SEO-HYEON POV
"Oh aga mo naman Hyeon, ano ba yang pinagkakaabalahan mo?" tanong ni Kuya habang nilalagay ko sa box yung mga cupcakes na kakatapos ko lang gawin.
"Naisipan ko kasi gawan yung mga kaibigan ko ng cupcakes, magdadala kasi si Felix ng Brownies. Tska nga pala kuya may iniwan ako dyan baka gusto mo kumain or magbaon." sabi ko habang nilalagyan ng unting design ung box, ang arte ko lang noh.
"Felix? yung may freckles sa mukha? as in Yongbok Lee?" tanong ni Kuya sabay kagat sa cupcake na hawak.
Sinarado ko na yung box at tumingin sa kanya.."O-oo, as in Yongbok Lee. Y.O.N.G.B.O.K" pagspelling ko sa pangalan ni Felix.
"Classmate mo pala yun ibig sabihin classmate mo din yung mga kaibigan nya." tanong ulit ni Kuya.
Pumunta naman ako sa sink at naghugas ng kamay. "Yup, at sila ung kaibigan na tinutukoy ko. Kaya wag na maraming tanong kuya huh." pinagpag ko ung kamay ko at tumama naman sa kanya ung tubig "Maliligo na ako baka mahuli pa ako at wala masakyan." sabi ko kay Kuya.
"Bat kasi ayaw mo na lang sumabay sakin?" tanong pa ulit ni Kuya. Bat nga ba ayaw ko sumabay sa kanya? May sasakyan naman sya tapos ako nagpapakahirap magbyahe. "Wala lang, mas gusto ko lang mag bus saka na ako sasabay sayo kapag super duper duper late na ako." sagot ko sa kanya at umakyat na.
Hinanda ko na ang bag at uniform na susuotin ko at pumasok na ng banyo.
-After taking a bath-
Inaayos ko na ang mga gamit ko at ang suot kung uniform. Nagapply din ako ng light makeup para di naman ako mukhang patay, ang pale na din ng mukha ko. Inaayos ko din ang buhok ko at naisipan na ganto ang ayos ng buhok ko.
"Ayan okay na ako. Lechugoo~~" kinuha ko na ang bag ko at bumaba.
"Good morning Dad, Mom." pumunta ako ng kusina at kinuha ang 4 na box ng cupcakes. Siguro kasya nato sa kanila pati kay Yeji. "Una na po ako baka wala na ako masakyan."
"Hindi ka na ba kakain?" tanong ni Dad, kumiss naman ako sa cheeks nya at kay Mom "Kumain na po ako kanina habang nagawa nito. Bye po"
"Ingat huh." nagwave lang ako at umalis na.
Naglakad naman ako papuntang station na hindi kalayuan sa amin, hindi kami nagkakasabay nila Yuna at Yeji sa pagpasok dahil minsan nauuna sila o minsan late naman. Hindi naman gaano kaiinit kaya okay lang maglakad, binaba ko naman ung skirt na suot ko kasi tumataas. Tiningnan ko yung hawak kung boxes baka kasi nasisira na ung sa loob.
"Sakto ako huh." pagdating ko sa station saka pagdating ng bus, unti lang ang mga napapansin kung taga JYP School maaga pa naman kasi.
Humanap ako ng upuan at dun ko naisipan sa bandang padulo na. Nilagay ko sa lap ko ung boxes at nilabas ang earphone and phone ko at nagpatugtog ng "New york by Bol4xWh3n"
YOU ARE READING
A Highschool Lovestory: On Track || B.C[UNFINISHED]
Fanfic[SLOW UPDATE] ~Even a fool know this. You're the best thing i've got. Once again towards you, one more step, i will never stop. I'll always be On Track~ 📣This story is work of my imaginations. Place, Events and some people here are work of my imagi...