Chapter 01

122 102 0
                                    

AN: Ang nakasulat po dito ay pawang mga kathang-isip lamang.


"Do at least one nice thing for yourself every day."


Rylee's POV



"Ate gising ka na raw sabi ni Mama!" sigaw ng kapatid ko.




Nag inat muna ako saka bumangon sa higaan tsaka nagsimula ng maghanda para sa unang araw ng paghahanap ng trabaho.




Kakagraduate ko lang last month kaya kailangan makahanap agad ako ng pagtatrabahuan this month. Ang sabi naman ni Itay ay okay lang kahit matagal makahanap. Wag ko daw madaliin baka mausog.



Nagtotoothbrush ako ng may kumatok ulit sa kwarto. "Ry, bilisan mo na kakain na tayo." sigaw ni kuya. Kaya nagmadali na ako at bumaba na rin.



"Anak, ilang interview ba ang pupuntahan mo ngayong araw?" tanong ni Itay ng makaupo ako.



"tatlo po, Itay" sagot ko naman.



"Hatid na kita ngayon sa unang pupuntahan mo, at kayo rin dalawa hahatid ko na rin" sabi ni kuya na nakatingin sa amin tatlo.



Apat kami magkapatid nag-iisang lalaki si kuya at tatlo naman kami babae.



Matapos kumain ay nagmadali na akong mag-ayos tsaka naka ready na rin lahat ng mga dadalhin ko.



Pababa ko ay andon na ang dalawa kong kapatid.



"Ma, Itay alis na po kami!" paalam namin sa kanila saka kami sabay-sabay na lumabas at pumasok sa sasakyan ni kuya.



Mas matanda sa amin si kuya ng apat na taon at nagtatrabaho na rin siya bilang lawyer sa isang sikat na law firm dito sa lugar namin.



Habang nasa byahe ay nagkwentuhan lang yung dalawa sa likod at kinausap lang rin ako ni kuya.



Sina Mikayla at Michelle ang unang naihatid ni Kuya dahil medyo di naman kalayuan ang school na pinapasukan nila. Sa isang private school sila ipinasok ni Mama para mas madali raw makakuha ng trabaho.



Pinilit ko kasi si Itay dati na sa public school ako at nag apply ng scholarship kaya medyo hirap ako sa paghahanap ng work ngayon dahil mas prefered ng mga company ngayon yung nakapag-aral sa isang sikat na school.



"Ry... ito oh...pinabibigay ni Itay" sabay abot ng pera sa akin ni Kuya.



Kinuha ko na rin dahil wala paubos na rin ang naipon kong allowance dati.



"Fighting!" sigaw ni kuya bago siya umalis.



I can do it!



Ang unang company na Interview ko ay isang Fashion company. I graduated sa course na BS in Fashion and Apparel Designing. Hindi nga lang kami nakasali sa mga matatanyag na event dahil hindi rin kaya ng school na magbigay ng representative don dahil kulang sa budget.



Kaya yung laman ng resume ko lang ay nung Internship namin sa isang Fashion company at di rin pinalad na makuha kasi marami rin mga nag-aral talaga sa mga private school na don rin nag Internship.



Habang naghihintay na matawag sa loob para sa interview ay nireview ko muna ang mga pinag-aralan ko kagabi.



"Job Interview number 15-20 please proceed inside" tawag ng HR secretary.



Since ako yung number 20 ay pumasok na rin ako.



Nasa harap na kami ng mga mag-iinterview sa'min kaya mas lumala pa yung kaba ko.



"Okay, let's start with Mr. Juluis... hmm you came from a good school huh..." sabi nung matanda isa sa mga interviewer. Bali tatlo sila naupo don, nasa gitna yung isang babae na sikat na Fashion Icon si Ms. Christine at sa right side niya naman ay yung beki na lagi niya ring kasama si Randy Luz at yung matanda na di ko kilala.



Kasi ang alam ko dapat yung CEO ang nandito at base rin sa na research ko kagabi ay dapat yung tatay ni Ms. Christine yung andito.



Nakatingin lang naman sa amin si Ms. Christine at yung Randy habang yung matanda ay nakatingin sa resume namin.



Nang mapunta ang pansin sa'kin ni Randy ay mabusisi niya akong tinignan at kinausap si Ms. Christine.



Matapos nun ay nagsimula ng magtanong yung matanda.



Mas lumala pa yung kaba ko nung katabi ko na ang tinatanong.



"Why did you choose to pursue a career as a fashion designer?" tanong nung matanda.



Ngumiti naman yung katabi ko at sumagot. "Growing up, I read a lot of fashion magazines and often raided my sister's closet to create different outfits. In high school, I started making clothes that I eventually wore myself. At this point, I knew I wanted to make a career. While I enjoyed other hobbies at that age, nothing piqued my interest as much as fashion design, nor did anything else let me explore my creativity to the same extent."



Ngumiti na tumungo ang matanda at may isinulat sa papel. Nang ako na yung tatanungin ay biglang nagsalita si Ms. Christine.



"As I can see, You are the only one who hasn't worn formal attire. What's your reason?" tanong niya.



Napansin niya rin pala, kanina rin kasi nung pagkapasok ko palang ay nagtinginan na sa'kin yung mga kasabay ko sa interview dahil sa outfit na sout ko.



Nakasout ako ng 3/4 length dolman sleeve na leather at wide leg pants.



"Actually, as a Fashion Designer, I prefer to wear my design when having interviews. That's why I decided to wear this."



Ngumiti lang siya at tumungo.



"Did you design that one?" tanong naman ni Sir Randy at nakaturo sa earrings na sout ko.



"Ahhh... Yes, this was one of my graduation designs."



Nakahinga rin ako ng makalabas kami. Umupo lang ako saglit at napansin na nakatingin sa'kin yung mga kasama ko sa loob.



Di ko nalang sila pinansin at umalis na para sa isa pang interview.



At dahil malapit rin lang yung company sa pangalawang interview ay nilakad ko nalang.



Ganon rin ulit naghintay na matawag tsaka interview at natapos rin agad.



Inabot na ng 11 o'clock ng matapos ako sa pangatlong interview kaya nagdecide na muna akong kumain sa isang restaurant sa mall. At nagtext rin sa'kin mga kaibigan ko rin sa industry ng Fashion.



"Leslie!" sigaw ko ng makita sila na papasok sa loob ng restaurant.



"Ry, kumusta interview?" tanong niya kaagad bago umupo. Kasabay niya dumating si Zandro na naka tuxedo pa galing ata ng office.



Si Zandro ay anak ng isa rin sa sikat na Fashion company dito. Niyaya niya nga kami na don nalang mag work sa kanya pero I declined kasi pangarap ko talaga don mag work sa company ni Ms. Christine.



While si Leslie naman ay nag-iisang anak ng business owner ng motors.



Di ko nga alam ba't trip ng mga magulang nila na sa public sila mag-aral. Alam ko naman bakit don pinag-aral si Zandro kasi punishment niya raw kaya don siya pinag-aral. While si Leslie naman ay third year na siya nag transfer sa school at napagtripan niya lang raw kasi ayaw niya ng magstay don sa school niya.



Nagkwentuhan lang kami saglit dahil papasok na rin sila ulit. Si Leslie lang yung nagwork don sa company ni Zandro kaya sabay silang dalawa rito.



Nang makaalis sila tsaka naman tumawag si kuya na sabay na akong umuwi sa kanya kaya nagdecide ako na mag stay na muna dito sa mall.



Pagpatak ng 3 o'clock ay nasa parking na raw siya kaya nagpunta agad ako ron.



Habang nasa byahe ay tinanong niya lang ako kung kumusta ang interview ko at nagkwento rin lang ako.



Nakarating kami sa bahay at nadatnan si Mama na nagdidilig ng mga tanim niya sa maliit na garden sa harap ng bahay.



Humalik lang ako kay Mama tsaka pumasok at umakyat sa kwarto ko para magbihis. Tuka ko kasi tuwing uuwi ng bahay na maghanda ng pagkain namin tuwing gabi.



Kinagabihan ay nag half bath lang ako at matutulog na rin.



"Mommy..." Iyak ng bata.



Umiiyak na nagising ako nung umaga. Bumalik na naman ulit yung panaginip. Yung batang umiiyak at hinahanap ang mga magulang niya.



Pinalis ko ang luha ko ng may tumawag sa cellphone ko.



It was a unknown number kaya sinagot ko rin baka isa don sa interview ko kahapon.



"Hello?"



"Hi, This is from K&K Apparel Corporation. We want to inform you that you got in for a position as Fashion Designer Assistant. Are you available to start today?"



I was in shock na nawala sa isip ko sumagot agad.



"Yes, po!"



Nagmadali naman ako sa pag aayos at ng makababa ako ay andon pa si Itay sa sala nanonood ng TV. "Tay, alis na po ako!" paalam ko dahil nagmamadali na ako.



Exactly 10:30 nakarating ako sa company at nag ask sa information bago nila ako pinapasok.



Pagkapasok naman sa office ng HR ay andun yung iba pa atang nakapasok na makakasama ko.



Sinabi lang ng HR secretary na sumunod kami sa kanya. Pumasok sa loob ng isang office at isa-isa na kami nagpakilala.



"Hi, I'm Sandra Mae De Guzman. I came from Paris, and Sir Randy recommended me to work here," kaya pala di siya pamilyar kasi wala siya nung interview.



"And you are?"



"I'm honored to be here. I am Rylee Sanchez, and excited to work with you all!"



I hope this will be the start to reaching my dream of becoming a Fashion Icon like Ms. Christine.


--

XOXO.

OLS #1: COLD-BLOODED CEO (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon