Part 9

729 58 1
                                    

Ano man ang gulong kinasasangkutan, wala sa isip ni Reese ang magiging konsekuwensiya. Parating gano'n ang sitwasyon. He didn't weigh things or analyze. He just acted on the moment. Gulo ang hatid no'n saan man siya mapadpad. At wala siyang pakialam dahil ninais niyang mabuhay sa paraang 'yon.

Pero sa pagkakataong 'yon, handa man siyang makipag-basag-ulo, kailangang ikonsidera niya ang posisyon ni Juvel. Di niya gugustuhing maulit dito ang nangyari kay Ulysses. He didn't want to be damned again.

"A-anong gagawin mo, Reese?" nangingilag na tanong ng babaeng hila niya. Hindi niya ito nilingon pero sumagot siya.

"I'm just going to give them a warning." 

Papunta sila sa gymnasium kung saan nalaman niyang naroon ang mga kaklase ng babae. Nang makita niya ang itsura ni Juvel sa klinika, tila may nagsilab ng apoy sa dibdib niya. Kailan ba siya huling nakaramdam ng galit para sa ibang tao? Marahil ay sumisipa pa rin ang habit niya na pakikisimpatya sa mga naagrabyado. He just couldn't stand when the weak was treated unequally. Kailangan niyang umaksiyon dahil masama para sa kanya ang magpigil.

"W-warning? P-para saan?" Nauulinigan niya ang panic sa tinig ni Juvel. Pilit nitong binawi ang kamay pagdating nila sa entrada ng gym. Hindi niya hinayaang makawala ito. Sa kanila agad tumutok ang paningin ng lahat ng estudyanteng naroon nang makapasok sila. Nahulaan niya agad na ang mga nag-iwas ng tingin ang mga salarin.

"Palalampasin 'ko ang ginawa niyong pananakit sa kanya pero hindi sa pangalawang beses! Sino man ang gumalaw ni isa sa hibla ng buhok niya, mananagot sa'kin!" pagsigaw niya ng walang babala. Walang halong biro ang kanyang tono. Kitang-kita niya kung paano napaatras at nasindak ang ilan. Nang tumuon ang pansin niya partikular sa isang tao na nagbubuga ng kalituhan at pag-aalangan ang ekspreyon ay bumaling siya kay Juvel. She had the same expression while looking at that person. Marahil ay iyon ang bestfriend nito.

"B-bakit mo siya ipinagtatanggol, Reese?" malakas ang loob na tanong ng isang babae. "Do you like her?"

"I do," walang habas niyang sagot. "Compared to all of you here with rotten personalities, I much prefer this geek." Inakbayan niya si Juvel. "She's not a person who sold a friend unlike a certain someone here..." His words trailed off as his eyes focused on Juvel's friend. Nanginginig ang mga kamay nitong mahigpit na nakakuyom habang nababakas niya ang pananaghili at galit sa mukha nito. "I usually don't hit girls. But I guess there's always a first time for everyone." Ginantihan niya ito ng matalim at patay na tingin. The girl stepped back as her expression became soft and agitated. "Hindi ako mangingiming saktan ang kahit na sino ditong aabuso kay Juvel. Tandaan niyo 'yan." Sinipa niya ng buong lakas ang bolang nasa paanan niya at talagang nahintakutan ang mga babae at napatili.

Inabot niya ang kamay ni Juvel at muling hinila palabas. "Sandali, Reese! Teka lang!" He looked at her and he saw mixed emotions on her face—positive and negative. "Bakit mo ginawa 'yon?"

"Because I don't want you to get hurt again."

"Sa tingin mo titigilan nila 'ko kung pagbabantaan mo sila?"

Mataman niya itong tiningnan. "Listen, Juvel. Sa dinami-rami ng gulong napasukan 'ko, isa lang ang natutunan 'ko mula doon. Fear knows no enemy. It's either you get them or they get you. Natitibag lang ang isang depensa sa pag-atake. Kapag naunahan ka nila, matatalo ka."

"I already said that I don't intend to win."

"Then do you intend to lose?" Napipilan ito sa sinabi niya at naguguluhang tumunghay sa kanya. "The second I hate the most after hypocrites are the ones who don't have the guts to fight even if they have all the rights. 'Yong mga taong hinahayaan ang sarili nilang masaktan dahil naduduwag silang lumaban. O 'yong mga taong takot makapanakit kaya wala silang ginagawang aksiyon para kahit papaano'y protektahan ang sarili nila. Sa huli, ang mga klase ng taong 'yon ang madaling bumibigay. They are so frighteningly fragile that you want to protect them. At kapag nabigo kang iligtas sila, darating sa puntong hihilingin mong sana ay hindi mo na lang sila nakilala."

"Reese..." Pinangiliran ng luha ang dalagita. "Hindi ko alam ang sasabihin 'ko at ang dapat 'kong sabihin. I just don't want you to get involved as much as possible."

"Because you hate attention." Binitiwan niya ang kamay nito. "My existence is too troublesome for you. Is that it?"

"No!" agad na kontra nito. "Ayoko lang na samantalahin ka at dumepende sa'yo."

He took a long sigh while scratching his head. "So stubborn." Pabirong dinuro niya ang noo nito. Masuyo namang humaplos ang daliri niya nang dumako 'yon sa naka-band-aid nitong sentido. "Don't take anymore than this. I'm going to smoke somewhere to cool my head down." Nakapamulsang tinalikuran niya ito.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

PAKIRAMDAM ni Juvel ay iniiwasan siya ng lahat sa loob ng classroom. Kung dati ay loner siya ngayon ay halos walang kumakausap sa kanya. Ang kaibahan kung noon ay hindi siya napapansin, ngayon ay halos nasa kanya ang atensiyon. Ramdam niya ang mga pailalim na tingin at ang mga pasulyap-sulyap ng ilan. Those were the stares of hate, envy, and grudge. Pero wala ni isa man sa mga ito ang nagtangka pang kantiin siya. Epektibo ang pananakot ni Reese.

Dalawang araw na rin ang nakalilipas mula nang mangyari ang komprontasyon sa gymnasium. Tuluyan na siyang hindi pinansin at kinausap ni Arisa. Kapag nagkakasalubong ang tingin nila ay blanko ang ekspresyon nito. She thought that they should give each other some time and distance to forget and move forward. 

Hindi niya rin nahahagilap si Reese sa eskuwelahan. Juvel wanted to see that guy. At kahit na gusto niya itong tawagan ay hindi niya naman alam ang cellphone number nito. Alam niyang medyo nainis ito sa kanya dahil sa pagiging undecided niya. At naiinis din siya sa sarili dahil gano'n siya. Pero ayaw niyang humantong sa puntong kailangan niyang mamili sa pagitan ng dalawang tao. 

She had always been staying in the safe zone where she was contented and comfortable. Kaya hindi niya malaman kung bakit naroon siya at nakatayo sa harap ng isang lumang building. Sala-salabid ang kawad ng kuryente sa kantong 'yon. Sa ibaba ay naroon ang hanay ng mga karinderya, tindahan, at fruit stand. Sa katapat na daan ay may cell shop, vulcanizing shop, at hardware.

Doon sa lugar na 'yon kasalukuyang naninirahan si Reese. Isang beses ay nabanggit nito sa kanya ang street at ang number kung saan naroon ang apartment na tinutuluyan nito. Ang kaisa-isang building doon ay mayroong apat na palapag. Malaki pero di kasing-disente ng mga condo unit at hotel na nagkalat sa Maynila. Ni walang security at ang pader ay nangingitim na mukhang matagal nang hindi nakatitikim ng bagong pintura. It looked old and sketchy.

May namataan siyang babaeng lumabas sa bungad. Napakaganda at napaka-sopistikada nito sa suot na moss green na tube blouse at itim na miniskirt. May nakasampay sa balikat nitong kulay kahel na leather jacket. Deadly ang takong ng boots nito at may umuusok na sigarilyo ito sa bibig. Para itong modelo sa pagkakahalukipkip.

Alanganing lumapit siya dito. "E-excuse me po," nai-intimidate na kuha niya sa atensiyon nito. Bahagyang gumalaw ang mukha nito sa direksiyon niya. Patamad na pinasadahan siya ng tingin. Ngayong napagmasdan niya ito ng malapitan ay saka siya nakumbinsing maganda talaga ito at hindi lang dahil sa makapal na make-up. She looked way older than her though. Siguro ay mga nasa late thirties.

Ipinilig ng babae ang ulo nito at umangat ang isang kilay na waring hinihintay siyang magsalita o magtanong.

"K-kilala niyo po ba si Reese de Leon?"

"That brat? Who are you? His girlfriend?"

****

- Amethyst -

Love Me Not, Leave Me Not [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon