Episode 3

295 9 11
                                    

(Kaira POV)

"May tatlong paraan para makapasok sa isang dimensyon, una kung ang gumawa mismo ng dimensyon ang magpapasok sayo dun, pangalawa kung kaluluwa ka nalang pwede ka mag-labas-masok sa portal pero yun ay kung patay kana, at pangatlo maghahanap tayo ng tao na may kakayahan pumasok at makatawid sa mga bukas na  portal at dimensyon", sabi ko.

"Doon nalang tayo sa pangatlo, may kilala ka ba?", sabi ni Lad.

"Oo meron at tiyak ako na matutulungan nya na makalabas si Francine sa Dimensyon ni Vicini".

"Tawagan mo na agad siya, ano ba ang pangalan niya?".

"Siya si Pamela, isa siyang mahusay na Agent partner sya ng Kuya ko, sige tatawagan ko na siya", sabi ko at tinawagan ko si Pamela at nangako naman sila na makakarating agad dito bukas ng umaga.

Pinauwi ko muna sa boarding house sila Mia at Vhon upang samahan at bantayan si Freya at para makapahinga din sila, habang ako naman at si Lad ay nagprisintang bantayan si Francine at ang Portal buong magdamag.

Umuwi nadin yung mga Pulis at si Miguel na nag-iwan ng pagkain namin sa magdamag.

Nanghiram din kami ng mga bedsheet kay Miguel para naman may mahigaan ang walang malay na si Francine, habang kami ni Lad ay nakaupo at nakasandal sa pader.

"Sa tingin mo ayos lang kaya si Francine ngayon Kaira?", Sabi ni Lad.

"Nag-aalala ako para sa kanya, sana ay okay lang siya".

"Siguradong magiging ok lang sya matapang din kaya yun, parang amasona tulad mo".

"Ako Amosona?".

"Joke lang, pero totoo alam kong okay lang si Francine , miski si Medi or Vicini pa yan, lalaban at lalaban si Francine dyan".

"Tama ka", sabi ko sabay hikab at bigla na lamang ako nakatulog sa braso ni Lad.

Kinaumagahan...

"Ehem, ehem gising po", sabi ng boses.

Minulat ko ang aking mga mata at nakita ko si Kuya Kairo.

"Kuya ikaw ba talaga yan", sabi ko.

"Oo ako toh sino yang kayakap mo?".

"Anong kayakap?", Sabi ko napatingin ako sa katabi ko at yakap-yakap ko nga ang natutulog na si Lad. Agad akong tumayo at sinabing..

"Nagkakamali ka ng iniisip  Kuya!".

"Eto na pala yung kababalaghan na sinasabi mo ha", sabi ni Kuya at nagising nadin si Lad.

"Sila na ba yung sinasabi mo Kaira", sabi ni Lad habang nagkukusot ng mata.

"Oo kami nga yon, so kamusta naman pakiramdam mayakap ng Kapatid ko", sabi ni Kairo.

"Yakap? Anong yakap?" , At napatingin sa akin si Lad at sinabing "Hala akala ko panaginip lang yun, ang ibig sabihin totoo pala na nakayakap ka sa akin, at yung malambot na nararamdaman ko sa dibdib ko ay", bago pa man tapusin ni Lad ang sinasabi nya ay binato ko siya ng Tsinelas sa Muka.

"Mali ang iniisip mo Kuya, nagkukwentuhan lang kame, tapos nakatulog sa sobrang pagod yun lang".

"Weh?", Sabi ni Kuya at bigla na lamang siyang binatukan ni Pamela.

"Huwag mo na nga lokohin ang mga Bata, kamusta na Kaira?", Sabi ni Pamela.

"Ate Pamela!", sabi ko at niyakap ko siya "Mabuti at nakapunta agad kayo".

"Ikaw pa, malakas ka sa amin ng Kuya mo eh, so ano na ang sitwasyon dito", sabi ni Pamela.

Sinabi ko sa kanila ang lahat simula nung una hanggang sa kagabi.

"Hmmm tama pala talaga ang hinala ko, nagbalik na talaga ang Kulto ni Vicini, mabuti na lamang talaga kami ang tinawagan mo", sabi ni Kuya.

"Kayo lang naman talaga ang tatawagin ko wala namang iba eh", sabi ko.

"Ang ibig sabihin ng Kuya mo, hindi ito pwede malaman ng iba, dahil sa tingin namin ay may taksil sa Ahensya", sabi ni Pamela.

"Matagal ko ng itinutulak ang pag-iimbestiga  patungkol sa Kulto na ito, ngunit parang may humaharang at humahadlang para matupad yun", sabi ni Kuya.

"Balik tayo sa pagligtas sa Kaibigan mo,mga ilang oras na bago siya napunta sa Dimensyon ni Vicini?", sabi ni Pamela.

"Uhmm mga Pitong oras nadin Ate Pam, sa tingin mo ok pa kaya siya".

"Oo naman, as long as nakalink sya sa itim na kapangyarihan, Ano simulan ko na ba?.

"Sige Pamela, mag-iingat ka", sabi ni Kuya Kairo.

Ngumiti si Pamela at umupo, pinikit nya ang kanyang mga mata at nagconcentrate.

"Anong ginagawa nya?" , Sabi ni Lad.

"Shssh wag ka maingay, sinusubukan nya ng mag-Astral Project.

Ilang sandali lang ang lumipas ay hiniga na ni Kuya Kairo si Pamela sa Bedsheet.

"Goodluck Pamela", sabi ni Kuya.


To be continued....

Ghost Club: Chapter 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon