Part 11

755 67 2
                                    

Nagtaka si Juvel nang saglit na tumahimik si Reese nang banggitin niya ang mga magulang nito. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito.

"Hindi pabor si Dad sa pagkakarera ko," pag-amin nito. "That's why I hate him."

"Baka naman talagang nag-aalala siya para sa'yo," sapantaha niya.

"Ganyan ang gusto niyang isipin ko. Na nag-aalala siya." Pagak itong tumawa. "He was so damn annoying. He can't do anything because he's scared of me. He says I'm aggressive and brutal. He doesn't think I'm normal."

Nakaramdam ng bahagyang takot si Juvel habang pinagmamasdan niya si Reese. His handsome face was tainted with negative emotion. Ang mga mata nitong hindi kababakasan ng pag-aalinlangan ay tila nawalan ng kinang. His eyes became lifeless all of a sudden. 

"Reese, kahit na nasa edad na tayo na ayaw na nating pakialaman tayo ng mga magulang natin, karapatan pa rin nilang malaman ang kalagayan natin."

"Opinyon mo 'yan, Juvel. Huwag mong ipilit sa akin." Iniiwas nito ang mukha at hinithit ang kipit na sigarilyo. "Don't start preaching like a priest. Wala ka namang alam."

Nasaktan siya sa lamig ng tono nito. Mukhang masamang paksa ang nasaling niya. Iyon din ang sinabi sa kanya ni Arisa. Wala siyang alam tungkol dito at wala siyang alam tungkol kay Reese para magbitaw ng ganoong payo. Yumuko siya. "I'm sorry, Reese. I didn't mean to upset you."

Dinig niyang muli ang pagbuntong-hininga nito. "No, I'm sorry. Hindi ko dapat masamain ang sinasabi mo dahil alam 'kong nag-alala ka lang. I'm just being too sensitive when it comes to the people I despise. Huwag na lang nating pag-usapan ang parents ko. Walang kuwenta 'yon. Let's talk about something else."

Umangat ang mukha niya dito. "Tulad ng ano?"

"Ikaw. Tungkol sa'yo." Hindi siya nakagalaw nang matamang titigan siya ni Reese. He was looking at her like she was a book with open pages. "Come to think of it, I don't know anything about you except for being a geek."

Iningusan niya ito bigla. "At wala rin akong alam sa'yo kundi ang pagiging playboy mo."

"You know I race."

"With your feet—yes," sarkastikong panggagaya niya sa sinabi nito.

Reese chuckled. "At maniniwala ka bang ikaw pa lang ang babaeng nakatuntong sa loob ng kuwartong ito?"

She rolled her eyes. "Hindi masamang mangarap ng gising pero masama ang magsinungaling."

Lalo itong bumunghalit ng tawa. "Hindi ba kapani-paniwala?"

"Mas paniniwalaan ko pang kuwadrado ang mundo, Reese."

"Hey, that kinda hurts!" angal nito. "Marami na 'kong nai-kama pero ang kama ko dito, intact pa. Peksman!" Itinaas pa nito ang isang kamay.

"Ayokong marinig!"

Ngumisi ito ng nakakaloko. "Virgins are uncomfortable with this kind of topic."

"Anong masama sa pagiging virgin?!" napipikong tanong niya.

"Wala. Masarap lang kayong tuksuhin." Tumayo ito at lumapit sa kanya matapos ihagis ang tuwalya sa kama at iduldol ang sigarilyo sa ashtray. Tumalungko ito sa harap niya at sobrang nailang siya. Nanunuot sa ilong niya ang presko at mabangong amoy nito. Tinangka niyang iiwas ang mukha pero pinigilan siya ng isang kamay ni Reese. Sumirit ang kaba sa kanyang dibdib sa pagkakahawak nito sa kanyang baba. Sa tanang labing-anim na taon ng buhay niya, noon lang nakalapit sa kanya ng gano'n ang isang lalaki. Nakakatakot pero parang may humihila sa kanya para balingan ito. At nang ginawa niya ay naghinang ang mga mata nila ni Reese. His expression was firm and his eyes were cold. Despite that, he was still too beautiful to look at—almost blinding—like a work of art.

Love Me Not, Leave Me Not [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon