Chapter 02

101 98 0
                                    

AN: Lahat ng ito ay kathang-isip lamang. Pwede mag comment if may napansin na mali sa comment section. Thank you!


"Life isn't about waiting for the storm to pass; it's about learning how to dance in the rain"


Rylee's POV


Iniwan kami don ng secretary ng HR sa isang team na si Ms. Janna. Pinakilala niya rin kami sa iba pang ka team na andon. 


"Ms. Sandra, this will be your table here, and for Ms. Rylee sa kabila naman ang table mo. You can settle for now since hindi pa dumating sina Ms. Christine." sabi niya samin tapos ay iniwan na rin niya kami.


Nung dumating naman sina Ms. Christine at Sir Randy ay nagtawag sila ng meeting sa lahat. Tinawag rin kami ni Janna na sumabay raw kami sa kanila.


"Oh, andito na pala ang bagong ka team natin! Welcome sa inyong dalawa!" salubong na sabi ni Sir Randy sa amin. Ngumiti na pumasok naman kaming dalawa at nagpakilala ulit sa harapan nilang lahat.


Pumasok si Ms. Christine with her sophisticated outfit na off-shoulder patchwork summer short dress na kulay white at my nakapatong na coat na kulay brown.


Nagsimula ang meeting nila about sa fashion show na gagawin this year. 


"I want the two of you to be part of this show, so be ready." nakaturo na saad ni Ms. Christine.


Tumungo kami saka naman tinapos ang meeting. Sumama kami kay Janna sa designer's lounges para makita ang mga kailangan gawin.


Dapat by next week ay meron na kaming naisip na design for next month fashion show. Excited naman kaming dalawa ni Sandra kaya nagdecide kami dalawa na magtulongan sa pag iisip ng design.


"Share na muna kayong dalawa rito sa isang room since under renovation pa yung isang room sa kabila, meron na ring mga gamit rito na pwede niyo gamitin sa pag gawa ng mga designs niyo." pahayag ni Janna habang inilibot kami sa loob ng isang room ng designer lounge.


"Kapag may kailangan pa kayo wag kayo mahiya magtanong. Tawag lang kayo sa phone jan ha?" 


"Yes, Janna? right or we should call you Ms. Janna?" tanong ni Sandra.


"You can call me Janna nalang since malapit rin lang yung edad natin." nakangiti na sagot niya naman. 


Lumabas na rin siya matapos nun.


Umupo kami sa isang couch ron at nagsimula ng mag-isip ng design at meron ding isang laptop dito at sabi naman nila ng magtanong kami ay pwede raw naming magamit ito.


Ang fashion show ay competition ng dalawang group ni Ms. Christine at Ms. Jasmine para sa pipiliing ilalagay sa fashion magazine ng company at magiging for the month's collection.

OLS #1: COLD-BLOODED CEO (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon