“Ready to go?” Bungad ni Don sa akin.
Matingkad ang sikat ng araw, it was a beautiful day, ngunit tila may nagbabadya sa aking pakiramdam. Parang may maitim na ulap na lagi kong kasama saan man ako magpunta. Isang espesyal na ngiti ang pilit kong ipininta sa aking mga labi, nagbabakasakali na maibsan ang aking kaba. Not working.
Sa loob ng isang buong linggo, matapos kanselahin ni Don ang aming Tagaytay trip, tila sinadya niya na magtakda ng ibat-ibang meetings kasabay sa oras ng coffee break namin, and didn’t make plans with me at all. Hindi ko din alam kung magkikita pa kami sa susunod na linggo, dahil simula Huwebes wala na kaming pasok – it was Holy Week.
Subalit nakatanggap ako ng tawag sa kanya noong Palm Sunday. Tinanong niya ako kung gusto ko daw ba na mag-Visita Iglesia kami sa Huwebes.
Naalala ko si Charisse, na walang bahid ng pagiging relihiyoso sa katawan. Isang kurap lang marahil ang kanyang isasagot kung sakaling may magyaya sa kanya ng parehong lakad. Pero ako, I found it sweet. Ang Visita Iglesia (pagbisita sa iba’t-ibang simbahan tuwing Holy Week) ay isang mahalagang tradisyon sa aking pamilya; Don and I had that in common.
At saka, sinadya ba magplano ni Don ng lakad na hindi niya pinapaalam sa akin? Nabuhayan ako ng loob, umaasa na marahil ito na sa wakas ang bagay na magtatama sa relasyon namin.
Labis kong ikinatuwa na naisip ni Don ang bagay na ito. Kadalasan kasi, ako ang laging nagpla-plano ng aming mga lakad. Movies, friend’s birthdays, road trips…it felt good to be part of planning weekend activities, subalit kailan man hindi ko nalaman ang mga balak niyang gawin.
Ang simbahan na pinagdalhan sa akin ni Don ay nasa loob ng kampus ng aking Unibersidad. It had been five years since I graduated, at hindi pa ako nakabalik dito ng matagal na panahon. Hindi kami pareho ng pinasukang paaralan ni Don. Ngunit nabanggit ko sa kanya kung gaano ko gusto ang mamalagi sa simbahan na iyon. Ang pananatili ko doon ay nagbibigay sa akin ng sense of peace na hindi ko maipaliwanag. It was like a sanctuary to me.
Nabanggit ko nga ata ang lahat ng bagay na ito, pero hindi ko naisip na marahil it really sank in for him until then. (Ito na ba iyon? Lumipas na ang adjustment period?)
“What a great idea,” sabi ko sa kanya.
Mapustura ang gayak ng simbahan ng araw na iyon, kumpara noong huli akong nandoon. Pati ang mga upuan mukhang bago, ngunit marahil ito ay isa ko lamang imahinasyon. Pinagmasdan ko ang Stations of the Cross – beautifully rendered on stained glass - at sinambit ang aking panalangin.
Naunang lumabas si Don nang matapos siyang magdasal. Tinitigan ko muli ang simbahan – my church - at lumabas ako patungo sa parking lot na may ngiti sa labi. Naabutan ko siya na nakatayo sa tabi ng kanyang kotse, may suot siyang sunglasses na panangga sa marahas na sikat ng araw. Seeing him like that on my own college campus was surreal. Don was a big, imposing guy, malayo sa tipo ng mga lalaking gugustuhin kong maging karelasyon noong araw.
“Thank you for that,” I gushed. “Ang sarap sa pakiramdam na makabalik dito.”
“Kailangan natin magusap,” sambit ni Don, ni hindi man lang inalis ang sunglasses. “Hindi ba sabi mo you wanted to talk about us? Sa tingin ko dapat ngayon na.”
“Ngayon na?”
Ilang beses ko na bang naisip ito? Madaming beses nitong huling ilang linggo. Kasing dami din ng pagtatalo namin ni Don sa lahat ng bagay. Tuwing nagtatanong kasi ako if we could talk about “us” ay wala siyang oras para dito. Well, it seemed like he finally did.
“Tama ka nga,” sabi niya. Hindi siya makatingin sa akin ng diretso, subalit hindi rin naman ako sigurado because of those damn lenses. “We haven’t been in sync lately.”
Sinabi ko ba iyon? Siguro nga nasambit ko minsan, pero hindi siya dapat sumang-ayon sa akin.
“Tigilan na natin ang pagtatalo, mag-usap tayo ng mahinahon,” sambit ko, not acknowledging that whole “sync” thing. “Instead of just sticking to our positions and debating them all day.”
“Iyon lang naman ang ginagawa natin ngayon ah, nag-uusap lang tayo.”
“Wala ng away?”
“Wala ng away,” sabi ni Don. “Iisa-isahin natin ang mga issues. At kung hindi pa rin tayo magkasundo, siguro nararapat na…we choose to go our separate ways.”
At iyon ang naging hudyat ng aming paghihiwalay ni Don. During Holy Week. Sa pinakamamahal kong university church.
![](https://img.wattpad.com/cover/32272795-288-k211899.jpg)
BINABASA MO ANG
Fairy Tale Fail (TAGLISH, translated by you!)
ChickLitI've asked Wattpad friends to volunteer to do a chapter-by-chapter translation of my English-language chick lit novel Fairy Tale Fail. Let's see how it turns out! Some chapters are still available! If you're interested in volunteering to translate...