Part 38

763 65 9
                                    

"OLD hag, I'll be turning eighteen next month. Puwede bang kunin kita as a witness kung magpaparehistro ako ng kasal?"

Walang kakurap-kurap si Reese nang pahinamad na balingan siya ng landlord niya. Naroon sila sa garahe at katatapos lang niyang linisin at langisan ang mga motor niya. "Seryoso ka? Nakabuntis ka ba?" Bahaw na tinawanan niya lang ang babae bilang sagot. Lumakad ito palapit habang kipit ang sigarilyo sa daliri. Nang tanguan niya ito ay dinuro siya nito sa sentido. "Alam mo ba kung anong sinasabi mo?"

"Di ako tulad ng ibang teenager diyan na naglalaro lang." Nabubuwisit na tinabig niya ang kamay nito. "Kilala mo naman ako, di ba?"

Umismid ito. "Kaya nga e. Kilala kita. Nakikipagpatintero ka lang noon sa mga babae. Ngayon sa isang iglap gusto mo nang magpakasal? Nasisiraan ka na ng bait."

"If facing the life you want to live seriously is craziness, then I'm not the only one who's crazy, old hag."

Tinitigan siya nito ng matagal. "Alam mo ba kung anong kasal?"

"Lifetime commitment. Hindi ako gradeschooler."

"At ilang taon ka na?"

"Eighteen."

Tumirik ang mga mata nito. "Seventeen going on eighteen, right?"

"Oo na. Ano ngang problema doon?"

Iminuwestra nito ang kamay. "Masyado ka pang bata. Marami pang puwedeng mangyari. Kapag nagpadalus-dalos ka, hindi lang buhay mo ang masisira kundi pati ang buhay ng babaeng idinadamay mo sa kapusukan mong 'yan."

"Juvel wants to stay with me. She's not happy in her home. Kailangan ko siyang protektahan. At wala akong balak na sirain ang buhay niya. Once we're married, I'll be socially and lawfully her guardian. I'll be able to take care of her without anyone saying anything."

"At anong buhay ang maibibigay mo sa pobreng babae? Ititira mo siya sa building na 'to? Reese, nag-aaral ka pa. Kung may trabaho ka man, sapat lang ang kinikita mo sa personal na pangangailangan mo at sa school expenses mo."

Huminga siya ng malalim at naupo sa kanyang motor. "I'll quit school once na matapos ko ang unang taon ko sa senior high. I'm young and healthy, old hag. I can take three or more jobs. At isa pa, may pangarap ako sa buhay. Kapag pro racer na ako, kikita na ako ng mas malaki at mabibigyan ko ng komportableng buhay si Juvel."

Bumuga ng usok ang landlord. "It'll be nice if you can do that, Reese. Pero hindi ganyan kaganda ang reyalidad. Ang pinili mong karera sa buhay, 'yong literal na sumusugal ka. Sabihin na nating magaling ka sa ginagawa mo at malaki ang tiwala mo sa sarili mo, e paano kung malasin ka? Paano kung maaksidente ka? Sinong kawawa? Sinong maiiwan?"

Napipilan siya sa narinig. He didn't consider that possibility at all. Luck was always on his side. But could he really bet Juvel's future in that luck? Noon ay hindi niya iniintindi ang bagay na 'yon dahil sarili niya lang ang dala niya. Ngayon ay iba na ang sitwasyon.

Tinapik siya sa balikat ng kanyang landlord. "Bakit hindi ka lumapit sa ama mo?"

Padarag na pinalis niya ang kamay nito. "Who's going to ask that old man? Not me."

Pumalatak ito. "Ngayon mo sabihing hindi ka bata diyan sa pagmamatigas mo. How old is Juvel? Sixteen? Seventeen? There's no way you can register your marriage if one of you is a minor. At kahit eighteen ka na, kailangan mo pa rin ng parental consent, Reese. At sa tingin mo tatanggapin ka ng pamilya niya sa estado mo ngayon kung wala ang tatay mo? Kahit ako, hindi ko ipagkakatiwala sa'yo ang anak ko."

"Oh shut up." Banas na tumayo siya at hinablot niya ang face towel. "Isa lang ang pabor na hinihingi ko, ang dami mo pang sinabi. At saka magkakaanak ka pa ba? Menopausal ka na, di ba?"

"This brat!" Kumaripas na siya ng takbo bago pa man siya nito mabatukan.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"O, nandito ka pala Juvel!" pagkaway ni Karen sa direksiyon niya. Excited na tumakbo si Juvel sa baba ng bleacher. "Akala ko grounded ka? Buti nakalabas ka."

"Kapag weekend, nasa spa 'yong mga tao sa bahay namin puwera kay lolo. Si Rustom nag-outing kasama 'yong mga kabarkada niya. Pinayagan ako ni lolo nang sabihin 'kong bibili lang ako ng school supplies sa mall."

Nanunuksong tiningnan siya nito. "Nagiging rule breaker ka na rin dahil kay Reese."

"Where's Reese?" Lumingun-lingon siya sa racetrack na 'yon sa loob ng siyudad ng Maynila. May endurance test at speed test si Reese kasama ang panibagong team. Dahil sa pagkakapanalo nito sa tournament sa Clark Pampanga, nakuha ulit ito bilang competitor sa isang endurance racing event naman sa Batangas na magaganap sa susunod na dalawang buwan.

"Hayun at nakasakay na sa motor." Itinuro ni Karen ang isang nakaitim na rider sa starting point. Nakita niya din doon si Mazon. May hawak itong camcorder at kinukuhanan si Reese. Bukod sa binata ay may dalawa pang rider na naghahanda at nagsusuot ng riding gear sa garahe. "Huwag kang mag-alala, hindi nakapasa 'yong Trina. Kahit sina Kuya Wendel at Sir Luke pa rin ang nagsu-supervise, bago ang team. Ang sabi ni Reese umakyat din ang quality ng brand ng makinang gagamitin nila dahil nadagdagan ang sponsor. Big time na ang jowa mo." Pabirong sinuntok siya nito sa balikat.

Juvel took a sigh. "I don't care about that, Karen. Ang importante sa akin ay safe na makalusot si Reese sa bawat race na sinasalihan niya. Kahit na hindi siya manalo o mag-stand-out, basta huwag lang siyang mapahamak."

Naramdaman niya ang pagtapik nito sa likuran niya. "I guess you're right. Hindi mo mapigilan ang sarili mong mag-alala kahit na gaano pa siya kagaling. It's really hard on you Juvel, isn't it?"

Sinalat niya ang pendant ng kanyang kuwintas. "I don't want to hold him back at all but if feels like if I take my eyes off of him for a second, I'll lose sight of him. I feel like he'll go away."

"Kaya ba hindi mo napigilan ang sarili mo sa pagpunta dito kahit na harangan ka pa ng sibat?"

Di na niya nagawang sagutin pa ang tanong dahil sa malakas na pagsalpok ng kung ano sa racetrack. Nanghihilakbot na pinanood niya kung paano bumangga ang motor ni Reese sa isang curve nang mahagip ito ng isang motor at kung paano 'yon bumaliktad sa ere. Gimbal na napasigaw si Juvel.

****

- Amethyst -

Love Me Not, Leave Me Not [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon