Episode 2

224 5 0
                                    

"Ako at ang mga kasama ko dito ay mga Alay para kay Vicini, mga kaluluwa kapalit ng kanilang mga pag-nanais", sabi ni Diane.

"Alay? ang ibig mong sabihin kayo ay..".

"Oo kaming lahat dito ay Patay na, mga Kaluluwa kami na nakakulong sa Dimensyon na ito para maging pagkain sana ni Vicini".

Napatingin ako sa lahat ng Tao sa kweba at nakaramdam ako ng matinding lungkot at awa para sa kanila.

Hindi ko masikmura ang mga Tao na kayang pumatay ng mga Bata dahil lang sa pansariling ambisyon si Medi at ang Kulto na kinabibilangan nya, mga demonyong maituturing.

Sa kalagitnaan ng aking pag-iisip ay bigla na lamang nag-kwento si Nathan...

"Bago ako patayin ay nasa isip ko na ang kalayaan, na sa wakas ay makakatakas nako sa impyernong kinagagalawan ko, pero matapos ko mamatay ay napunta ako sa mundong ito, may mga kasabay din ako na mga Kabataan na napunta dito, mga Alay din na katulad ko, nung una ay akala namin ay ito na ang kabilang buhay hanggang sa bigla na lamang inatake ng mga Cerberus ang mga kasamahan ko, kahit hindi namin alam kung saan papunta, tumakbo padin kami, takbo lang Nathan takbo, yan ang sabi ko sa sarili ko , hanggang sa hindi ko na namalayan na ako nalang pala mag-isa ang tumatakbo, wala na ang mga kasamahan ko, mabuti na lamang ay nakita ako ni Arthur at ang mga kasama nya", kwento ni Nathan.

"Si Arthur at Brando, sila ang mga kauna-unahang napunta sa Dimensyon na ito, maging ako at si Diane tinulungan nilang makatakas sa mga Serberus", sabi ni Alex.

"Ikaw Francine kung hindi ka isang Alay? paano ka napadpad dito?', tanong ni Diane.

"Uhmm mahabang kwento eh, pero dahil sa isang Ritwal kaya ako naririto, mangyare lamang na yung isa sa mga kulto ay gusto makuha ang katawan ko upang maging Bata siyang muli kaya naman ginawa nya ang Ritwal ng pagsasalin, ang Ritwal kung saay magkakapalit kami ng katawan".

"So nagtagumpay ba sya?".

"Nung una ay hinde pero muli siyang nagbalik makalipas ng ilang taon gamit ang katawan ng isang manika, pero this time tinangka nya naman kunin ang aking nakababatang Kapatid na si Freya".

"Tapos anong nangyare?".

(Kinuwento ko sa kanila ang lahat-lahat ng nangyare..)"Ayun bigla nalang ako napunta dito", sabi ko at bigla na lamang sumulpot si Arthur.

"Kung hindi ka Inalay papunta dito, malaki ang posibilidad na ikaw ay buhay pa at may pag-asa pang makabalik sa Tunay na mundo", sabi ni Arthur.

"Posible ba yun?", Sabi ni Alex.

Lumapit sa akin si Diane at hinawakan ang aking mga kamay at sinabing "Ikaw ang pag-asa namin Francine, ikaw ang makakatulong samin".






Ghost Club: Chapter 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon