Episode 3.5

145 2 2
                                    

FRANCINE POV

"Paano ko kayo matutulungan, ni hindi ko nga alam kung paano ako makakabalik", sabi ko.

"Ganun ba, pasensya na kung naging makasarili ako", sabi ni Diane habang nakatingin sa mga natutulog na Bata.

"Ang himbing ng tulog nila napaka bata at napaka inosente pa nila para maranasan ang ganito, may ideya na ba sila sa lahat nang nangyayaring ito?", sabi ko.

"Hinde, wala silang kaalam-alam, kaming lima lang ni Arthur ,Nathan, Brando at Alex ang nakakaalam ng lahat, ang mga Batang ito, hindi nila alam na patay na sila".

"Ayan din ang isa sa mga tanong ko, kung patay at mga kaluluwa nalang kayo, bakit parang buhay na buhay pa ang mga emosyon nyo, ang takot at lungkot, miski sa pisikal na anyo nakakaramdam pa din kayo ng pagod, at yan nakakatulog pa kayo".

"Hindi rin namin alam ang sagot, pero may nabasa ako dati tungkol sa life after death, sa dalawang uri ng kamatayan, una ang kamatayan pisikal sa mundo ng mga buhay, at pangalawa kamatayan ispiritwal or kamatayan sa kabilang buhay, pag pareho mo nakamit ang dalawang kamatayan na ito, malabo ka na daw mareincarnate".

"Kahanga-hanga ngunit paano nyo nalaman ang lahat ng ito".

"Dahil dati akong myembro ng Kulto ni Vicini, ngunit huwag kang mag-alala isa ako sa mga tiwalag".

"Pamilyar sa akin ang kulto na yan sa mga ala-ala ni Medi,".

"Nabanggit mo nga yan kanina na nakikita mo ang nakaraan ng iba kapag hinahawakan mo sila".

"Oo hindi lang tao miski mga bagay din nakikita ko ang nakaraan".

"Bakit hindi mo basahin ang nakaraan ko, malay mo may mga katiting na detalye kang makita na baka makatulong sayo".

MAY POINT SI DIANE SA SINABI NYA, DAHIL KAKAUNTI PALANG ANG NALALAMAN KO TUNGKOL SA KULTO NI VICINI, MALAKING TULONG NGA ITO HINDI LANG SA AKIN MAGING SA MGA KASAMAHAN KO NA SILA KAIRA, DAHIL MATUTUMBOK NAMIN ANG PUNO'T DULO NG LAHAT NG ITO.

"Ayos lang ba sayo?".

"Oo okay lang sa akin, para naman hindi mo isipin na kalaban ako dahil sa dati akong myembro ng Kulto ni Vicini".

"Sige", sabi ko at hinawakan ko ang kamay ni Diane.

Ghost Club: Chapter 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon