AN: This chapter consists of scenes na kathang-isip lamang.
"When someone betrays you, It is a reflection of their character, not yours."
RYLEE's POV
I caught him looking at my direction kaya naman iniba ko agad ang tingin ko. Before siya lumabas ay nakita ko pa siyang mag smirk while looking at my direction.
I'm so dead right now, gusto ko nalang magpalamon sa lupa.
After lumabas ng CEO kasama ni Ms. Christine ay pumasok naman sa loob si Ms. Jasmine kasama ang isang pamilyar na babae. Siya yata yung nakasabay ko ng interview.
"And we have a latecomer from my team...Introduce yourself please..." sabi ni Ms. Jasmine lead ng team two at nagpakilala sa amin.
"Hi, I'm Chantal; as you can see, I was late to work here because my family had a vacation out of town, that's why...and...I hope to work with you all!"
Matapos ng pagpapakilala ay pinabalik rin agad kami sa mga trabaho namin. We are working double time since malapit na talaga yung event.
Days passed, and today is the day for the event. Maaga palang ay narito na kami sa venue ng event para mamaya at nag set up sa lugar at ni ready lahat ng kailangan para sa show mamaya.
"Hey, everyone! Listen up; this is the day! And I just wanted to say Good luck and let's do our best for this event...because as you know, right? The winner of this show will be the following collection for the next month's magazine...So, Janna? Is our model already?" mahabang lintanya ni Sir Randy.
Busy ang lahat sa pag-aayos sa mga susuotin ng mga model para mamaya. Ang event ay magsisimula ng 3'oclock ng hapon at nasa mga hotel na rin ang mga dadalong international deisgner's at ang mga judge sa event kasama narin dun ang CEO.
Simula ng mangyari yung pagkikita namin kahapon ni Mr. CEO ay di na rin ulit kami nagtagpo. Sana nga, dahil nakakahiya talaga yung unang pagkikita naming dalawa.
Nagpadeliver rin lang ng pagkain si Ms. Christine sa buong team kasama ang team nila Ms. Jasmine. At one o'clock ay unti-unti ng nag datingan ang mga manunuod at ang judges naman ay nasa isang guest room.
Two o'clock ng nakaready na para sa pagsuot ang mga model ng mga damit na isusuot nila when my phone rang, It was kuya who called. So I asked Sandra if pwede siya na muna ang bahala sa mga model ko at sasagutin ko muna ang tawag niya.
"Kuya? napatawag ka?" tanong ko ng makapunta sa hindi maingay na lugar.
"Ahh... saan ka ngayon?" tanong niya sa hinihingal na boses.
"Andito sa event namin sa company, kuya...why?" sagot ko.
"No...nothing, do your work; I think you're busy now. I'll talk to you later. okay?"
BINABASA MO ANG
OLS #1: COLD-BLOODED CEO (ON-GOING)
Teen FictionA man who suffered from his past when his parents died in an accident. A woman that wanted to be honored by the people around her but eventually discovered she was never a part of them. But when destiny played and they met in an unexpected scenario...