Chapter 9a - Translated by YourSweetestVermouth

406 6 8
                                    

My mom told me to stay on dry land while traffic is bad. Tinanong ko si Charisse kung pwede ba na mag-overnight ako sa kanyang apartment, just a short walk from the office, pero ang sabi niya ay may limang tao na ang naroon sa kanyang apartment. Dapat ay tumawag ako kanina ng mas maaga, but I was having a great time. With Rock star.

Pagkatapos namin umalis sa restaurant ay sumilong kami sa isang shed nang magsimula na namang bumuhos ang ulan and made our respective phone calls. Yung pinagsisilungan namin ay parang walang epekto dahil nababasa pa rin ako ng ulan.

Nakatalikod si Lucas sa akin na may katawag pa rin sa telepono. Nakayuko ito pero hindi ko marinig kung anumang sinasabi niya pero sa klase ng tono nito ay parang tense siya. At least for him, who was never tense. Ang tawag sa kanya ni Sandra ay "low-maintenance friend."

"So?" sabi niya ng matapos ang tawag. "Your friend taking you tonight?"

"Hindi. I didn't book her early enough. Marami na daw sila sa kanyang apartment."

"Wala ka na bang kakilalang iba?"

"Lahat ng kakilala ko ay nasa lugar na ni Charisse." Sabi ko. "Ayos lang sakin. Kaya ko pa naman na maghintay ng kunti. Ikaw?"

"Don't worry about me. May relative ako na malapit lang."

"Good for you." Sabi ko.

Nagkibit-balikat siya at ngumiti siya sa akin. "Good for us."

--

Noon ay hilig ko ang maglaro sa bahang kalsada hanggang sa narealize ko kung anong merong dumi ang kalsada ng Makati kapag hindi baha. Cigarette butt. Dog poo. At lahat ng mga maduduming bagay na hindi dapat nasa kalsada. Hindi na importante kung anong hitsura nito o kung nasaaan ito --- isang dumi lang ang kailangan para ayawan ko tubig baha.

"Fuck. Fuck. Fuck." sunod-sunod na sabi ko ng malusot naman ang isang paa ko sa pothole na hindi kita dahil sa tubig baha.

Hinawakan ni Lucas ang kamay ko para tulungan akong talunin ang isa na namang puddle.

"Nice." sarkastikong sabi niya. "I can see why good guys are attracted to you."

"Tumahimik ka." I retorted. "I don't like walking in a pool of dog poo. And rat pee."

"But see, you agreed to go somewhere with shower. It all works out."

Hindi pa tumitila ang ulan. Pero patuloy kami sa pagsulong sa baha dahil kunumbinsi ako ni Lucas na magstay sa bahay ng Auntie nito sa Bel-Air kasama siya. I found the whole thing a bit weird but Lucas asked me to reconsider this for his sake Nagdesisyon ito na magstay kasama siya hanggang sa makahanap ako ng matinong sasakyan pauwi sa bahay (it was the proper thing to do.) pero imbes na maghintay sa mall ay maari bang maghintay kami sa lugar ng Auntie niya kung saan siya magiging komportable?

''

Lucas' Aunt, it turned out, is ready for us. A fabulous-looking woman over her fifty, at pinsan ng ama ni Lucas, she was a retired, a widow, at mag-isang nakatira sa bahay na iyon. Ang mga anak nito ay umalis na upang magsimula ng mga kanya-kanyang pamilya.

Nakarating kami roon lagpas twelve thirty na ng hatinggabi. Itinulak ako ni Auntie Claire, pangalan ng Aunt ni Lucas, sa may ibabang bathroom. Ni hindi ko nga alam kung paano ako napunta roon, para kaming dumaan sa isang maze: foyer, then living room, then hallway, a study, then some kind of family room, and then bathroom.

Sa loob ng banyo ay nakita ko ang mga nakatuping damit: drawstring jogging pants (masyadong malaki para sakin kaya nga naman andyan ang drawstring), isang boracay souvenir tshirt na mukhang hindi pa nagagamit, disposable underwear (in the right size) a fluffy pink towel and one white bedroom slippers na may tatak ng pangalan ng hotel.

Ang sarap sa pakiramdam ng mainit na tubig. Nagbabad ako ng matagal upang alisin ang mga bakterya na dumikit sa paa ko. Pakiramdam ko ay ako si Cinderella na inaayusan ng kanyang Fairy godmother.

Lumabas na ako ng banyo upang malaman lang na nasa family room nga ako dahil nakita ko si Lucas na naka-upo na sa may sahig, nakasandal siya sa may couch, nanonood ng TV. Mukhang bagong ligo rin lang ito at magkapareho sila ng suot na tshirt.

Pansamantala akong naconscious sa suot kong damit, underwear made of paper at hindi ko pa nasusuklay ang aking buhok at heto ako nasa harap ni Rock Star.

"Bagay sayo yang damit." basag nito sa katahimikan naming dalawa. Tama si Sandra. Hindi ko mo kailangan maramdaman na dapat high-maintenance ka kapag kasama siya.

"Asan si Tita mo? Kailangan ko siyang pasalamatan."

"Tulog na siya sa mga oras na 'to pero nang-iwan siya ng chocolate." True enough. Mayroon ngang isang box ng truffles.

"Wow." tumalon ako sa likod ng couch na sinasandalan niya. "Sa tingin ko ay ito na pinakamagandang panahon na na-istranded ako sa bagyo."



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fairy Tale Fail (TAGLISH, translated by you!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon