SEO-HYEON POV
Kasalukuyan ako nakaupo sa kama ko. Iniisip ko kung paano ako kukuha ng pera pang bili ng ticket na hindi hihingi kay Mama o kay kuya, pang sariling kaligayan ko ito eh.
"Seungmin kasi kasalanan mo to!" Nubayan kung di nya pinaalala. Wala pa naman na akong balak kasi kulang talaga pera ko pero nangako na ako sa kanya.
"Min are you okay?" Napaangat naman ako ng ulo ng nakita si kuya sa may pinto. Hindi ko namalayan na binuksan nya ung pinto.
"A-ahh oo naman hehe." Sabi ko. Napatango na lang sya at lumabas. Napabatok naman ako sa sarili ko.
"Anong oras na ba?" Hinanap ko ang cellphone ko at tiningnan ang oras. 7:30 pm, pwede pa ako makalabas.
Kinuha ko ang cellphone, earphone at wallet ko at tumingin sa salamin. Short and sweatshirt okay naman to. Agaran na ako lumabas at bumababa. Magpapaalam sana ako kaso wala si Mommy at kuya. Baka kapag nasa labas ako makapagisip ako kung paano ako makakaipon ng pera.
Sinalpak ko na ang earphone sa tenga ko at naglakad na. Play Wedding Song by Just ft. Wonpil.
Hindi naman madilim kaya wala dapat ikatakot. Pupunta lang naman ako sa park for sure may mga tao pa dun lalo na ang mga bata at mga couples.
Nakarating ako sa park at pumunta sa swing. Wala naman nakaupo dun kaya dun na lang ako. Umupo ako at nagswing ng mahina.
Paano kaya kung mangutang ako? Magtrabaho ng 1 linggo? Manghingi na lang kaya ako kay Mommy? Nahihiya kasi ako. Di naman kami ganun kayaman din.
"Min?" Tawag sakin ng kung sino. Napadako naman ang tingin ko sa lalaking naka black. As in black.
(This is the outfit. Crdts to pinterest)
Tiningnan ko pa to mabuti dahil madilim sa parte nya pero maputi ang lalaki. Nang napansin nya na hindi ko sya makilala lumapit na ito at tinanggal ang mask."Bangchan?" Napangiti ako ng namukhaan ko na ang lalaki. Grabe litaw na litaw ang kaputian nya naka all black ba naman. "San ka galing? At anong ginagawa mo dito?"
Umupo naman sya sa swing at nilagay ang bag nya sa gilid. "Kakagaling ko lang sa studio. Alam mo na practice, composing. Pauwi na sana ako kaso may dadaanan ako dito"
"Hala dapat nagpapahinga ka na. Nadaananan mo na ba ung pupuntahan mo? Dapat pinabukas mo na lang yun" sabi ko. Napansin ko naman napangiti sya.
"Hmmm.. Thank you sa concern. Hindi pa nga eh, nakita kita kasi dito kaya balak ko samahan muna kita." napatango at napangiti naman ako at napatingin sa mga batang naglalaro sa kabilang side ng park.
"Problema?" Tanong nya.
"Wala huh. Bat mo naman nasabi na may problema ako?" Tanong ko sa kanya.
YOU ARE READING
A Highschool Lovestory: On Track || B.C[UNFINISHED]
Fiksi Penggemar[SLOW UPDATE] ~Even a fool know this. You're the best thing i've got. Once again towards you, one more step, i will never stop. I'll always be On Track~ 📣This story is work of my imaginations. Place, Events and some people here are work of my imagi...