubo at pagdura ni Dylan. Pagkabawi ko sa mga expenses sa Bangkok, nagpunta ako ng Macau, at ilang buwan pa ang nakalipas, bumisita ako sa mga kaibigan ko sa Singapore.

At syempre, ayun nga – may bago akong trabaho.

Mula sa pagsusulat para sa brochures at websites, napunta ako sa team na nakikipag-usap sa clients. Kumukuha ng bagong clients, at mine-make sure na masaya pa rin ang dati. Hindi ako lumalabas para kitain sila, pero isa ako sa mga tumutulong para roon. Hindi ako sanay sa trabahong ganito, pero tama ang dati kong boss: hindi nasayang ang pagtatrabaho ko sa kanya sa bago kong work.

Ang pinaka nakakatuwa dito (sa totoo lang) ay nasa twenty-second floor ang bago kong workstation, kung saan malapit sa dinadaaanan ni Rock Star sa pagpunta ng pantry para mag-refill ng coffee mug.

So yeah, lumipas ang isang taon na hindi ko man lang naramdaman.

***

Si Rock Star – er, Lucas – ay naaalala ako bilang “Sandwich Girl.”

Nagkakilala kami, finally, nang mag-iisang taon na ako sa bagong team. Hindi sa cigarette-related plots ni Charisse, pero kay Sandra, 'yung babaeng lagi naming nakikitang kasama niya. Nasa Client Services din si Sandra, at minsan nagkakasama kami sa lunch kapag lumalagpas ng tanghalian ang mga meetings namin. Siguro nakakapagtaka kung bakit hindi kami nagkausap agad ni Lucas dahil nga nasa iisang floor na lang kami at regular na may ngitiang nagaganap kapag dumadaan siya sa may pwesto ko, pero ang totoo, mas naging mahirap makipag-usap dahil pamilyar na kami sa isa't isa – ang awkward – lalo na kung bigla akong magpapakilala sa kanya.

Buti na lang si Sandra na ang gumawa n'un para sa akin. Pagtapos ng meeting namin ng  twelve-forty-five, nagpunta ako sa pwesto niya at pinakita ang universal expression ng gutom. Tinaas niya ang daliri niya, ang universal expression ng “wait lang” dahil parang may pagtatalo sila ng kausap niya sa phone.

“Fuck you, Marlon. Sinabi ko nang 'wag kang tatawag sa trabaho. I swear, ipapabago ko na 'tong number ko. At huwag kang magpapakita dito!”

Okay, hindi lang nagtatalo. Mas malala pa ata. Sandra, incase nalimutan ko sabihin, ay may malakas na personality. Si Marlon naman ay ex-boyfriend niya.

Tumahimik ako at naghintay, tinitingnan ang collection niya ng mga taong Lego. After ilang minutes, dumating si Lucas at inaaya din si Sandra para kumain.

Tinaas ulit ni Sandra ang daliri niya kay Lucas, kausap pa rin si Marlon sa phone. “Hindi, walang nakukuha si Mama sa mga messages mo. Alam mo kung bakit? Pinalitan ko na ang phone niya. So sa tingin mo matatakot mo ako sa ganyan? Fuck you!”

Nagkatinginan kami ni Lucas at natawa kaunti.

Mukhang naalala ni Sandra ang existence namin ni Lucas. Iniwas niya ang phone at nagsalita. “Ellie. Lucas. Kilala niyo naman ang isa't isa, di ba? Kayo na lang kumain. Hindi ako makakasabay.”

“Yes ma’am,” nagmistulang butler si Lucas pagyuko at inaya ako papunta sa elevator.

“Nakakatawa talaga siya,” sabi ko kay Lucas pagkalayo namin.

“Sino, si Marlo?” tanong niya.

“Oo. Naiisip ko nga parang gusto kong magpunta siya dito, para makita ko kung anong itsura niya.”

“At ano, para makita mo ang pagkamatay niya? Delikado 'yang hinihiling mo.”

Tumigil kami sa pag-uusap pagkapasok sa elevator, nasa unahan ko siya. Nakasuot siya ng pinstriped black and purple, kakaibang choice, pero ang weird lang dahil bagay sa kanya. Mukhang nagsuklay siya ngayong araw – pero sa bandang likod, medyo magulo. Gusto ko sanang ayusin pero hindi siya magiging si Rock Star kung neat siya tingnan. Tumingin ako paibaba, mula sa messy hair niya, sa leeg, at sa collar ng damit niya. Gumalaw siya kaunti, pagkagalaw ng leeg niya, pinipigilan ko ang sarili ko para hindi siya kagatin sa leeg.

Oh crap. Tumigil ka, Ellie.

Pagkalabas namin sa floor ng cafeteria, naghintay muna si Lucas ng pagkaunti ng tao bago nagsalita. “Ellie, di 'ba? Yun ang pangalan mo?”

“Eleanor Andrea Manuel.”

“Lucas Haresco. Buti na lang.”

“Huh?”

“Akala ko kasi hanggang sa matapos ang mundo, Sandwich Girl ang itatawag ko.”

Natawa ako. “Feeling ko nasa mood ako para mag salmon and cream cheese.”

“Alam mo?” sabi niya. “Ako rin.”

Fairy Tale Fail (TAGLISH, translated by you!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon