Chapter 07

6 2 0
                                    

"Confront issues right away."

RYLEE's POV

I didn't hear his respond kaya akala ko ay ibinaba niya na ang tawag ng marinig ko ulit ang sinabi niya ay nabigla rin ako.

"A...Alam mo na?" sabi niya sa nauutal na boses na parang di rin siya makapaniwala na alam ko na ang totoo.

"Can I talk to you personally? sasama rin si Itay...so we can explain to you clearly..."

I decided na mag-usap na nga lang kami personally para i-explain sa'kin kung bakit hindi nila sinabi sa'kin ang totoo.

After work ay dumiretso agad ako sa coffee shop na malapit lang sa company dahil don ang napag-pasyahan namin na pagkita ni Kuya.

I was waiting for them to arrive since maaga akong nakalabas ng office.

After a minute of waiting at pumasok si Kuya sa loob ng coffee shop kasama si Itay na akay-akay niya para alalayan. Lumapit naman agad ako ng makita ang kalagayan niya at tinulungan siya papunta don sa pwesto kung saan ako umupo kanina.

Nang makaupo ay hinawakan agad ni Itay ang kamay ko. "Anak, sorry, kung hindi ko nasabi sayo ang totoo.." nag-aalalang sabi niya.

Hinawakan ko rin sa kamay si Itay at di na napigilan ang pag-iyak. "tay, sorry din po..." daing ko at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya.

"Dapat noon palang ay sinabi na namin sayo ang totoo...pero Tatay insists na wag na muna...hanggang sa nakalimutan narin namin at tinuring ka na rin namin na tunay na pamilya..." sabi ni Kuya na nasa tabi ni Itay.

Pinahid ko ng kamay ang luha na lumabas sa aking mata at tumingin kay Kuya. "Gusto ko lang malaman kung ano ba talaga ang totoo at pano niyo po ako kinupkop..."

"Oo, anak...karapatan mo naman na malaman ang totoo...ikukwento ko sayo lahat..." sagot naman ni Itay.

"Nasa probinsiya kami ng Nanay mo noon..."

FLASHBACK

FREDDIE's POV

Andito kami ngayon ng pamilya ko sa probinsya ng asawa ko. Kasama ko sa may sakahan ang aking anak na si Ryan na mag five years old pa lamang. 

"Anak, mauna kana muna umuwi at may pupuntahan muna ako..." sabi ko sa limang taong gulang kong anak.

"Sige po 'tay..." sagot niya.

Papunta ng labasan sa sakahan ay may narinig akong umiiyak at hinanap ko yun at nakita ang isang munting bata na nakabalot at nakalagay sa tagong lugar. Nilapitan ko agad at kinuha, tinignan ko naman ang paligid at hinanap kong may tao ba at baka inilagay lang saglit rito. 

Kawawa naman itong bata at mukhang iniwan yata rito ng kung sino. Kaya naman napagpasyahan ko na dalhin na muna siya at ipag-alam sa oturidad.

"Ano yang dala mo?" lapit sa'kin ng asawa ko ng makita akong papasok ng bahay.

"Nako! ikaw freddie ha! anak mo yan?" galit na sabi niya. Kinalma ko naman agad siya at ikinuwento ang nangyari.

"Kawawa naman pala itong bata na ito..." sabi niya at hawak na ngayon sa kamay niya ang bata.

"Pupunta ako mamaya sa pulisya at irereport ito baka nag-aalala na ang mga magulang niya" sabi ko sa kanya na ngayon ay nilalaro na yung bata.

OLS #1: COLD-BLOODED CEO (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon