Sixteen months na simula nang maghiwalay kami ni Don. (Teka, sino ba'ng nagsabing magbilang ako?) Pero parang masyado na yatang mahaba ang panahong 'yon for a fairy tale to get back in gear. Bakit nga ba hindi pa rin nakikipagbalikan sa'kin si Don? Gaano ba katagal bago mag-reunite ang Hero at ang kanyang True Love?
Sandali nga lang. According to the morphology of the folk tale ni Vladimir Propp, mayroong seven basic characters ang mga fairy tales. Kahit Russian si Mr. Propp at mga Russian stories ang pinag-aralan niya, mukha namang nag-work sa mga movies tulad ng Star Wars ang template na 'yon. Sa katunayan, I also used it in my paper na pinasa ko sa Film subject ko.
First, there's the Hero. Normal na tao lang na naging biktima o kinawawa in some way and in a struggle to win back her True Love. Because in Fairy Tales, nakukuha lang ng bida ang True Love pagkatapos niyang dumaan sa matinding pagsubok. Minsan nga maraming beses pa siyang pahihirapan. Mga tatlo siguro.
Siyempre, may mga tutulong sa kanya tulad ng Messenger, Friend, or ng Donor. Sila yung mga taong nakapaligid sa kanya na nagbibigay ng payo o kaya itinuturo siya sa tamang landas habang pinagdadaanan niya ang mga pagsubok. Sa mga fairy tales, sila yung mga fairy godmothers, magical animals, mga taumbayan. In my case, that would be Charisse, yung dating boss kong si Tara, at marami pang iba.
Pero kahit parang mapapadali na ang lahat dahil nasa side ng bida ang fairies and magical beings to help her, meron pa ring eepal. Si Villain. O kaya ang False Hero Character who would try and steal the True Love Away. Wala nga naman kasing thrill kung agad na may happy ending. Pero kadalasan, sa huli na malalaman ni Hero kung sino ang villain at false hero.
So obviously, I was the hero here. Ako ang bida. Pero sana alam ko kung sino ang kontrabida, diba? Mas madali sana kung may kakumpitensiya ako. But Don's issues had been with me.
Siguro kinailangan kong lumayo muna kay Don but I didn't change my mind about him. Alam kong gusto ko ng matinong lalaki. Alam kong gusto ko pa rin si Don. And our breakup? First test. At ang hindi niya pagpansin sa'kin matapos kong sabihing I still love him? Second test. Siguro kailangan ko pang dumaan sa marami-rami pang pagsubok para mapatunayan kong mahal ko pa rin siya. And I'm not gonna waver. Eventually, magbabago rin ang isip niya. Babalikan din niya ako.
---
Sinubukan kong maging positive. Pero hindi nakiayon ang company-wide weather report na natanggap namin: Signal number 3 storm headed for Manila todat. Classes on all levels have been suspended. Please make appropriate travel arrangements.
Napalatak na lang ako habang naghahanda para pumasok sa office.
Sa tingin ng iba, I was going on as usual. Hindi naman laging ang paghahabol sa ex ko ang inaatupag ko araw-araw. Nandiyan naman ang pamilya ko, ang trabaho ko, my trips, and (most of) my friends. I really didn't lack anything.
But the little things still hurt sometimes.
Tulad na lang ng sinabi ni Charisse na hindi na niya ako babalitaan tungkol kay Don kahit pa magtanong ako. Sabi ko, ayos lang talaga na magkwento siya, that I can handle it. But she said no, she wasn't going to allow me to keep tabs on him. Kaya hindi ko na rin alam kung may iba na bang dine-date si Don nung nagkaroon ng party sa bahay nina Ricky.
And then, at six-fifteen AM, I saw someone's online photo album and knew for sure.
Ano'ng nakita ko? Mga pictures ng barkada nung pumunta sila Laiya, Batangas. Hindi ko man lang narinig ang tungkol sa beach trip na iyon. I clicked on the photo album at tinignan kung sino ang mga sumama—si Charisse, Don...pretty much everybody and some new faces na hindi ko kilala. Don had his arm around a girl, nakuhanan siya sa aktong katatapos lang niyang halikan sa pisngi yung babae. Sino ba 'yun? As far as I know, hindi siya nagtatrabaho sa office. O baka hindi ko pa lang siya nakakasalubong.
BINABASA MO ANG
Fairy Tale Fail (TAGLISH, translated by you!)
ChickLitI've asked Wattpad friends to volunteer to do a chapter-by-chapter translation of my English-language chick lit novel Fairy Tale Fail. Let's see how it turns out! Some chapters are still available! If you're interested in volunteering to translate...