Part 13

690 65 2
                                    

Gusto nang mapamura ni Juvel sa sobrang inis. Tumakas ang dalawa nilang kasama wala pa man silang planong nabubuo. Nagpaalam si Karen na magsi-CR lang pero di na bumalik. Ganoon din si Mazon na nagpaalam na magmemeryenda. They were obviously taking the whole thing disinterestedly. Mukhang walang pakialam ang dalawa sa academic grade.

"Hey, huwag kang magpaka-toxic. May four days pa tayo Juvel," pagpapakalma sa kanya ni Reese.

"Iyon nga e. Four days na lang. Hindi man lang tayo inabisuhan bago ang aktuwal na athletic meet. Kung alam ko lang, ipagsisiksikan ko ang sarili ko sa cheering squad ng batch namin. Kahit pa ako ang ihagis-hagis sa ere." Natigilan din siya nang maisip niyang naroon si Arisa. "E ikaw, Reese? Hindi pa huli para sumama ka sa basketball team. Tiyak na tatanggapin ka ng buong-buo ng mga players sa husay mong maglaro."

"At iiwan kita ditong namomroblema, gano'n?" Tumayo ito at isinukbit ang bagpack. "I already told you that I won't turn my back on you. Now why don't we chill out a little bit and check the booths available outside."

Sumibi siya. "Makikita nilang magkasama tayo."

"E ano naman? Huwag mong masyadong pagtuunan ng pansin ang iisipin ng iba as long as alam mong wala ka namang ginagawang masama. You're not the criminal here, Juvel. Huwag mong itago ang sarili mo dahil mananatili kang loner kung hindi ka lalabas ng comfort zone mo. That teacher said that we should enjoy our school life so we have to enjoy our school life. Tutal nandito na rin lang naman tayo." Nayakag siyang tumayo ng mga salitang 'yon. Tama naman ito. Walang mangyayari sa kanya kung tatakasan niya ang problema. Pati ang saya ng festivity ay mami-miss niya.

Lumabas sila ng classroom at sandaling kinalimutan niya ang mga agam-agam at pangamba. Sinusundan man sila ng tingin ng ilang mge estudyante sa pasilyo, sinubukan niyang balewalain ang atensiyon. Ni minsan ay hindi pa siya malayang nakapag-gala sa dumaang mga intramurals. Parati siyang nasa iisang lugar kung saan walang gaanong tao. Now she was starting to appreciate the crowds and the noise. Ang akala niya ay hindi niya matatagalang kasama si Reese dahil minu-minuto yatang may babaeng bumabati dito. May ilan pang malalakas ang loob na humahalik sa pisngi ng lalaki. Sa buong kurso ay hindi niya kinakitaan ng iritasyon ang binata. Kibit balikat na nagpaunlak ito. Sarap panggigilan.

May photo booth silang dinaanan at halos kuyugin si Reese maging ng mga babaeng organizer ng booth para magpakuha ng larawan sa mga ito.

"Minsan lang naman," katuwiran nito paglabas nila. "Nagseselos ka ba?"

"Ako ba ang kausap mo?" pagmamaang-mangan niya.

"Sabi ko nga hindi e."

May isang stall silang nadaanan na nagtitinda ng ice cream crepe. Bumili ito ng isa at ibinigay sa kanya. "Ikaw?" alok niya dito.

Umiling ito. "I'm not really into sweets."

Kumapa siya sa bulsa ng kanyang palda. "Heto 'yong bayad."

"Huwag na. Ako na."

"Akala ko ba naghihirap ka?"

"Not broke enough to treat you some snacks. Pero hanggang one-hundred pesos lang."

Di niya napigilang humagikgik. "Ang cute ma kamo, Reese."

Nalukot ang ilong nito. "The word cute is for toddlers, Juvel."

"O sige, adorable na lang."

Ito naman ang ngumiti at pinisil ang ilong niya. "See? You're being yourself. Not bad, right?" Nahihiyang tumango siya habang nginunguya ang crepe. "Masarap ba?" tanong nito. Itinaas niya lang ang thumb finger bilang okay sign. Nagulat pa siya nang sumayad ang daliri nito sa gilid ng kanyang bibig na tila may kung anong pinahid. Then Reese licked his thumb like it was the most natural thing on earth. "Too sweet," anito na nakapagpa-awang ng bibig niya. Aware ba ang binata sa mga ikinikilos nito? Masyado itong intimate sa kanya gayong nanggaling na mismo sa bibig nito na hanggang magkaibigan lang sila.

Nang tingnan niya ang tindera sa stall, nakatungaga ito sa kanilang dalawa. Itinuro niya ang nasusunog na crepe sa cooking pan. Nataranta ito at doon niya hinila si Reese paalis. "Bakit ka umaakto ng gano'n?" kompronta niya dito habang naglalakad sila sa bakanteng pasilyo.

"Anong gano'n?"

"N-na parang... parang close tayo."

Reese sniggered. "For all I know, you are the closest person to me right now, Juvel. What's wrong with that?"

"Platonic pero hindi romantic. Huwag kang ma-confuse sa dalawa. Baka kung anong isipin ng iba."

"There you go again getting worried over the thoughts of others. How about you pay attention to me?"

"Masyado ka nang maraming atensiyon na nakukuha. Ayoko nang dumagdag."

"Pero concern ka sa akin."

"Lumaki na 'yang ulo mo sa isang beses na pagbisita ko sa lungga mo, no?" iiling-iling niyang saad.

"E kasi nahalikan kita sa una. Ano kaya ang mangyayari sa pangalawa?"

"Tse! Wala na! Asa ka!" Napipikong nagpatiuna na siya sa paglalakad. Bakit ba napaka-kaswal ni Reese? She got flustered easily while he remained calm and collected. Flirting was an everyday thing for him after all. Paano kung matulad siya sa ibang babaeng pinaasa nito? Paano kung sa simula lang ito magpakita ng interes at pagkatapos ay bigla itong manlamig? Iyon ba ang rason kung bakit hindi ito pumapasok sa isang opisyal at permanenteng relasyon? Dahil masyado itong detach sa mga tao sa paligid nito. Even his family seemed far away to him. Maybe there was something more to Reese behind his shallow behavior. Maybe he had his valid reason to act like that.

Marami pa silang napasyalan sa unang araw ng Intramurals. Nanood sila ng basketball game at volleyball game sa gymnasium. Tumikhim ng mga pagkain sa nakakalat na stall sa labas ng school building. Nakisigaw sa bandang nagko-concert sa stage. Pagdating sa outdoor games ay hindi na sila nakigulo. Nakuntento na lang silang mamahinga sa lilim ng isang puno sa may tagiliran ng malawak na playing field. Malayu-layo sila sa naglalaro ng soccer at malapit-lapit sa lumang swimming pool kung saan sila nagka-engkuwentro ng binata.

Akmang magsisindi ng sigarilyo si Reese nang hablutin niya dito ang stick. "Bawal manigarilyo sa loob ng school grounds. Kumain ka na lang." Ipinasa niya dito ang supot ng mga pinamili nilang pagkain. May popcorn, mani, banana chips, pastilyas, espasol, at kung anu-ano pang kutkutin.

Huminga ito ng malalim pero hindi na umalma. Pinagtiyagaan na lang nitong papakin ang binuksang supot ng mani at popcorn. "Ano? Nakapag-isip ka na ba ng gagawin natin sa closing ceremony? Nakatulong naman siguro ang pagliliwaliw natin para ma-relax ka at makapag-isip ng ideya."

"How about you dance on the stage, Reese? Makikisabay na lang kami sa'yo. Para ka lang zumba instructor."

Pinigilan niya ang pagbunghalit ng tawa nang mag-isang linya ang mga kilay nito. Naningkit ang mga mata nito sa pagkakasipat sa kanya. "You're making fun of me, aren't you?"

****

- Amethyst -

Love Me Not, Leave Me Not [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon