Part 7

710 64 4
                                    

"Bakit kasama mo si Reese?"

Hindi pa rin makapaniwala si Juvel sa ginagawang pagkompronta sa kanya ni Arisa. Nasa loob sila ng gymnasium para sa PE class. Sinabihan lang sila ng teacher na mag-practice sa mga ball game. Abala ang lahat lalung-lalo na ang mga gurong nagko-coach sa bawat dibisyon para sa pagsapit ng sport fest.

"Kanino mo 'yan nalaman?" kunot ang noong tanong niya. Arisa just pulled her in one corner of the gym. Ang akala niya ay makikipagbati na ito. Iyon pala ay muli siyang kokomprontahin ng kaibigan.

"Every one saw it! You were with him. Why?" Nababakas niya sa mga mata nito ang pang-aakusa. Di siya lubusang makapaniwala na guguho sa isang iglap ang tiwala nito sa kanya.

"Tinulungan niya 'kong magdikit ng mga poster. Masyado kang abala sa pag-iwas sa'kin kaya pati ang responsibilidad mo ay nadadamay. You're acting and sulking like an immature brat. Stop being childish for God's sake!" Juvel couldn't contain herself anymore. Tao rin naman siyang nagagalit at napapikon. At sa tingin niya ay sumosobra na si Arisa.

Inismiran siya nito. "Ito ang totoong ako, Juvel. Sa simula pa lang, hindi na 'ko nagpanggap. Ikaw ang nagbulag-bulagan. You're afraid to be alone that's why you overlooked my flaws."

Para siyang sinuntok sa dibdib sa narinig. They had been together for three years and that's the first time Arisa spilled those words. Kailanman ay hindi sila nag-away. Iyon ang kauna-unahan kung sakali. Ngunit bakit nga ba? Umiling-iling siya sapo ang noo. Tila siya timang na tumawa nang may mapagtanto. She and Arisa never got into fight because their relationship was vague. Trust? There was nothing like that at all. Masyadong mababaw ang samahan nila para sa salitang 'yon gaano man sila katagal na nagkasama.

Sadness. That was what connecting them-the bitter truth. It was frightening how a human heart could be so fragile. Kaya dumedepende ito sa iba para hindi tuluyang maging hungkag.

"Anong gusto mong gawin 'ko para bumalik tayo sa dati?" mahinang tanong niya. Nais kumawala ng kanyang mga luha pero pinigilan niya. There was no point in crying over some spilled milk. Nabuklat na ang pahina ng librong kinatatakutan nilang mabasa. Iyon ang katotohanang hindi nila kilala ang isa't-isa. Arisa didn't try to know her better and she did the same. Pag-aalangan 'yon sa parte niya dahil ayaw niya itong ma-offend. Ayaw niya itong pangunahan. Kung may mga bagay man itong hindi nasasabi sa kanya, iginalang niya 'yon. Maybe in Arisa's eyes, that was indifference.

"Stay away from Reese," malinaw na saad nito. "Kung gusto mong maging magkaibigan ulit tayo, gusto 'kong iwasan mo siya."

Walang buhay na tumawa siya. "Wala kang problema sa ibang babaeng lumalapit sa kanya pero pagdating sa'kin, ang laki ng problema mo."

Humalukipkip ang dalaga. "May aaminin ako sa'yo. Kung itatabi mo 'ko sa mga babaeng magaganda dito, I look normal. But when I'm with a plain person like you, I feel pretty, Juvel. Kaya wala akong lakas ng loob na lumayo sa'yo. You don't like to stand out. And that's the best thing about you. Wala akong nararamdamang pressure kapag kasama kita."

Mas matindi pa sa mag-asawang sampal ang mga katagang 'yon. "So I'm just a friend for convenience..."

"However there's something about you that draws people in."

"Nagpapatawa ka ba? Ikaw ang hinahabol ng Student Council at ikaw ang di hamak na mas pinapansin ng lahat sa ating dalawa."

"Only because I was blocking you. Hinaharang 'ko ang sino mang nagtatangkang lumapit sa'yo. I even lied about your personality. Imagine, sinisiraan 'ko ang kaisa-isa 'kong kaibigan para lang umangat ang imahe 'ko." Tila sarili nito ang mas kausap. Arisa's twisted face couldn't hide her pain. "I started to hate myself and I started to hate you, Juvel."

Huminga siya ng malalim at marahas na pinahid ang tumulong luha sa pisngi. "Isang tanong na lang. Bakit gusto mo si Reese?" Bakit ipagpapalit mo ang pagkakaibigan natin para sa kanya?

Muli niyang naaninag ang pagkislap ng mga mata nito. "Because he's someone that we're not. There's nothing that holding him back, Juvel. Siya 'yong klase ng taong magpaparamdam sa isang babae na sobrang espesyal siya. I always wanted someone who can make me feel secure. Sa tingin 'ko si Reese ang makapagbibigay sa'kin no'n. Siya ang maaaring bumura sa mga insecurities 'ko."

"That's pathetic," hindi niya napigilang sambitin. "Huwag mong gamitin ang ibang tao para sa pansarili mong rason. It's not liking someone, Arisa. Dumedepende ka lang sa iba. You're jumping from me to him."

"You don't know anything!" Tumaas ang tinig nito na kumuha ng atensiyon ng ilang naroon sa gym. Hinila siya nito palabas at nagpatangay naman siya dito. "Hindi mo alam kung anong pinagdadaanan ko."

Dahil hindi naging sapat ang isang gaya 'ko para sabihan mo ng mga problema mo. Mapait na ngumiti siya. Binawi niya ang braso. "Sorry for not being a good friend, Arisa. At pasensiya na rin, hindi 'ko puwedeng iwasan si Reese dahil lang sa sinabi mo. Labas 'yong tao sa problema natin."

"Tama ako! Gusto mo siya!" pagtulak nito sa balikat niya.

Pinigilan niya ang palapulsuhan nito. "Arisa! Stop being unreasonable! At kung gusto ko man siya o hindi, sa tingin ko wala ka pa ring karapatan na diktahan ako."

Marahas na pumiksi ito sa pagkakahawak niya. Naging matalim ang mga mata nito at di niya maiwasang makaramdam ng kaba. "Pagsisisihan mo 'to, Juvel. Huwag mong sabihing hindi kita binalaan." Tinalikuran siya nito at mabibilis ang mga hakbang na bumalik sa loob ng gym.

Tumakas ang pinipigilan niyang hikbi. Napasubsob siya sa mga palad. "Anong nangyari sa atin, Arisa?" Ilang minuto niyang pinalaya ang mga luha. Huminga siya ng malalim pagkatapos ihilamos ang mga kamay sa mukha. Pilit niyang pinayapa ang sarili. Pumasok siya sa gym nang mahimasmasan. Bumagal ang paghakbang niya nang mapansing nakatutok sa kanya ang mga malalamig na mata ng ilang kaklase nila. Sa kanyang pagkagimbal ay ipinagbabato ng mga ito ang hawak na mga bola sa direksiyon niya.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

DAHAN-DAHANG tumuloy si Juvel sa loob ng school clinic. Nakahinga siya ng maluwag nang masipatang walang tao sa loob. Agad na lumapit siya sa eskaparateng naglalalaman ng mga medical supplies. Napuno ng dugo ang puting t-shirt niya dahil sa dumurugong ilong. Nakita niya sa salamin na naroon ang sariling repleksiyon. May maliit na sugat siya sa bibig at gasgas sa sentido. Nagkaroon din ng lamat ang tinamaang eyeglasses niya. Ang mga braso niya ay nagsisimulang mangitim sa pasa dahil 'yon ang pinangsangga niya sa mga bola.

Kahit na di siya magtanong, alam niyang si Arisa ang nasa likod ng lahat. She was not smiling like a villain in a movie while Juvel was being treated like a target. Blanko ang ekspresyon nito habang nakatingin sa kanya. Para itong walang nakikita. O marahil ay kinumbinsi nito ang sariling walang maling nangyayari.

Umiling-iling si Juvel para palisin ang nakakabagabag na imahe. Inilagay niya ang lahat ng kailangan sa medical tray na nasa mesa-bulak, kidney basin, betadine, clamp, at band-aid. Nang biglang mahawi ang kurtina sa isa sa mga hospital bed na naroon ay napapitlag siya.

Nagtama ang mga mata nila ni Reese na kababangon mula sa kama. Agad na kumunot ang noo nito at sa isang iglap ay nasa harap na niya ang binata.

"Who did this to you?" he asked with his low serious tone while grabbing her hand.

****

- Amethyst -

Love Me Not, Leave Me Not [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon