SEO-HYEON POV
Lumabas na ako ng kwarto ng nakasuot ng uniform at dala dala ang bag ko. Ang bigat ng katawan ko ngayon at parang wala akong gana pumasok.
"What the actually fuck?!! Anong mukha yan? At ano yan?" Sabay turo nya sa ilalim ng mata ko.
"Isn't obvious? Edi eyebags." Asar na sabi ko sa kanya. Umupo na ako at nagsandok ng kanin "tska pwede ba kuya stop cursing" dugtong ko.
"Sorry nagulat lang ako." umupo na sya sabay tingin sakin. "Grabe mukha kang sabog ngayong araw. San ka ba galing? Mukha ka naka drugs. Ang laki ng eyebags mo. Nagparty ka ba kagabi?" Sabi nya habang tumatawa. Kung di lang malayo sakin to si Kuya kanina ko pa binatukan. Uminom ako ng tubig at nireplayan sya.
"Hindi. Hindi lang ako nakatulog ng maayos kagabi" walang gana kong sabi. Tumayo na ako at pumunta sa Cr at tiningnan ang sarili ko sa salamin.
Nakakagulat nga mukha ko. Kahit nagapply na ako ng make up kita pa din ung eyebags ko. Sinuklay ko ang buhok ko at nagapply pa ng make up. Inayos ko ang uniform ko at tumayo ng tuwid. Inayos ko postura ko kahit pagod na pagod talaga ako.
Lumabas na ako ng banyo at kinuha ang bag ko para pumasok na.
"Mas maayos kaysa kanina. Tara sumabay ka na sakin baka mamaya makatulog ka sa bus at di na makababa" tumango na lang ako kasi wala din ako balak mag bus. Kinuha na nya ang car key nya at nauna na ako sa sasakyan.
"Nga pala dadaanan ko ung dalawa kong kaklase, maaga pa naman eh" sabi nya pagpasok nya sa sasakyan. Tumango na lang ako at sinuot ang earphone ko. Gustuhin ko man umidlip pero baka mahirapan si Kuya sa pagising sakin, kaya ket mahirap i tried to open my eyes.
Tahimik lang kaming dalawa habang nasa byahe. Binuksan ko ang cellphone ko at tiningnan kung may text galing sa mga kaibigan ko at isa lang ang natanggap ko. Bangchan
Umakyat na naman lahat ng dugo ko sa pisngi ng maalala ko ung ginawa nya kagabi, para saan yun? He is the only man except my father and brother did that. That forehead kiss.
Feel ko hanggang ngayon namumula pa din ako. Pinikit ko mata ko para mawala sa isip ko pero patuloy ko pa din naalala. Sinampal ko ng mahina sarili ko para naman di ko na maalala. Nagising ata ako dun.
"Min are you okay?" Tanong sakin ni Kuya. Napatingin naman ako sa kanya. "A-ahh..yeah. I think" at ngumiti.
Fuck what did you do to me?!
Binuksan ko ang message ni Bangchan.
"Goodmorning. Did you sleep well? Thank you pala ulit sa tulong mo kagabi and coz of that i will treat you later after class. See you later ❤" sabi sa first text. Heart??
and may another message pa
"😊* ay mali" napa kunot na lang ako ng noo at di na nireplayan. Bakit ba?
Huminto ung sasakyan at nakita ko ang dalawang kaibigan ni Kuya na naghihintay. Pagkahinto pa lang ni Kuya ay nagunahan ung dalawa buksan ung pinto sa unahan. Naghahampasan pa silang dalawa at naguunahan makahawak sa pinto kaya di ko na napigilan matawa. Bumaba naman si Kuya at lumapit sa dalawa nyang kaibigan at binatukan to.
Binuksan ko naman ang bintana kaya napunta sakin ang atensyon nila. "Hi" sabi ko. Napaayos naman sila ng postura at ngumiti.
"Dun kayong dalawa sa likod dahil kapatid ko sa tabi ko. Nakikisabay lang kayo" sabi ni Kuya. Lumakad na sya pero biglang nagsalita ung payat na lalaki.
"Pero br--- walang pero pero Jinyoung. Kapatid kayo? Kapatid? Diba hindi, kaya sa back seat kayo" at naglakad na si Kuya. Napatawa na lang ako at sinarado na ang bintana.
YOU ARE READING
A Highschool Lovestory: On Track || B.C[UNFINISHED]
Fanfiction[SLOW UPDATE] ~Even a fool know this. You're the best thing i've got. Once again towards you, one more step, i will never stop. I'll always be On Track~ 📣This story is work of my imaginations. Place, Events and some people here are work of my imagi...