Sumapit na ang araw ng Linggo at gaya ng inaasahan ng lahat , nagtipon-tipon ang buong Baranggay sa Bahay ng mga Sales.
Napakalaki ng kanilang bahay na may dalawang palapag, ngunit sa kanilang hardin lamang ginanap ang handaan at tangging mga katiwala at katulong lang nila ang pwedeng maglabas-masok sa loob, pero kahit ganun napakalawak ng kanilang hardin na kasyang-kasya ang lahat ng tao sa Baranggay.
Sa Hardin ay may nakalatag na apat na mahabang lamesa na may ibat-ibang putahe ng pag-kain, kada may kaldero na mauubos meron naman agad ipapalit ang mga katiwala.
Napaka dami din nilang ni-setup na dining table at mga upuan, yung parang hindi na Fiesta ang itsura, parang isang Grand Ball na ang dating, kaya nga yung iba naming mga Kapit-bahay ay nahiyang magsuot ng pambahay, kaya naman sinuot nila ang pinaka desenteng damit na maisusuot nila.
Kumuha din ang mag-asawa ng Banda at mga host para magbigay aliw sa mga tao.
Halos lahat ay napaka eng-grande ngunit ang labis na pinag-tataka ko lang ay halos lahat ng katiwala ay nakaitim at may maskara na puti, maging ang banda at ang host ay ganun din. Siguro ay ayaw lang nila ipakita ang kanilang mga mukha.
Lahat ay may kanya-kanyang lamesa ngunit ako at ang aking Pamilya ay nakaupo kasama ang mag asawang Frederick at Vilma Sales kasama ang kanilang nag-iisang Anak.
"Ka-Rogelio salamat sa pag-dalo", sabi ni Frederick.
"Sino ba naman ang tatanggi sa ganitong ka-enggrandeng handaan, masaya ako para sa mga taga dito, dahil ngayon lang sila nakaranas nang ganitong ka-enggrandeng handaan, at ang mga pag-kain ay talaga namang dekalidad at napakasarap, at ang pinaka-nagustuhan ko ay ang alak na White Label , ngayon lang makakatikim ang mga taga dito nang ganito kamahal na alak nasanay kasi sila sa Tuba hahaha".
" Haha palabiro ka din pala ka-Rogelio, sya nga pala eto ang aming Uniko Iho na si Ezekiel".
"Magandang Hapon po sa inyo", sabi ni Ezekiel na nakasuot din ng maskarang puti.
"Magandang hapon din naman sayo Iho kahit nakamaskara ka, alam kong napakagwapo mo", sabi ni Rogelio.
"Maraming salamat po sa inyong papuri".
"Matanong ko lang po bakit po nakamaskara silang lahat, eto ba ang tema ng inyong handaan", sabi ni Regor.
"Ay wala lang yan, gusto ko lang maramdaman ng mga Tao na sa kanila ang araw na ito, upang hindi sila mahiya", sabi ni Frederick.
"Haha oo nga naman, hindi ka manghihiyang mag-papabalik balik sa pagkuha ng pag-kain kung hindi mo kilala ang nagbibigay sayo haha", sabi ni Rogelio.
Nagpatuloy ang kasiyahan ng lahat hanggang mag-gabi.
"Pa ang sakit ng tyan ko, naeebak ata ako", sabi ni Kuya Regor.
" Naku umuwi ka muna sa bahay anak, nakakahiya naman kung sa banyo pa nila ikaw magbawas", sabi ni Mama.
"Ok lang yun ka-Dayanara, pwede nyang gamitin ang guest rest room sa aming bahay, ikaw samahan mo siya", sabi ni Vilma at tinuro ang isa sa mga Katiwala upang samahan kami.
" Sasama din po ako, kanina pa ako naiihi", sabi ko.
Sinamahan kami ng katiwala papasok sa bahay.
Ngunit pagpasok ko ay nag-iba ang aking pakiramdam, sobrang napakalakas ng negativity sa loob ng bahay,, at parang bigla akong nahilo.
"Okay ka lang?", sabi ni Kuya.
" ok lang naman".
"San po ba yung CR?".
"Diretsohin nyo lang diyan, tapos kumanan kayo may makikita kayong pinto", sabi ng Katiwala.
Naglakad kami sa sinasabi ng katiwala pero habang naglalakad kami ay tinitignan namin ang buong palagid, ang unang palapag ay may mga dim na ilaw na parang maihahalintulad mo sa lungkot at ang pangalawang palapag naman ay nababalot ng dilim.
"Naiihi ka na ba?, sige na mauna ka na", sabi ni Kuya.
"Eh di ba sabi mo masakit ang tyan mo?".
" Hinde ok nako, nawala na yung sakit ng tyan ko, sige na pumasok ka na hihintayin kita dito".
Matapos kong gumamit ng CR ay laking gulat ko na wala na si Kuya sa labas.
"Kuya?", sabi ko habang dahan-dahang naglalakad papuntang Living-Room.
Sa Living Room ay may pulang mga sofa, lamesa at mga lumang Cabinet sa bawat sulok ng bahay, meron din mga kakaibang painting at rebulto na nakadisplay.
Habang hinahanap si Kuya ay nabaling ang tingin ko sa isa sa mga painting, isang painting ng buwan at may tatlong kamay na nakataas , ang unang kamay ay may hawak na puso, ang pangalawa naman ay may hawak na utak, at ang huling kamay naman ay may hawak na Kalis na may lamang dugo.
Habang nakatitig ako sa painting ay may bigla na lamang tumakip na kamay sa aking bibig.
To Be Continued...
BINABASA MO ANG
Ghost Club: Chapter 4
TerrorKasalukuyang na trap si Francine sa ibang Dimensyon, matulungan kaya siya ng ating mga bida?.