Episode 4

133 2 0
                                    

Year 1990's
Diane POV:

Nakatira kami sa isang Lugar na kung tawagin ay Purok Paraiso, isang Lib-Lib na Baranggay sa Bayan ng Sampaloc, Lalawigan ng Quezon Province.

Bagamat malayo sa Sibilisasyon masayang namumuhay ang mga tao sa lugar na ito, lalong-lalo na tuwing sasapit ang Pista, tulong-tulong ang lahat sa pag-luluto at pag-aayos ng dekorasyon, at bakod na gawa sa palapa para sa entablado.

Hindi talaga kami taga-dito kakalipat lang ng aming Pamilya dito limang taon na ang nakararaan, dahil dito pinili tumira ng aking Ama na nag-ngangalang Regelio Honrubia , para maipamahagi ang salita ng Diyos, sya na ngayon ang Pastor sa ipinagawa nyang maliit na Chapel sa Gitna ng Baranggay.

Pinupuri namin at ng mga taga dito ang Diyos tuwing Byernes, katulong ng aking Ama ang Kuya kong  si Regor Honrubia at ang aking Ina na si Dayanara Honrubia sa pamamahagi ng salita ng Dyos.

Sa Chapel...

"Ganyan kabait ang ating Dyos, maliit na butil lamang na kasing Liit ng buto ng Alatiris ang kanyang hinihinging pananampalataya mula sa atin, Hindi kasing laki ng buto ng Mangga oh maging buto ng Santol, buto lamang nang alatiris ay sapat na sa kanya, sa tingin nyo ang mga pananampalataya nyo ba ay kasing liit lamang nang isang butil ng buto ng alatiris?", sabi ni Rogelio.

"Hinde!", sigaw ng mga Tao sa loob ng Chapel.

"Inuulit ko!, ang pananampalataya nyo ba ay kasing liit ng butil ng buto ng alatiris!.

" Hinde!".

"Mga kapatid papayag ba kayo na butil lamang ng buto ng alatiris ang matatanggap ng ating Panginoon?".

"Hinde!".

"Kung gayoy magsitayo kayong lahat itaas ang inyong kamay at iparamdam nyo sa kanya kung gaano nyo sya kamahal".

Tumayo ang lahat at itinaas ang kanilang kanang kamay nakapikit habang nakikinig sa aking Ama.

"Panginoon kaya kami nagtitipon tuwing araw ng Byernes upang iparamdam sa inyo na hindi lamang butil ng buto ng alatiris ang kaya naming ibigay, handa kaming ibigay kahit buto man ng Santol or Mangga at kung ppwede ang buto ng pinakamalaking prutas sa mundo, panginoon hindi masusukat ng alinmang buto ang pananampalataya ko at ng aking mga Kapatid na lubos na nananalig at nagmamahal sa inyo, mga kapatid palakpakan natin ang Panginoon".

At nagpalakpakan ang lahat.

" Maraming salamat sa inyong lahat mga Kapatid sa pagdalo sa pagtitipon na ito, at pasalamatan din natin ang mga bago nating Kapatid sa pananampalataya na kakalipat lamang sa ating Baranggay, ang mag-asawang sina Doctor Frederick at Vilma Sales, halikayo may nais ba kayong sabihin", sabi ni Rogelio.

Pumunta sa harap ang mag-asawa.

"Unang-una hindi kami nagkamali ng pagpili ng bagong titirahan, bukod sa napakatahimik at mapayapa ang Lugar,napakababait pa ng mga Tao dito, at ang lubos na kinatutuwa ko, halos lahat ay tulad ko na mahal na mahal ang atin Panginoon", sabi ni Frederick at nagpalakpakang muli ang mga Tao.

"Sila ba yung bagong may-ari ng malaking Bahay doon sa tabi ng kalsada?", sabi ni Marites.

"Oo Mare, sobrang yaman nyan, hindi na nakapagtataka, parehas silang Doktor mag-asawa", sabi ni Aling Gina.

"Kaya para sa mga bago naming Kapitbahay, sa darating na Pista sagot nanaming mag-asawa ang handaan sa Linggo! , lahat kayo imbitado  bukas ang aming tahanan para sa inyong lahat!, sigaw ni Frederick at muling nagpalakpakan ang mga Tao.

Matapos nang pagtitipon ay nagsi-uwian na ang mga Tao at tinulungan kong maglinis si Kuya Regor sa Chapel.

"Grabe Kuya ang galante pala ng bagong lipat na mag-asawa no, biruin mo sagot na nila lahat ng handa sa darating na Pista", sabi ko.

"Kaya nga nadagdagan nanaman ng  mabuting Tao ang ating Baranggay , ganon siguro kamahal ng Panginoon ang Purok Paraiso".

"Basta ako kasing laki ng buto ng Indian Manggo ang pananampalataya ko, ikaw ba Kuya?".

" Para sa akin hindi masusukat ang pananampalataya, maliit man or malaki ang buto ang mahalaga ay parehas silang uusbong at magiging puno".

"Anong ibig mong sabihin doon Kuya".

"Lahat tayo ay may buto ng mananampalataya, dalawa lang naman yan eh yung una isipin mo paano ba tumutubo ang halaman , hindi bat sa pamamagitan ng Tubig, isipin mo na ang  tubig na yun ay ang Panginoon na tinutulungan tayong umusbong at maging halaman, gaya ng pagbibigay nya sa atin nang makakain sa araw-araw, gaya ng pagbibigay nya sa atin ng buhay".

"Di ko gets Kuya, eh ano naman yung isa pa".

"Edi yung mga hindi umusbong at natuyot, dahil tinaggihan nila ang tubig na binibigay ng Panginoon".

" Di ko talaga magets sinasabi mo Kuya".

"Yaan mo na tara na umuwi na tayo", sabi ni Kuya.

Hindi ko man naintindihan ang sinabi ni Kuya, isa lang ang naintindihan ko, na mas malaki pa sa kahit anumang buto ang kanyang pananampalataya.

To be Continued..

Ghost Club: Chapter 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon