Part 19

631 62 7
                                    

"Arisa, nandito ka ba?" pagtawag ni Juvel nang makaakyat siya ng rooftop ng school building. Tinawagan siya ng kaibigan pagkatapos ng performance nila sa closing ceremony. Makikipag-ayos na daw ito sa kanya.

Nagsisimula nang kumagat ang dilim at pamaya-maya lang ay magsisimula na ang fireworks display. Ayaw niya pa sanang umalis sa celebration ng grupo pero masyado siyang nasabik sa kaalamang handa nang makipagbati si Arisa sa kanya. Marahil ay nakatulong ang pagkanta niya sa entablado para ma-appreciate siya ng dating kaibigan. 

Maybe it left a good impression on her friend like it did on most of the students who heard her. Halos di siya makapaniwala sa mga papuring natanggap niya sa backstage. Lahat ay maganda ang feedback sa boses niya maging sa kanyang itsura.

Maging ang ilan niyang kaklaseng babae ay nagpaabot sa kanya ng pagbati at pagkamangha. Ang simpleng pagbabago sa sarili ay puwede palang baguhin ang pakikitungo ng ilang taong nakakahalubilo niya. It was an incredible discovery for a lone wolf like her. Dapat nga siguro siyang lumabas sa comfort zone niya para umabante naman ang kanyang social life.

Juvel was really glad because Reese was acting normal again. Di niya alam kung naiparating niya ba sa huling kanta niya ang nais niyang sabihin dito pero mukhang nakuha naman nito ang ibig sabihin no'n. The guy was obviously neurotic even though he got nerves of steel. Kay Karen na rin mismo nanggaling na malakas ang personalidad ng lalaki. But could a person really be that strong? 

No matter how strong someone was, they must have a weak spot of some sort. From the way she saw it, Reese was on a very fragile state. May mga bagay pa rin itong inililihim at nakahanda siyang maghintay para kusang sabihin nito ang lahat sa kanya. Hindi na siya tatakas pa kahit na gaano kalala ang malaman niya tungkol sa binata. Iyon ang napagpasyahan niya.

"Juvel!"

Nakita niya si Arisa na kumakaway at nakasalampak sa semento. Huminto siya sa paglapit dito nang mamataan niyang may kasama itong dalawang lalaking estudyante.

"C'mon Juvel!" Si Arisa na mismo ang lumapit sa kanya at hinila siya nito palapit sa nakalatag na sapin kung saan nakasalampak ang mga ito. Kumunot ang noo niya nang makita ang dalawang bote ng alak na naroon. Bukas na ang isa at nangangahalati ang laman.

"Umiinom kayo?" hindik na tanong niya. "Arisa, umiinom ka?"

Tumirik ang mga mata nito. "Oh please, hindi naman kami magpapakalasing. Nagsasaya lang ng kaunti. These guys wanted me to invite you. Napanood ka nila kanina at nagustuhan nila ang pagkanta mo. Aren't you happy? May mga fans ka na!" Itinulak siya nito sa direksiyon ng dalawa. Nang mawalan siya ng balanse ay sinapo siya ng isang lalaki.

"Let's get rid of those glasses, sweetie. Sagabal lang ang mga 'yan sa maganda mong mukha." Tinangka nitong tanggalin ang salamin niya pero itinulak niya ito palayo.

"Huwag mo 'kong hawakan!" Kinikilabutang niyakap niya ang sarili. Amoy na amoy niya ang alak dito.

Tumayo ang isa pang lalaki. "Hey, don't spoil the fun. Bigay na bigay ka kanina sa stage. Why don't you rock our nights too? Good girl ka naman, di ba? Pagbigyan mo na kami." Akmang lalapit ito pero inunahan niya na ng pag-atras.

"Arisa, patigilin mo sila!"

Arisa just laughed in her utter horror. "You're so stupid, Juvel. Kaya nga kita pinaakyat dito para ipain sa dalawang 'yan. Talaga bang naniwala kang makikipag-ayos ako sa'yo?" Muli ay sarkastiko itong tumawa. "Nagbago lang ang itsura mo pero hindi ang pagiging uto-uto mo sa loob. Ang katangahan mong 'yan mismo ang siyang sisira sa'yo." Arisa cocked her head. "Show her your tender loving care, boys."

Tumili siya nang dakmain siya ng isang lalaki sa baywang. Nalunod ang mga pagsigaw niya nang takpan ng isa pang pangahas ang bibig niya. She looked at Arisa to ask her help. But she just stared at them like she was staring at a blank space. Umabot na ito sa sukdulan para gantihan siya. 

Ang mga panahong kasa-kasama niya ito ay parang mga pahinang unti-unting kinakain ng apoy. Naging abo at balewalang tinangay ng hangin. No, they couldn't back to the way before. They could never be friends again. Arisa made clear of that as of the moment.

"Juvel!"

Nabuhayan siya ng pag-asa nang marinig ang pamilyar na boses ni Reese. Pawisan ito at humihingal mula sa itaas ng hagdan. Impit na tinawag niya ito at kitang-kita niya ang pagdidilim ng mukha ng binata.

"Let go of her right now or you will see hell," mababa ang tonong pagbabanta nito. Dere-deretso ito papunta sa kanila at nilagpasan ang natulalang si Arisa. "I said let go of her, assholes!" Paglapit nito ay hinila nito sa kuwelyo ang dalawang lalaking may tangan sa kanya. Itinulak nito ang isa at binatak ang huli saka sinapak sa mukha. Nang sugurin ito ng isang nakabawi ay tinadyakan nito iyon sa dibdib.

"Reese!" tawag niya sa binata pero parang walang itong narinig. He kicked the guy on the ground again and again. Then he pulled the other guy and gave him a headbutt. Patuloy na ginulpi nito ang dalawa kahit nakikiusap na ang mga itong huminto na si Reese. Juvel shouted his name over and over but there was no sign that he heard her.

Nang madampot nito ang bote ng alak ay binasag nito iyon sa semento. She was terrified because Reese was planning to use the shattered glass to assault the two. 

If I really get angry, I'm turning into a beast and no one can stop me. Naalala niya ang sinabing iyon ni Reese. Doon na siya hindi nakatiis. Tumakbo siya sa direksiyon ng binata at mahigpit na niyakap niya ito sa likuran.

"Tama na, Reese! Pakiusap! Tama na!" umiiyak na pigil niya dito. Huminto ito at dumulas sa kamay nito ang hawak na ulo ng bote. Sinamantala 'yon ng dalawang lalaki at nahihintakutang tumalilis ang mga ito pababa ng hagdan.

****

- Amethyst -

Love Me Not, Leave Me Not [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon