LYRE
"Teka wala pa ba si Ma'am? Ang tagal naman nya?!" tanong ni Viel, ang pinakamaingay sa classroom namin.
"Oo eh. May emergency meeting daw sila sa faculty office so we have to wait." sagot naman ni Marco, ang vice-president na nakatayo sa harap at pilit na pinapatahimik kaming lahat dahil ang ingay namin.
"Emergency meeting? Edi good! Guys, laro tayooo!!" sigaw naman ni Jonas sa amin. Isa sya sa pinakamaingay din sa barkada namin.
"Sige, sige.. Spin the Bottle!" approve ni Lei.
"No! Truth or Dare nalang!!" suggest naman ni King.
"Ayaw namin!" sabay na sabi ni Kris, Kenneth at Luke.
"Dapat sabay talaga? Eh.. kung ayaw nyo.. eh ano pala? Sige nga.." tanong ng baklang si Luigie.
"Hmm.. Yellow Orange!" sabi ni Kris
"Shagidi shagidi shapopo!" sabi naman ni Luke na may halong sayaw.
"Boorriiinnggg!" sabi ni Thalia.
"Oi! Stt! Guys.. Papayagan ko kayong maglaro pero yung di kayo mag-iingay!" saway naman ng class president namin na si Jacob.
"Sorry Mr. Prez," sagot ni Grace na may secret crush kay Jacob.
"Eh.. paano bayan.. Ang labs na mismo ni Grace (agad namang hinampas ni Grace si Jonas) ang nagsabi na bawal mag-ingay, so anong laro natin?" tanong ni Jonas.
"Aaah! Edi pass the message!! Di naman kaylangang mag-ingay nun diba?" at last naka-isip ako (at nag-isip talaga ako, haha).
Lumingon silang lahat sakin na nanlalaki ang mga mata na parang yun ang pinaka-brilliant na idea na naisip ko in my whole existence. -.-
"Wow Lyre! Andyan ka pala?! Akala namin absent ka di ka kasi nagsasalita!" biro naman ni Kim.
"Whatever!" sabi ko sabay snob.
"Tama nga naman. Sige pass the message nalang!" sabi ni Jonas at agad namang nag-approve ang lahat.
"Sino ba ang gustong sumali?" sigaw naman ni Kenneth.
"Ako! Pwede pa ba?" biglang may nag-raise ng kamay nya mula sa likod. Aah.. Si Kian pala. Si Kian-my-labs-so-sweet Honneypie Sugarbunch. Haahahaha, ang landi >. <
"Kung sasali si Kian, edi ako din!" sabat naman ni Tiarra ang impaktitang clingy kay Kian.
"Ayos!" sigaw naman si Thalia.
So umupo na kaming lahat sa floor at naghawak kamay (yung posision pagnag-pa-pass the message). Ganito ang sitting arrangement namin:
Jonas
Lei Kian
Kris Tiarra
Luke Luigie
Thalia Grace
King Kenneth
Ako Kim"Sino ang taya?" tanong ni Tiarra.
"Ako nalang!" sigaw ni Queen at agad naman kaming lumingon sa direksyon nya. At bigla kong napansin na nagblush si Kenneth. Ayyiiee~
"Sasali ka?" stupidang tanong ni Thalia na minsan ay shushunga-shunga pero sobrang mahinhin at maganda naman.
"Hindi Thalia, kaya nga ako ang taya diba kasi di ako sasali." pilosopong sagot naman nito.
"Sige! Gorabels! Go Queen!" sabi ni Luigie.
Then nagsimula na ang game namin. Una kay Thalia to Luke at naipass naman ang message. Then kay Jonas to Grace at success hanggang kay Tiarra to Kenneth at success din to.
"Hmm, Lyre.. pass the message to.. hmm.. Kian!" utos ni Queen. Like wuuuut? (0.0)
Alam na ng mga kabarkada ko na crush ko si Kian pero trustworthy naman sila at di nila pinagsasabi o pinapahalata.
pero not this time.
"Ayiiieeee~" sabay na kantsaw nilang lahat.
"Go Lyre!! Yiiieee~" sabi ni Kim at shinake-shake ang kamay ko. Feeling ko tuloy kasing pula ko na ang ketchup. Langyang mga kaibigan to oh! Mamaya lang at sasakalin ko kayo isa-isa!
Then I passed the message to Kian from Kim's side.
"I got the message!" sabi ni Kian. Thank the gods (Percy Jackson lang ang peg, hahaha).
"So Lyre? What's the message?" tanong ni Luke na may halong smile hanggang tenga. Traydor talaga!
"Oo nga Lyre? Whats the message ba? Ayyiieee!!" sabay na sabi ni Lei at Jonas. May look sa mata nila na tila tini-tease ako. Kainis!
Ganito pala ma hot seat kay Tito Boy.
Tiningnan ko si Kian pero nakasmile lang sya. Yung smile na almost tumatawa. Habang si Tiarra naman ay halatang inis na inis.
"Hey! Are you guys stupid?! Like.. meron bang message talaga na ipinasa si Lyre? Wala naman diba? Duuh! Ibang laro nalang kaya!" break in ni Tiarra. And for the first time, nasayahan ako sa presence nya. Hahaha harsh much?
"Hindi eh.. Gusto naming malaman. Diba guys?" sabi ni Queen at nag-oo naman sila in unison. "So.. ano ngang nilagay mo sa message?" dagdag nya.
"Ahem. Lyre" tumigil kaming lahat ng magsalita si Kian at mapatingin kami sa kanya. "I already got the message.. Can I answer it?" sabi nya.
Gosh!! 0///0
"H-ha? A-an-ano?" nagstammer pa ako.
"I like you too.." sabi nya.
Aaaaaaayyyyyiiiiiieeeeee~
-------------
Another one shot po. Sana nagustuhan nyo! Mas gusto ko talagang gumawa ng one shot kasi madali at mabilis lang tapusin. Hehehe, tamad kasi talaga ako. >_< Then read my first story.. [Aay! wrong send]..
If you don't like the way I write, just comment. Dun ko kasi nalalaman ang iniisip nyo para sa next time mas mapaganda ko pa ang story.
Pavote po at comment. Ahihihi
xoxo
Ps: May additional pa ako.. Huehue~ para sa inyo! ^^
---------------
At yun na.. nabingi na ako dahil sa sigaw nilang lahat at ng pagtibok ng puso ko. Totoo ba 'to? Did he really said those things o baka imagination ko lang yun?
I think i'm going to pop like a red hot-air balloon.
Napansin ko din si Tiarra na nagwalk-out. Inis na inis.
"Can I pass you a message too?" tanong naman nya ulit. Buti nalang at narinig ko pa.
"A-aah. Ha? A-ano naman yu-yun?" tanong ko. Bigla naman akong pinagpawisan.
.
.
.
.
.
.
.
"Can I court you?"