Chapter 8 - Translated by AteSushii

381 5 1
                                    

Oo, isa 'to sa mga bagyong iyon. Iyong tipo na sabi sa 'ming mga hapong nilalang, "No, you haven't seen me yet, bitches!"

Isang gulo ang eksena sa labas ng opisina namin. Hindi lang basta nakatumba ang mga basurahan, nilipad rin ang mga iyon palayo sa totoo nilang pwesto. Either natangay sa kakatwang anggulo ang sanga ng mga puno o nagkalat ang mga 'yon sa kalsada, bahagya rin ang tubig-ulan sa bangketa.

Kaysa magkasya sa burger place na nasa building namin, giniit ni Lucas na kumain sa labas. Sabi niya may napuntahan siyang isang maliit na cafeteria-style na kainan ilang bloke lang ang layo mula sa opisina. Masarap daw ang bulalo r'on. Tinanaw ko ang ulan, 'yong hangin, tapos ang sapatos ko, at ang suot kong purple na blouse, bago ako nagkibit-balikat.

Magandang ideya ang bulalo. Nilagay ng panahon sa karne at buto ang mood ko. (Hindi naman 'yon gano'n kadiring pakinggan.)

Binalot kong mabuti ang sarili ko sa suot kong jacket at sinundan siya. May dala akong payong, pero ito iyong uri ng bagyo na babaliktarin ang payong mo, kaya pagsuong lang ang tanging paraan para makalibot. Buti na lang bukas 'yong restaurant pagdating namin d'on, at ayos lang sa kanila kahit naputikan namin ang mga upuan nila. By the way, basang-basa ako sa jacket ko.

Gayunman, ang ayos pa rin tingnan ni Lucas. Sinuklay niya ang mga daliri niya sa basa niyang buhok at 'yong calculated na gulo no'n ay napunta sa iba't ibang direksyon.

"So, hindi ka inaabot nang late sa trabaho, tama?" ani Lucas matapos umorder.

"Hindi" sagot ko habang tinutuyo ang kamay ko ng table napkins. "Madalas, lumalabas na ako after my eight hours."

"Kasi nakatira ka sa malayo?"

Pinag-isipan ko ang sinabi niya, umiling ako. "Hindi, ayoko lang abutin ng magdamag sa trabaho. Ano pala'ng ginagawa mo kanina? Sabay-sabay naman tayong pinauwi."

"I think, nasa mood ako'ng mag-beer. Gusto mo ng beer?"

Interesting. "Iniwasan mo bang sagutin ang tanong ko?"

Ngumiti siya nang tipid bago tinawag ang waiter, at humingi ng dalawang bote ng San Mig Light.

Dinampian ko ang noo ko ng bagong table napkin at nagkibit-balikat. "Malinaw naman sa 'yong in-invite mo ako'ng maghapunan sa kasagsagan ng bagyo, ibig-sabihin no'n wala kang kawala sa mga tanong ko buong gabi. Baka pwedeng sagutin mo na ang tanong ko."

Ni sa hinagap ko, hindi ko naisip na matutukso ko si Rock Star nang gano'n, pero ano ba? Hindi ako makauwi, gutom ako, ano pa ang inaasahan niyang gagawin ko?

"Hindi ako magdadaldal nang walang laman ang tiyan," sabi ni Lucas.

***

Ano ba'ng alam ko tungkol kay Lucas? Lahat ng narinig ko ay puro usap-usapan lang sa opisina, na madalas napulot at sh-in-are lang ni Charisse na siyang may mas maraming kaibigan sa ibang floor.

Mas posible pa nga na matapos ang lahat, wala talaga akong alam tungkol sa kanya.

"So, what's your 'thing', Sandwich Girl?" sabi niya bago ko pa man siya matukso ulit.

"Ang ano ko?"

"Your thing. 'Yong bagay na dahilan ng pag-uwi mo agad galing sa trabaho."

See, iyon ang magandang paraan ng paglalarawan no'n. Ang impression ni Don, ang mga taong umaalis sa opisina oras na payagan sila ay mga tamad. Para sa 'kin, meron silang exciting na buhay at hindi na nila mahintay na balikan 'yon kaya sila umuuwi nang maaga.

Fairy Tale Fail (TAGLISH, translated by you!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon