Seo-hyeon POV
"Wang!!" Tawag sakin ng kung sino kaya napatingin naman ako sa likod at nakita tumatakbo si Yuna..
"Oh Goodmorning" bati ko pagka dating nya sa kinatatayuan ko. "Goodmorning din" sabi nya.
"Oh another cupcakes..pahingi huh" sabi nya. Napatingin naman ako sa isang box na hawak kong cupcake, naisipan ko gumawa para ibigay sana kay Changbin pasasalamat. "Yah. Dito para sayo, saka na lang ulit okay? Kinulang kasi ako sa oras sa pag gawa" sabi ko sa kanya, lumungkot naman ang mukha.
"Para ba kanino yan?" Tanong nya. Nginitian ko na lang sya at binilisan ang paglalakad papuntang classroom."Yah! SEO-HYEON WANG! KANINO NGA?" sigaw nya sa hallway, tumawa na lang ako at pumasok sa classroom
"Good morning boys" bati ko sa kanila..nandun na kasi silang lahat. Napatingin naman sakin si Lee know at Seungmin, tumayo naman si Felix at I.N para salubungin ako. "Goodmorning noona!" Sabi nya. Nginitian ko naman sya at pumunta nasa upuan ko.
"Yah! Wang ang bilis mo maglakad. Nahaggard ang ganda ko sayo" sabi ni Yuna at bigla naman sumingit si Seungmin. "Haggard lang walang kang Ganda." Na ikinatawa naman ni Lee Know at Hyunjin. Napasimangot naman si Yuna at padabog umupo.
"Grabe yun Seungmin" sabi ni Hyunjin.
Tumayo naman ako at kinuha ang box ng cupcake na dala ko, napatingin naman sakin si Hyunjin, Felix, I.N at Bangchan dahil din sa tunog ng upuan ko. Pumunta ako sa upuan ng lalaking naka earphone at may lyric sheet sa desk.
"Changbin" tawag ko sa kanya, mukhang narinig nya naman ako at ngumiti. Nakakapanibago.
"Why?" Ask nya. Inabot ko naman sa kanya ang ginawa kong cupcake. Tiningnan nya naman ito ng may pagtataka. "Thank you kagabi." Sabi ko sa kanya. Nilapag ko naman un sa desk nya.
"Ah yun ba. Wala yun. Walang problema" sabi nya. Ngumiti naman sya at nagpasalamat din.
Bumalik na ako sa upuan at nakita ko nandun na si Yuna. "Para sa kanya pala. Ikaw huh" pangaasar nya. Tiningnan ko naman sya. "Malisyosa" at nagsimula na ang klase.
----
P.E time namin ngayon kaya lahat kami nasa court para sa larong Volleyball. Kagroup ko si Yuna at ang boys, kasama ako sa mga unang maglalaro kaya pumwesto na kami.
Nagsimula na ang laro at naging maganda ang takbo nito. "Mine!" Sigaw ko at napunta ito sa kabila pero hindi nasalo ng kalaban kaya napatalon ako kasi score na naman.
Patuloy pa rin sa paglalaro. Tira dito, tira doon. Maganda ang pasahan. Pagkapasa ng I.N ay handa ng i-spike ng kalaban ang bola papunta samin. Nakita ko naman ito papunta sa direskyon ko at mukhang hindi maganda ang mangyayari kaya hinarang ko na lang ang mga braso ko sa mukha ko.
Pero ilang segundo na ang lumipas pero wala pa din tumatama sakin.
"Arghhhh!" Sigaw ng kung sino na for sure its not come to me. Napatanggal naman ako ng braso sa mukha ko at nakita ko si Bangchan nakahiga sa sahig habang hawak ang noo.
"Omygodd Chan!" Sigaw ko. Lumuhod naman ako at hinawakan sya
"Hyung!"
"Chan hyung!""Omoo sorry sorry sorry Bangchan. Sorry" sabi ko, tumawa naman sya "ano ka ba. Wala kang kasalanan bakit ka nagso-sorry" sabi nya.
Tinulungan naman sya ng mga kaibigan nya at tinayo papunta sa clinic.
"Ayusin mo naman Changbin hyung!"
"Ikaw kaya ang bigat kaya ni Hyung"
"Hoi alalaayan nyo baka mahulog"
"Ano ba Lee know hyung walang tulong"
"Ang dami nyo na dyan tutulong pa ba ako"
"Wow salamat sa concern nyo huh. Ako na lang hiya ako sa inyo" at lumayo na si Bangchan.
YOU ARE READING
A Highschool Lovestory: On Track || B.C[UNFINISHED]
Fanfiction[SLOW UPDATE] ~Even a fool know this. You're the best thing i've got. Once again towards you, one more step, i will never stop. I'll always be On Track~ 📣This story is work of my imaginations. Place, Events and some people here are work of my imagi...